AC's POV
Papunta kami ni Ana sa printan just in case may nahanap kaming kailangang i-revise sa ipapasa naming group assignment na kaming pito, magkagrupo......
Loko nga tong sina Jayda at Chin eh..... talagang pinush nila ako na samahan ko si Ana kasi kami raw yung pinakamatalino sa amin tsaka may gagawin raw sila.....
Eh alam ko namang deep inside sa kanila na samahan ko si Ana kasi pinsan nya si Ken....
Hays!
Tas ayun..... si Ana, tinatawanan lang ako.....
Well, actually pagdating sa naging issue, nagsorry samin si Aya..... pero syempre the atmosphere is not same as before anymore.....
Kausap ko nga lang si Jayda kanina eh..... sabi nya pag nagpa-victim nanaman siya, baka mas malala pa sa ginawa nya noon yung gagawin nya......
"AC!"
"Bakit??"
"Uhmmmm.... ano nagustuhan mo kay Kuya Ken???" tanong niya na ikinatameme ko....
Magsasalita na sana ako nang biglang nagsalita ulit si Ana ng pabulong....
"Mhie!"
"Bakit?" tanong ko habang nakatingin sa kanya kaya napalingon ako sa direksyon kung saan naka-mata si Ana.
"Teka si Ken yun ha? Sino humahabol sa kanya?" pabulong kong tanong sa sarili ko.
"Dad ko....." nanlaki mata ko sa sinabi niya kaya napalingon ako sa kanya.
"Ano?!" gulat kong tanong, forgetting na dapat pabulong ako magsalita.
"Shhhh! Wag kang maingay!" pabulong na sermon niya sakin kaya nagtataka na ako.
"Bakit?" pabulong kong tanong kaya hinila niya ko papunta sa isang sari-sari store.
"Miss, pwede po ba kaming magstay dito saglit??" pakiusap ni Ana sa tindera at buti nalang pinayagan kami kaya pumasok na kami.
Tas tumingin ulit si Ana sa mga paligid na halatang may pinagkaka-abalahan.
"For sure, hinahanap niya ako....." sambit niya na ikinalito ko lalo kaya nagtanong na ako.
"Teka nga, ano ba nangyari? Okay lang ba sayo na i-kwento mo sakin detail by detail yung nangyari???" nagbuntong hininga muna siya bago magsalita.
Pagkatapos niyang i-kwento lahat-lahat sakin, I'm currently thinking too hard......
Grabe noh? Hindi ko aakalain na ganito na pala yung pinagdadaanan nilang mag-pinsan..... lalo na si Ken.....
Yung mapapatanong ka nalang sa sarili mo kung paano kaya kung ako nakaranas nun? Kakayanin ko kaya???? I can't even imagine that!
"Mhie....." biglang nagising ako sa realidad nang nagsalita si Ana na ikinalingon ko sa kanya.
"Puntahan mo na si Kuya Ken....." sambit niya na ikinalaki ng mata ko.
"Pano ka? Pano pag nahanap ka ng so-called Dad mo?" tanong ko na nag-aalala pero ngumiti lang siya.
"Ana!" sulpot ni Max sa labas na ikinalingon namin sa kanya.
"Max!" pagtawag ni Ana sa kanya bago ulit lumingon sakin.
"Kaya puntahan mo na siya, mhie.... Si Max nang bahala sakin..... I trust you....." sambit ni Ana na ikinangiti ko.
"Sige..... ingat ka ha?" bilin ko na ikinangiti niya bago nagpasalamat sa tindera na pinapasok kami rito bago umalis ng tindahan.
Tas natanaw ko si Max sa labas at nagsalita ulit ako.
BINABASA MO ANG
Unanswered Questions
FanficCountless questions that are still unanswered which always come in my mind, keep bothering me.... and until now.... I'm dying to know those certain answers....