Jayda's POV
Nagulat nalang ako na kilala nina Ana sina Darren at Ken.....
Ano kaya meron???
Ayokong maging obvious na curious ako kaya napaiwas ako ng tingin kina Max at agad akong nag-cellphone to keep myself busy....
"Ana, okay kalang? Inaway ka ba ng Aya nayan? Asan siya???? Ako harapin niya...." sunud-sunod na tanong ni Ken kay Ana na naiinis na kaya napalingon ako sa kanila na nakatutok parin kina Ana.
Lalo nakong nalilito..... magka-anu-ano ba sila para tanungin siya ni Ken ng ganito.....
Pero grabe ha? May ganitong side pala si Ken?
Pag galit, parang halatang handang makipag-bakbakan....
"Kuya Ken..... I'm okay na..... thanks to Jayda....." pagpigil ni Ana kaya napalingon sina Darren at Ken sa akin tas nanlaki mata nila nang makita ako.
Kuya Ken? Mag-kuya sila? Or magkaibigan sa ibang section?
Teka nalilito ako!
"Jayda??" sabay na sambit nina Darren at Ken na halatang nagulat parin sa presensya ko.
"Oo..... she confronted Aya nung inaccuse niya sina Ana at Max....." sambit ni Krista na ikinalingon ni Ken kay Krista while si Darren, sakin parin nakatingin.
"At pinagtanggol niya sina Ana at Max kay Aya....." dagdag niya kaya lumingon ulit sakin si Ken at tumahimik kami saglit.
"Mauna na kayo, Krista! Kumain na muna kayo!" pagbasag ko ng katahimikan.
"Sige mhie! Mauna na kami!" sambit ni Krista.
"Chat mo ko kung san kayo ah!" sambit ko na ikinatango niya bago silang tatlo umalis.
Pag-alis nilang tatlo, biglang binasag ni Ken ang katahimikan.
"Jayda..... thank you for having my cousin's back...... pati narin kay Max...." sambit ni Ken na ikinalaki ng mata ko.
Magpinsan pala sila?!
Kaya pala magkakilala sila.... at kaya pala 'Kuya' tawag nina Ana at Max kina Darren at Ken....
"Pinsan mo pala si Ana????" gulat kong tanong.
"Oo...."
"Jusko! Bat iba kayo ng ugali??? Ambait bait ni Ana.... tas ikaw....."
"Ano???" nakangisi niyang sambit.
"Bully......"
"Mas bully kaya si Darren saken!"
"Pero binatukan mo pinsan ko!" singhal ko bago umirap.
"Eh si Darren din kaya, binabatukan rin sya nang malaman nyang pinsan mo sya!" pagsabat niya.
"Edi parehas kayong bully!" pagconclude ko.
"Itigil nyo na nga yan!" pag-awat samin ni Darren.
"Baket pre? Gusto mo ikaw lang binabara ni Jayda?" tanong ni Ken kay Darren na ikinakunot ng noo ko habang nakatingin sa kanya.
While si Darren, tahimik lang.
"Oh? Di ka makasagot?" dagdag ni Ken.
"Ewan ko sayo! Mauna na nga ko sa studio! La na naman tayong klase eh!" sambit ni Darren.
"Sige pre!"
"Sunod kayo ha??" bilin ni Darren kay Ken.
"Ako bahala sa jowa mo, pre!" pag-asar ni Ken na ikinalaki ng mata ko habang lumilingon sa kanya.
BINABASA MO ANG
Unanswered Questions
Fiksi PenggemarCountless questions that are still unanswered which always come in my mind, keep bothering me.... and until now.... I'm dying to know those certain answers....