Chapter 27 : Meet the Real Successor

57 5 0
                                    



HALOS nagliliwanag ang buong silid na ito dahil sa pagkinang ng mga halamang gamot na nakatanim sa loob. Nakalagay ang mga ito sa maayos na taniman at mahahalata mong inaalagaan ang mga ito.

Napagtanto niyang inaalagaan ng pamilya na iyon ang gamot na ito sa loob ng labing siyam na taon. Hindi maiwasang mapangiti ni Lilac at mamangha.

Pangarap niyang makita ang mga bagay na may koneksyon sa mga Vanidestine. Ang mag-asawa na iyon ang isa sa mga tauhan ng Vanidestine Clan. Pagkatapos ng mga taon ng pangungulila niya sa kaniyang mga kaanak ay hindi niya inaasahan na mayakap lamang ang isang taong 'hindi niya naman kadugo nguni't isang tapat na tagapaglingkod ng kanilang angkan ay magpapagaan ng kaniyang kalooban.

Inikot ni Lilac ang kaniyang paningin at nilapitan ang mga halaman. Maganda ang pagkaakatubo ng halaman.

Muli niyang tiningnan ang pinto at walang pegagsus na nagtangkang atakihin siya. Salamat sa pulseras na ibinigay ni Professor Hidmer at kahit papaano ay natulungan siya nitong maprotektahan.

Hindi nagpaligoy-ligoy pa si Lilac at agad na kumuha ng mga halamang gamot. Pagkatapos niyang kumuha nito ay muli siyang sumilip sa pinto. Madilim sa labas nguni't nararamdaman niyang may mga pegagsus sa malapit.

Muli siyang naghanap ng maaaring madadaanan sa loob ng silid at hindi siya nagkamali. Mayroong isang pinto sa isang sulok ng silid at pinasok niya ito. Tumambad sa kaniya ang isang madilim na makitid na daanan kaya naman ay hindi niya maihakbang ang kaniyang mga paa.

Tahimik at madilim ang natatanaw niya sa kaniyang harapan. Hindi niya alam kung ano ang naghihintay sa kaniya sa dulo ng madilim na daanan na ito. Nguni't dahil sa kuryosidad niya ay tinatagan niya ang kaniyang loob at nagsimulan maghakbang sa daanan. Gamit nag bitbit niyang halamang gamot na kumikinang ay natutulungan siya nitong makaaninag ng kaunti sa kaniyang harapan.

Itinaas niya ang halaman at tinignan ng maigi ang daanan. Nguni't napansin niya ang isang bagag na nakadikit sa pader. Isa itong bakal na hindi niya mawari kung ano. Hinawakan niya ito at noong itulak niya ay bigla na lamang nagsiilawan ang mga sulo sa pader. Nagkaroon ng kulay asul na apoy sa sulo dahilan para makita na niya ng maliwanag ang daanan.

Namangha siya sa ganda ng apoy na gawa ng sulo. Nakaluto ito sa ibabaw ng sulo at tila isang maliit na apoy.

Nagsimula siyang humakbang at sinundan lamang kung saan patungo ang daan. Sa sandaling makarating siya sa dulo ay biglang namatay ang apoy sa mga sulo. Matapos ng limang segundo ay mayroong umilaw sa loob ng isang rehas na pinto.

Unti-unting bumubukas ang pinto kaya naman ay nagulat si Lilac.

Kahit na nagtataka siya ang pumasok siya sa loob nito at bigla na lamang sumara ito ulit. Napahawak siya sa pader nito habang nararamdaman niyang gumagalaw ang kaniyang inaapakan.

Anong nangyayari?

Nagtatakang tanong niya sa sarili habang tinitingnan ang kaniyang harapan. Nararamdaman niyang umaakyat ang kaniyang inaapakan at dinadala siya nito papunta sa itaas.

Pagkatapos ng ilang segundo ay huminto at muling bumukas ang pinto. Napatingin siya sa kaniyang harapan at dinala siya nito sa gilid ng isang may kaliitan na silid. Napatingin siya sa tatlong pinto na nakapalibot sa kaniya. Sa silid na ito ay mayroon din naman isang sulo sa bawat gilid ng pinto na biglang umilaw.

Malinis ang silid na mistulay inaalagaan pa rin ito hanggang ngayon. Hindi na siya nagtaka dahil may isang pamilya na nangangalaga sa ibang parte ng mansion kung saan hindi naabut ng mga pegagsus.

The Last SuccessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon