Chapter 34 : Prince's love

50 8 0
                                    



TAHIMIK na naglalakad si Lilac sa pasilyo habang sinusubukang di pansinin ang mga tingin ng mga taong nadadaanan niya. Kahit na ilang linggo na ang lumipas at napatunayan nang hindi nagkasala si Lilac ay ganoon pa rin ang tingin ng mga estudyante sa kaniya. Lahat ng ito ay nagtaka sa biglaan niyang pagkawala sa loob ng dalawang linggo, at sa isang iglap ay bigla na lamang itong nagpapakita.

Maraming mga estudyante sa labas ng kanilang mga silid aralan dahil ito na ang pangalawang araw ng kanilang pagdiriwang sa loob ng paaralan.

Matapos ang nangyaring pag-atake ng pegagsus kahapon ay inanunsyong itutuloy pa rin ito.

"LILAC!" isang malakas na sigaw ang umalingawngaw sa pasilyo. Napalingon ang mga estudyante sa kanilang likuran at tumambad sa kanila si Shiyo na malapad ang ngiti. Tuwang-tuwa ito na makita ang dalaga.

Malalaki ang hakbang nito papunta kay Lilac na ngayon ay magkasalubong ang kilay na nakatingin sa binata.

"Ang tagal mong nawala-"

Bago pa man makaiwas si Lilac sa gagawing pagyakap sana ni Shiyo ay nagulat siya ng bigla na lamang itong huminto. Nagtaka siya dahil tumigil ang binata at nakatingin ito sa likod ng dalaga.

Agad siyang mapalingon ng maramdaman ang prinsipe sa kaniyang likuran. Kasama nito si Lord Eduard sa likuran naman nito.

Naglakad ang prinsipe palapit sa dalaga at nagulat ang lahat ng hawakan nito bigla ang kaniyang kamay. Maging si Shiyo ay nagulat dito.

"Kamahalan, magandang araw po sa iyo." magalang na bati ni Shiyo at yumuko sa prinsipe at ganoon na rin ka Lord Eduard.

Si Lilac naman ay palihim na nagulat sa ginawa ng binata at nakaramdam pa ng pagkailang dahil marami ang nakakakita. Kabilang na sila Lady Annalise at Lady Georgiana gulat na nakatingin sa kanila.

Gumuhit ang ngiti sa labi ni Lady Annalise habang papalapit sila sa kinaroroonan ng prinsipe.

"Kamahalan..." sabay na wika ni Lady Annalise at Lady Georgiana ng makalapit ito sa kanila. Si Lady Georgiana na hindi maiwasang mapahawak ng mahigpit sa kaniyang damit dahil sa nakikita.

Noong nakaraan lang ay lakas loob niyang inamin ang totoo niyang nararamdaman sa prinsipe. Nguni't natakot lamang siya dito dahil sa kaniyang nasaksihan. At sa araw na ito, samantalang nakatingin sa prinsipe na may hawak na iba ay doon niya napagtantong kahit ano pa man ang nalaman niya tungkol sa prinsipe ay hindi niya makakalimutan.

"Magsisimula na ang paligsahan. Hindi ba kayo pupunta upang manood, Kamahalan?" tanong ni Lady Annalise habang nakangiti rito ng pilit.

"Papunta na kami ni Lady Annalise doon upang panoorin si Lady Lorelie. Sumali din siya sa paligsahan." Ani Lady Georgiana habang nakaiwas ng tingin.

"Nais mo bang pumunta doon, Lilac?"

Napatingin si Lilac sa prinsipe. Lahat sila ay nakatingin sa kaniya at hinihintay ang isasagot nito. Nguni't kahit hindi niya tingnan ay nararamdaman niya ang matatalim na titig ni Lady Georgiana sa kaniya.

"Oo. Papunta rin ako doon upang manood." sagot ni Lilac.

"Kung ganoon ay sabay na tayo. Pupunta ka rin ba, Shiyo?" tanong ni Lady Annalise sa binatang naaa tabi nito.

"Huh? O-oo p-pero h-hindi na siguro ako sasabay sa inyo." nahihiyang tugon nito.

"Bakit? Ayos lang 'yan. Tara na. Narinig ko ring sasali si Edge sa paligsahan. Tara na." aya ni Lady Annalise at hinila si Shiyo. Kahit na nahihiya ay sumama na lang din si Shiyo na pumunta at manood.

The Last SuccessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon