A month later
Ken's POV
"Kuya Kennnnnn!"
"Ana! Mustaaaaa???"
"You know, ur cousin is very busy here in Canada...... U know.... the life of being a doctor!" pag-i-english ni Ana sa video call na ikina-chuckle ko.
"Ana, hindi foreigner kausap mo, huy! Wag kang umenglish-english diyan!" natatawang sambit ko sa kanya.
"Ay wow parang hindi englishero yung pinsan kong kuya!" pagsabat niya bago umirap.
"Ay sa true lang, bhie!" sulpot ni AC na ikinangiti ni Ana ng napakalaki.
"AC!!!!!!!!!!!!! HELLOOOOOOOO!!!!!!!" sigaw ni Ana na naeexcite na ikinatuwa namin ni AC.
"Hi, Anaaaaa! How's life in Canada as a docterrr???" pag-english ni AC na ikinalingon ko sa kanya at napangisi nalang ako.
"I always work for almost a day every single day..... but the thought of treating patients well??? It's very worth it! Because it is something I wish to do in my life!" sagot ni Ana in english na ikinakunot ng noo ko habang tumitingin ulit sa screen.
"Oh tamo, si AC..... I mean Ate AC..... englishera rin!" sambit niya na ikinatuwa ni AC.
"Ate AC? Eh magkasing-tanda lang kayo?"
"Eh bakit ba? Jowa niya pinsan kong kuya eh! Sana pala una palang, binantaan ko na si Ate AC na wag mahulog sayo eh!" singhal niya bago umirap.
"Too bad, you're too late! Kasi hulog na hulog na sa akin yung Ate AC mo!" sambit ko sa kanya na ikinakunot ng noo nina AC at Ana.
"HOY! Kelan ako hulog na hulog sayo?!" singhal ni AC ngunit di ko pinansin at nagpatuloy lang sa pagsalita.
"Sabi ko pa nga sa kanya nun, layuan na nya yung lalaking tulad ko bago pa maging huli ang lahat eh..... pero dahil patay na patay siya sakin, ano pa ba magagawa ko??? Kaya yun pa nga yung naging tulay kung ano na kami ngayon!" nakangiting sambit ko na ikinangiti ni Ana habang tinitignan ako ni AC ng masama.
"Feeling mo, Ken! Anong patay na patay sayo?!" singhal ni AC bago ako irapan na ikinangiti ko lang.
"Totoo naman diba? You could push me away kasi nakita mo another side ko na hindi ko pa sinabi sayo..... pero you instead comforted and confessed to me at the same time....
Tas nung birthday mo, alalang-alala ka kase umabsent ako sa studio..... hindi mo magawang maenjoy yung birthday mo kasi wala ako..... it means you love me so much to the point that you accept who I am and feel incomplete without me......" sambit ko ng diretso sa kanya na ikinaiwas ng tingin niya sa akin na ikinangiti ko.
"Oooohhhhhh..... laki na nga ng pinagbago ng pinsan ko ha? Yung Kuya Ken na kilala ko bukod sa gagawin ang lahat para maprotektahan ako sa bwisit kong ama, ngunit napaka-KJ! Yan ba ang epekto ng isang inlove?" tanong ni Ana kaya bumalik yung focus ko sa screen.
"Sinasabi mo diyan na nagbago na si Ken?! Hanggang ngayon, KJ parin yan! Sinabi mo na nga diba na englishero rin Kuya Ken mo? Pero bat ayaw niyang sumabay sa trip mo?!" singhal ni AC kay Ana kaya ngumiti ulit ako kay AC.
"Nakuuuuu, Ate AC kong bestie na future cousin-in-law ko...... Tensed ka lang sa sinabi sayo ni Kuya Ken eh! Edi totoo naman pala talagang patay na patay ka kay Kuya Ken?" sambit ni Ana kay AC na ikinainis nya lalo in disbelief na ikinatuwa ko.
"Wow! Kaibigan ba kita talaga, Ana? Una tayo tong nagka-sundo..... pero ngayon kayo naman ni Ken?!" singhal ni AC na ikinatuwa namin ni Ana.
"Narealize ko lang na tama at all si Kuya Ken...... na malaki ang epekto ng existence niya sa buhay mo..... I just realized that as a doctor....." sambit ni Ana na ikinangiti ko lalo.
BINABASA MO ANG
Unanswered Questions
Hayran KurguCountless questions that are still unanswered which always come in my mind, keep bothering me.... and until now.... I'm dying to know those certain answers....