Chapter 12 : Fading Power

84 7 0
                                        





"ARAY!" malakas na pagdaing ni Edge ng biglaang diinan ni Lilac ang paglalagay nito ng gamot sa kaniyang sugat. Nandito silang dalawa sa pagamutan. Wala ang doktor na magagamot dahil kasama ito sa pinalikas at nagtago sa dormitoryo kaya naman ay kailangan niyang gamutin si Edge.

"Hindi mo naman siguro nakakalimutan ang aking sinabi. Pagkatapos ng labanan kanina ay ako ang papatay sa 'yo." nakangising wika nito. Tiningnan siya ng binata ng nakangisi at bigla nitong hinawakan ang kaniyang baba at iniangat ito upang magakapantay sila ng tingin.

"Paano mo naman iyon gagawin?" bulong nito.

"Uh, paumanhin."

Mabilis na tinampal ni Lilac ang kamay ni Edge nang marinig ang boses na iyon ni Lady Annalise. Kanina pa pala ito nandoon kasama sila. Si Lady Georgiana at si Lady Lorelie ay nagboluntaryo ng ibalita sa punong guro at sa prinisipe ang limang mga di kilalang mga lalaki.

"Lady Annalise, paumanhin. Nandiyan ka pala." maginoong wika ni Edge na siyang kinataas ng gilid ng labi ni Lilac. Hindi siya sanay na marinig na ganoon ang tono ng pananalita ng binata dahil lagi itong sinusungit siya kapag siya ang kausap nito.

"Hindi. Ayos lang. Nandito ako para samahan kayo papunta sa prinsipe at sa punong guro. Nais nila kayong makausap tungkol sa nangyari kanina." wika nito.

"Kung ganoon ay pumunta na tayo. Tapos na rin ang pagagamot ni Lilac sa akin." ani Edge at tumayo na. Tumayo na rin si Lilac.

Naunang naglakad si Lady Annalise habang nakasunod naman ang dalawa.

"Hindi ko alam kung ano ang namamagitan sa inyong dalawa nguni't sa aking palagay ay nababagay kayo sa isa't-isa." nakangiting wika ni Lady Annalise. Napairap si Lilac at umiwas ng tingin.

"Mali ka ng iniisip." umikot pa ang mata ni Lilac noong magkatinginan sila ng binata.

Kumawala ang tawa sa labi ng binata. "Sakit siya sa ulo. Hindi ko alam kung tatagal ako sa isang katulad niya."

"Kapal mo!" bulalas ni Lilac habang nakakrus ang mga braso nito. Natawa naman bigla si Lady Annalise at sumabay ito sa paglalakad kay Lilac. Nagulat si Lilac ng hawakan nito ang kaniyang braso.

"Sa tingin ko talaga ay magiging maganda kayong magkasintahan."

Kinuha ni Lilac ang kaniyang kamay at binilisan ang paglalakad.

Nakatayo lang si Lilac sa tabi ni Edge habang nasa harapan nila ang punong guro. Nasa loob ng isang silid ang mga nobles, si Professor Smith at Professor Hidmer. Ang prinsipe naman ay nakaupo sa upuan habang si Lord Eduard ay nasa likuran nito.

Lumuhod si Edge sa sahig kaya naman ay sinundan din ito ni Lilac. Pagkatapos ay sabay din silang tumayo.

"Sabi ni Lady Annalise ay kayo nakahuli ng mga kalaban." pauna ng punong guro.

"Nakita namin ang mga nakakahinalang mga lalaki na 'yon sa pasilyo. Kaya naman ay naisipan namin itong sundan nguni't nakita nila kami. " paliwanag ni Edge.

"At kasama mo ang binibini?" tanong pa ng punong guro. Napayuko si Lilac. Nagtataka ang punong guro kung bakit nandoon siya sa mga sandaling ito. Si Lilac naman ay sinusubukang di dumapo ang tingin sa prinsipe na prenteng nakaupo lamang sa upuan.

Muli ay dumadagsa na naman ang pakiramdam na iyon ni Lilac. Nguni't sa mga sandaling ito ay hindi na niya nilalabanan. Tama ang sinabi ng prinsipe. Kung lalabanan niya ang kaniyang katawan ay siya lang din ang manghihina. Nguni't nais niyang mawala ang pakiramdam na iyon. Ang kaniyang dugong nabubuhay na para bang sinisigaw nito ang presensya ng prinsipe.

The Last SuccessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon