Chapter 11

130 7 20
                                    

Darren's POV

"Siya nga pala, bat alam mong andito kaming apat bago sila umalis?" tanong niya na ikina-ngiti ko bago ikwento sa kanya.

1 hour ago

Since wala kaming klase sa first subject namin kasi absent instructor namin, nagpa-iwan kami dito sa classroom para sa aircon at naglalaro kaming UNO....

Ramdam naming lahat na mananalo na si Kyle kasi dalawa nalang cards nya, eh since ako before him, nilapag ko yung reverse card na ikinainis niya.....

"Anu ba naman yan! Matatapos na ko eh!" inis na sambit ni Kyle na naging sanhi ng pagtawa namin ng napakalakas......

"Wag ka kasing umasang matatapos ka agad, pare!" pag-asar ni Seth.

"Mukhang masakit ngang umasa....." bulong ni Kyle pero rinig naming lahat.

"Wow, hugot yan tol?" pag-asar ni Seth.

"Di pa kayo nagkikita, humuhugot ka agad!" pag-asar ni Ken.

"Wag kang mag-alala..... mahal ka nun....." pag-asar ko sa kanya habang naka-akbay sa kanya.

"Di pa nga kami nagkikita para sabihan mo ko nyan eh!" singhal ni Kyle bago umirap na ikinangiti ko.

"Darating din yan..... magtiwala ka lang sa tadhana......" sambit ko na nakangiti.

"Yeah.... I know that feeling...." sambit ni Ken na halatang naalala yung unang tagpo nila ni AC na ikinatuwa ko.

"Wag niyo kong i-tulad sa inyo! Hmph!" singhal ni Kyle na ikinatuwa namin.

"Huy, chill ka lang, pre! Darating din yung para satin." sambit ni Seth na ikinangiti ni Kyle.

Hanggang sa nagpatuloy na ulit kami sa paglaro..... tas pinaka-natalo samin ay si Seth na halatang nanghinayang sa naging strategy niya.....

"Sayang!"

"Nagmadali ka ehhh! Eh posibleng ikaw talaga yung unang matatapos sakin eh." sambit ni Ken.

"Kaya nga eh....."

"Oh, dahil talo si Seth..... truth or dare?" tanong ni Kyle.

"Truth"

"Three things na nagustuhan mo sa babaeng palagi mong tinititigan mula nung pinakita sayo ni Ken picture niya." sambit ni Kyle na ikinangiti agad ni Seth.

Unanswered QuestionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon