Chapter 38 : Heartache

51 6 0
                                    




NAKITA ni Lilac na maraming kawal ang nakabantay sa pasilyo kung saan dumadaan at patungo ang mga panauhin. Agad siyang nagtago sa likod ng isang pader. Paniguradong nakapasok na si Edge at mahihirapan na siyang makita ito. Sa lawak ng palasyo at sa dami ng tao sa loob ng palasyo ngayon ay mahihirapan siyang makita ang binata.

Napahawak siya sa magkabilang gilid ng takip ng kaniyang balabal at napatingin sa kwentas na umiilaw pa rin.

Hindi na niya masyadong nararamdaman ang enerhiya ngayon.

Sumilip si Lilac at naisipang umakyat sa isang hagdan na nakita niya. Habang naglalakad ay napahinto siya ng makasalubong ang dalawang tagapagsilbi. Napahinto din naman ang dalawang tagapagsilbi at napatitig kay Lilac.

Akmang sisigaw na sila nguni't agad na lumabas ang mga berdeng baging sa pader at paanan ng mga babae. Natali ang kanilang mga paa at kamay pati na rin ang kanilang bibig.

Naghanap si Lilac ng silid na pwedeng pagtaguan ng dalawang babae. Naisipan niyang itago ang mga ito sa silid tambakan ng mga lumang gamit. Kinuha naman niya ang damit ng isang babae at sinuot ito.

Itinali niya rin ang kaniyang buhok at sinuot ang sinusuot nila sa kanilang ulo.

"Pasensya na kayo!" ani Lilac at iniwan ang dalawa sa loob ng silid. Iniwan niyang nandoon ang baging sa pinto upang mapigilan ito sa pagbukas.

Huminga siya ng malalim sa sandaling makalabas siya ng silid at dinala ang kahon na bitbit ng mga babae kanina. Magaan lang ito kaya naman ay tiningnan niya ang laman.

Isa itong puting mga tela na sa kaniyang palagay ay gagamitin ding disensyo.

Bumalik siya sa paglalakad at balak na pumunta sa pagdadausan ng kasal ng biglang may isang babaeng huminto sa kaniyang harapan. Nakasuot ito ng itim na damit na parang sa tagapagsilbi. May dalang stick at nakataas ang mataray na kilay. Sa likod nito ay si Stephen Vozenilek.

"'Yan na ba ang mga tela na iniutos ko? Bilisan mo at magsisimula na ang seremonya." ani ng babae.

Napaiwas ng tingin si Lilac kay Stephen na nakatitig sa kaniya. Palihim naman na napadasal si Lilac na hindi siya ibuking ng binata kaya sinubukan niyang ngumiti.

"Masusunod!" ani Lilac at tumalikod na. Matapos ang limang hakbang ay wala siyang narinig na sinabi ni Stephen kaya ay napahinga siya ng maluwag.

"Ginoong Stephen, dito po tayo. Kasalukuyang nasa silid ng prinsipe si Lord Eduard ngayon. "

Narinig niyang wika ng babae. Napalingon si Lilac upang tingnan sila Stephen at nagulat siya ng nakatingin din naman sa kaniya si Stephen.

Umiwas na siya agad ng tingin at naglakad ng mabilis. Mabilis siyang naglakad gaya ng iniutos ng babae sa kaniya. Pigil hininga pa siya habang naglalakad sa pasilyo at nagdadasal na sana ay hindi siya mahuli ng mga kawal. Nguni't hindi nga siya sinita ng mga ito.

Nan makapunta na siya sa lugar ay isa itong malawak na parang hardin. Puno ng halaman at mga disenyo dito. Marami mga lumilipad na nga paro-paro sa ibabaw nila. Maraming mga upuan. May maraming bulaklak. Maraming tagapagsilbi ang nandito ngayon. Marami na rin ang mga panauhin na nakaupo sa mga upuan. Sa gitna ay may isang pulang karpet na sa kaniyang palagay ay lalakaran ng ikakasal.

Napatingin siya sa dulo ng karpet. Doon ay may isang nakaarko na mga bulaklak.

"'Yan na ba 'yong tela? Bilisan mo at magsisimula na ang seremonya. Darating na ang prinsipe maya-maya." ani ng isang tagapasilbi at inagaw ang kahon kay Lilac. Napatingin na lamang si Lilac dito. "Teka, nasan pala si Juanna? Bakit ikaw ang nagdala nito? Saka, bago ka ba?"

The Last SuccessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon