MARAMING buntong hininga na ang napakawalan ni Lady Georgiana habang nakatanaw kay Lady Annalise na wala paring malay na nakahiga sa higaan. Pansamantalang iniwan ito ng mga magicians upang makipag-usap sa hari tungkol sa isang mahalagang bagay. Kaya naman ay naboluntaryo na si Lady Goergiana at Lady Lorelie na bantayan ang dalaga.
Nababalot ang buong silid ng mahika na gawa ng mga magicians upang matulungang maibsan ang lason sa katawan ni Lady Annalise na patuloy pa ring kumakalat.
"Hindi ka pa ba babalik ng Kamarchya? Tuloy pa rin naman ang misyon kahit na walang malay si Annalise." Tanong ni Lady Lorelie sa kaibigan nitong tahimik lang na nakaupo sa upuan na nasa gilid ng higaan.
"Mas mahalaga sa akin ngayon na mabantayan si Annalise. Palala ng palala ang lason sa katawan niya."
"Sana lang ay makarating kaagad si Lilac."
Natigilan si Lady Georgiana nang marinig ang pangalan ng dalagang kinaiinisan niya. Sa hindi niya malaman na dahilan ay hindi malapat ang kaniyang loob kay Lilac. At ngayon ay tinuturi na niya itong banta sa buhay nila, lalo na ngayong may nangyari kay Lady Annalise.
"Pati ba naman ikaw, Lore? Naniniwala ka sa sinasabi ng babaeng 'yon?"
"Bakit? Hindi ba't nasa aklat naman na tunay na manggagamot ang angkan ng mga Vanidestine? Kung matagumpay niyang makukuha ang halamang gamot na kaniyang sinasabi ay maaari nitong matulungan si Annalise."
Umirap si Lady Georgiana sa sinabi nito. "Nguni't ay kung makakabalik siya ng buhay,"
"Makakabalik siya ng buhay."
"Teka, nagtitiwala ka ba sa babaeng 'yon? Hindi ka ba nagagalit sa kaniya sa ginawa niya kay Annalise?"
"Hindi 'yon ang ibig kong sabihin. Sinasabi ko lang na kasama niya ang pinakamahusay na estudyante ng Kamarchya na si Edge Oni, ang tagapagmana ng Vozenilek Clan na si Lord Eduard at...... ang minamahal mong prinsipe."
Agad na napatayo si Lady Georgiana sa kaniyang narinig at tiningnan ang kaibigan na ngayon ay nakatingin lang ng diretso sa kaniya. Likas kay Lady Lorelie ang pagiging mahinahon sa lahat ng panahon. Kaya naman ay ngayon na namumula na si Lady Georgiana sa galit at ano mang oras bubuga ito ng apoy ay nanatili lamang kalmado ang dalaga na tila ay kapado ang babaeng nagliliyab sa galit sa mga sandaling ito.
"Anong sinabi mo? Kasama niya ang prinsipe?"
'Tama ang iyong narinig." Inilagay ni Lady Lorelie and kaniyang palad sa balikat ni Lady Goergiana. "Nguni't hindi ito ang tamang panahon at lugar para ilabas mo ang iyong galit. Mapapasama lalo si Annalise."
Pumikit si Lady Georgiana at sinusubukang pakalmahin ang sarili.
"Bakit kasama niya ang prinsipe? "
"Hindi ko alam. Nguni't nakita ko silang magkakasama na umalis ng palasyo kahapon."
Kinuyom niya ang kaniyang mga kamao.
"Sinusubukan niya bang akitin ang prinsipe? Hindi niya ba nalalaman ang kaniyang posisyon? Isa lang siyang hamak na mamamayan ng Sankori. Isa lamang siyang alipin. Bakit niya pinagsisiksikan ang kaniyang sarili sa prinsipe?"
"Pigilan mo ang iyong galit, Georgie. Ano ang mangyayari sa iyo sa araw na may matuklasan kang mas ikakaguho ng mundo mo."
Nagsalubong ang kilay ni Lady Georgiana sa sinabi ni Lady Lorelie at tiningnan ito ng nagtataka.
"Anong sinasabi mo?"
"Alam ko kung gaano mo sinisinta ang prinsipe."
"Ugh, Lore. Bata pa lang tayo ay alam na ninyong dalawa ang nararamdaman ko para sa prinsipe."
BINABASA MO ANG
The Last Successor
FantasyKabilang si Lilac Vanidestine sa limang angkan na pumapalibot sa Sankori Kingdom. Labing siyam na taon ang nakakaraan, isang kagimbal-gimbal na digmaan ang nangyari dahilan ng tuluyan na pagkawala ng kaniyang angkan. Sa kagustuhang maipaghiganti ang...
