"ANONG ginagawa mo dito?" seryosong tanong ng dalaga at umarteng parang wala lang nangyari.
"Ah, nagkataon lang na napunta ako dito."
Humakbang ang dalaga at nilagpasan na ang binata na sinusundan lang siya ng tingin.
"Hindi ba't hindi kayo dapat pumupunta dito sa kabilang bayan?" naglalakad na si Lilac. Naramdaman niyang nakasunod lang ang binata sa kaniya.
"Sinusundan ko si Alexandra. Naligaw ata ako. Hindi ko alam kung saang lugar ito." sagot nito. Noong malaman niyang tumawid si Alexandra Windsor ay agad niyang sinundan ito at hinanap nguni't mukhang siya ngayon ang naliligaw.
"Nasa Elwood ka. Mukhang ang layo ng narating mo. Ito na ang pinakadulong bayan. Ganoon ka ba kabilis maligaw?"
"I-ito ang unang beses ko dito sa kabilang bayan. Hindi ko alam kung saan pupunta para makapunta ng Kamarchya."
Pag-amin nito sa dalaga. Nanatili lamang siya nakasunod dito habang nakapukol ang kaniyang tingin sa buhok nito.
"'Wag kang umasang ituturo ko sa 'yo." tugon ng dalaga dito.
Humakbang ng mabilis ang binata at agad na inilagay ang gayak pangbuhok sa buhok ni Lilac. Napahinto si Lilac dahil sa biglaang paglagay ng binata ng bagay na 'yon sa kaniyang buhok.
"N-naisip ko lang ay nababagay 'yan sa iyong buhok. " nahihiyang tugon ng binata na parang ngayon lang na naisip ang kaniyang ginawa. Nilingon siya ng dalaga ng makahulugan kaya naman ay umiwas siya ng tingin. "N-napulot ko lang 'yan. P-pero 'wag mong tatanggalin."
Hindi umimik ang dalaga at nagsimulang maglakad na. Nagbuntong hininga na rin ang binata at saka ay sumunod dito.
"Bakit mo ako sinusundan? Hindi ako pupunta ng Kamarchya." wika ng dalaga na kinakunot naman ng noo ni Stephen.
"Bakit? Hindi ba't may pagdiriwang ngayon sa Kamarchya?"
Napaisip ang dalaga. Hindi niya alam ang tungkol sa pagdiriwang na sinasabi nito. Lingid din naman sa kaalaman ng binata na dalawang linggo itong hindi nagparamdam sa loob ng Kamarchya.
"Umalis ka na. May iba akong pupuntahan."
Sabi ng dalaga at binilisan ang paglalakad. Kailangan niyang makalayo kay Stephen Vozenilek. Isa rin naman itong noble at kailangan niyang makalayo dito. Kahit na wala naman ito sa listahan ng kaniyang paghihigantihan ay darating ang araw na magiging isa ito sa kaniyang kalahan.
Ang naiisip lang ni Lilac ay ang magsanay. Sa loob ng dalawang linggo ay puro pagsasanay ang kaniyang inatupag. Matapos siyang itaboy ng hari sa palasyo ay napagdesisyunan niyang kailangan niyang mas lumakas pa.
Pinag-aralan niya ang kaniyang kapangyarihan. Nag-aral siya gumamit ng sandata. At mas sinanay ang sarili sa pakikipaghabulan.
Hindi lang pegagsus ang kaniyang kalaban kundi pati ang buong kaharian.
Diretso lang sa paglalakad si Lilac hanggang sa makalabas na siya sa kagubatan. Malayo layo na ang kaniyang narating.
Naisipan niyang maghanap ng iba pang mapagsasanayan.
"AAAAAAAAHHHHHH!"
"Magtago kayo!"
"Andiyan na ang mga halimaw!"
Natigilan si Lilac ng makarinig siya ng sigawan at malalakas na ungol ng pegagsus. Nang mapansin niyang may gumagalaw sa di kalayuan ay inilabas niya ang kaniyang panana at inihanda ito.
BINABASA MO ANG
The Last Successor
FantasíaKabilang si Lilac Vanidestine sa limang angkan na pumapalibot sa Sankori Kingdom. Labing siyam na taon ang nakakaraan, isang kagimbal-gimbal na digmaan ang nangyari dahilan ng tuluyan na pagkawala ng kaniyang angkan. Sa kagustuhang maipaghiganti ang...
