DAHAN-dahan ng nawawala ang malakas na agos sa ilalim ng tubig kaya naman ay mas nakahinga ng maluwag si Lilac. Limang minuto na rin ang nakakaraan at hindi na rin nagparamdam ang malaking lamang dagat na bumangga sa kanila kanina.
Habang ang dalaga naman ay nanatiling nakatabi kay Lord Eduard at sinusubukang balewalain ang presensya ng prinsipe na nasa kaniyang likuran lang.
"Malapit na tayo sa lupain ng mga Vanidestine."
Nakikita nga ni Lilac na sa di kalayuan ay may kaunting liwanag na siyang nakikita kaya naman ay tinanguan niya ang sinabi ni Lord Eduard. Habang nakaupo naman si Morgan sa kaniyang balikat ay ito lang ang nagbibigay ng liwanag sa kanila sa gitna ng dilim.
"Mas kailangan nating mag-ingat sa sandaling ito. Malapit na tayo sa kaharian ni Eurem. At hindi imposibleng meron siyang mga alagad na gumagala dito sa ilalim." dagdag pa ni Lord Eduard. Halata dito na marami siyang alam patungkol sa bagay at lugar na ito. Kung iyon tutuusin ay siya ang pinakamatanda at sa palagay ng dalaga ay nasaksihan niya pa ang mga nangyari noon.
Matapos ng halos isang araw na namamalagi sila sa ilalim ng dagat at naglalakbay ay naabot nila ang ikatlong bundok.
Naramdaman ni Lilac na paunti-unti ng umaangat ang bula na kanilang sinasakyan at mula sa pinakamadilim ay unti-unti na niyang natatanaw ang sikat ng araw.
Napangiti si Lilac ng tuluyang makaangat mula sa ilalim ng dagat ang bula. Tumambad sa harapan nila ang mahahabang mga damo, matatayog na mga puno at dahil tanghali na at mataas ang sikat ng araw mas lalong nahahayag ang ganda ng kagubatan na nasa kaniyang harapan.
Lumulutang na ang bula paitaas nguni't nagulat sila ng may biglang isang pegagsus ang lumubas mula sa isang mahahaba at makakapal na mga damo. Sabay ng pagputok ng bula ang pag-atake naman ni Edge sa halimaw gamit ang kaniyang espada.
Dalawang beses nito natamaan ang leeg ng halimaw at ang pangatlong saksak ay tumama sa mata dahilan ng pag sigaw nito at namatay. Nagsilabasan ang mga dugo mula dito.
"Lilac, diyan ka lang sa likuran namin." ani Lord Eduard habang hinaharangan ng kaniyang braso si Lilac na ngayon ay gulat pa rin na nakatingin kay Edge na nasa harapan ngayon ng walang buhay na pegagsus.
Habang ang prinsipe naman ay nasa tabi ni Lilac at binabantayan lang din ang paligid.
"Nakakalat ang mga pegagsus. " wika ni Edge at naglakad papalapit sa kanila.
"Mukhang inaabangan nila tayo." ngumisi si Lord Eduard na para bang mayroon siyang kakaibang iniisip. Hindi maiwasan ni Lilac ang magtaka nguni't binalewala na lamang niya ito at huminga ng malalim.
Kailangan kong tatagan ang loob ko. Mas matindi pa dito ang kakaharapin ko sa sandaling maisasagawa ko na ang plano ko.
Bulong ng isipan ni Lilac at palihim na nakatingin sa prinsipe na nasa kaniyang tabi. Umiwas muli siya ng tingin at napapailing dahil sa kakaibang koneksyon na humihila sa kanila sa isa't-isa.
"Kailangan pa nating lakarin papunta sa Mansion ng mga Vanidestine. Mula dito ay hindi na 'yon malayo. Nguni't kailangan nating maging maingat.Hindi natin alam kung ano at ilan ang nag-aabang sa atin doon." wika ni Lord Eduard at nagsimula ng maglakad.
Sumunod na rin sa paglalakad si Lilac kay Lord Eduard at ganoon na rin si Edge at ang prinsipe na nasa kaniyang likuran.
Tiningnan ni Lilac ang nadadaanan nila at halatang isa itong lugar kung saan matagal na panahon ng walang nakakapunta. Wala kang makikitang bakas ng mga tao kundi mga kalmot lang ng mga halimaw.
BINABASA MO ANG
The Last Successor
FantasyKabilang si Lilac Vanidestine sa limang angkan na pumapalibot sa Sankori Kingdom. Labing siyam na taon ang nakakaraan, isang kagimbal-gimbal na digmaan ang nangyari dahilan ng tuluyan na pagkawala ng kaniyang angkan. Sa kagustuhang maipaghiganti ang...