Chapter 14 : Partner in Crime

48 8 0
                                    





PAGKATAPOS ng pag-atake ng isang pegagsus sa loob ng Kamarchya ay agad na inanunsyo ng punong guro ang seguridad ng mga estudyante. Nagtulong-tulong ang lahat ng mga propesor upang lagyan ng proteksyon ang buong Kamarchya laban sa mga maaaring pag-atake ng mga pegagsus. Gayon din naman ang mga estudyante ng Kamarchya na maalam na at mahusay na sa paggamit ng mahika.

"Napakagaling!" hindi maiwasang mabulalas ni Shiyo ang kaniyang paghanga sa mga estudyante at propesor na nagtulong-tulong na lagyan ng kapangyarihan ang buong Kamarchya. Sa pamamagitan ng kanilang ipinagsamang kapangyarihan ay maaaring makatulong ito upang hindi agad makapasok ang mga pegagsus.

"Mahusay ang mga propesor ng Kamarchya. Ayon sa narinig ko ay isang magaling na propesor ng mahika si Professor Hidmer." wika ni Lady Annalise habang nakatayo ito sa gilid ni Shiyo. Napayuko naman si Shiyo na tila nahihiya sa presensya ng dalaga na nasa kaniyang tabi.

"T-tama kayo, Lady Annalise. Kahit m-medyo masungit at mataray talaga siya."

Natawa si Lady Annalise at tinapunan ng tingin si Shiyo. "Natatakot ka ba sa kaniya? Napapansin ko ay nahihirapan ka sa pagkontrol ng mahika mo. Bakit di ka lumapit kay Professor Hidmer upang matulungan ka?"

"H-Hindi ko siya kayang lapitan." naiiling na pag-amin ng binata. Totoong kinatatakutan ng mga estudyante si Professor Hidmer dahil sa taglay nitong katarayan nguni't hindi mo rin maikakaila na mahusay ito sa paggamit ng mahika. Halos lahat ay nagagawa nito.

"Bakit hindi? Napapansin ko ngang lagi mong kasama si Lilac." saglit na napahinto si Lady Annalise at umusog ng kaunti kay Shiyo upang bumulong. "Hindi ba't masungit din naman siya at mataray nguni't nakakasama mo siya. Hindi ka rin ba natatakot kay Lilac?"

Agad na umiwas ng tingin si Shiyo at tinapunan ng tingin si Lilac na tahimik lang na nakatingin sa mga propesor. Nakapokus ito sa kalangitan na tila ba hinihintay nitong matapos ang paggawa ng proteksyon.

"Mukha lang siyang masungit." wika ni Shiyo.

"Huh?"

"Paumanhin, Lady Annalise. Mali ka ng naiisip tungkol kay Lilac. Mukha lang siyang masungit n-nguni't malambot ang kalooban niya."

Napatitig si Lady Annalise sa binata na nakayuko at nakatitig sa lupa. Hindi ito mukhang nagbibiro at hindi rin ito 'yong tipong nagsasalita dahil sa natatakot o tinatakot siya. Ito ang nilalaman ng puso ng binata.

Napangiti si Lady Annalise at tumingin sa harap. "Gusto mo siya?"

"H-huh? Huh? Hind-"

"Gusto ko rin siya."

Natigilan si Shiyo at napatingin sa dalaga. Nakatanaw na rin ito sa itaas at nakangiti. Hindi naman maiwasang mamangha ni Shiyo sa ganda ng dalaga. Kulay itim ang hanggang beywang nitong buhok. May palamuti na kulay ginto ng buhok nito. Kung iyong titigan ay mukha talaga siyang prinsesa.

"A-akala ko ba ay nasusungitan ka sa kaniya?"

"Oo. Nasusungitan ako kay Lilac. Nguni't gaya ng sinabi mo alam ko mabuti ang kalooban niya. " biglang bumalik sa isipan ni Lady Annalise ang prinsipe. Sa tuwing tinitingnan niya ang prinsipe ay nahuhuli niya itong nakatingin kay Lilac habang nagbabago ang mga maga nito. Mahirap sabihin, nguni't sa kaniyang palagay ay may kakaiba sa pagitan nilang dalawa.

Hindi naman siya pagkakainteresan ng prinsipe ng ganon ganon na lang.

Nalulungkot siya habang iniisip na may interes ang binata sa dalaga. Kahit di man ito interes bilang lalaki sa babae, nguni't nakakalungkot pa rin. Kahit minsan ay hindi niya nakita ang prinsipe na nagbabago ang mga maya nito at tumitig sa kanino mang dalaga.

The Last SuccessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon