Chapter 79

40 3 48
                                    

Darren's POV

"Huyyyy! Dali na kasiiiiii!!!!! Ano nangyari at bumalik na kayo sa dati????" tanong sakin ng pinsan kong gustong malaman ang buong pangyayari sa lahat.

Habang ako, busy sa pag-organize ng manuscripts na sinimulan ni honey and at the same time, busy gumawa ng composition.

Bago kasi ako bumalik sa ospital nung si Jayda ay nahimatay, umuwi muna ako sa bahay ni Jeremy at kinuha na lahat ng mga gamit ko, pagkatapos i-admit si Jayda sa ward, kaya pagkatapos ng get together namin sa tambayan, magkasama na ulit kami ni honey sa bahay namin.

Kaya etong pinsan ko, curious na curious kung ano nagpush samin about where we are right now.

"Tol, busy ako oh??? Kita mo ba???" sambit ko sa kanya ng paasar na ikinachuckle niya.

"Ayan kase, binigyan mo ko ng napaka-importanteng trabaho kaya nagiging busy ako....." patuloy ko na ikinachuckle niya lalo.

"Wow! Pero ikaw tong tinanggap ang offer kahit nagpapanggap ka pang walang naaalala kahit may choice kang i-reject yon para pagtakpan yung tinatago mo saming lahat! Alam mo ikaw? Ang rupok mo rin eh noh? Hindi mo rin matiis talaga si Jayda!" pagsabat niya na ikinatuwa ko.

"Kung nireject ko yung offer, means na nireject ko siya mismo..... kaya nga ko nagka-dilemma dahil nga sa fact na nagpapanggap ako na walang naaalala dahil sa..... lam nyo na....." sambit ko na ikinatango niya.

"Well.... may point..... tsaka...... desisyon mo naman yan at nangyari na..... saka na kita tanungin regarding that..... sige....." sambit niya bago tumapik sa balikat ko at naglakad na paalis, which made me feel confused sa biglaang kilos niya.

Usually kasi di nya ko titigilan hangga't sa makwento ko lahat sa kanya eh.

Napatigil siya sa paglalakad nung nakarating na siya sa pinto at lumingon ulit sa akin.

"Actually..... kaya curious ako dahil dito eh..... Bigla kasi akong tinawagan ni Jayda out of nowhere..... tinanong niya kung nasaan ka..... tsaka she mentioned na hindi naman talaga kayo nakipag-break..... and to call her cousin-in-law as I always do five years ago....." that caught my attention.

Nung nakita niya ko sa park, I was surprised kasi she exactly found where I was..... when she should had known na kung saan ko lang siya niligtas.

Yun pala ay dahil sa alam na niya yung tinatago ko.

"She mentioned na hindi naman talaga kayo nakipag-break....."

All this time..... kumapit siya sa relasyon namin..... no wonder why she didn't forget me, though it's been five years.

Also..... she had never let me go.

She loved me that much, didn't she?

Those words, sinabi ko lang yun for her to forget and let me go since yun yung time na feel ko, tuluyan ko na siya iiwan since yun yung cue para iba na maging pananaw sa mga nagsabi yun sa kanya.

Napangiti nalang ako sa isipan ko at tumayo palapit kay insan at inakbayan siya bago buksan ang pinto nang nagsalita siya.

"Luh san ka pupunta???? Kina Jayda??? Parang kanina, sabi mo lang busy ka ha?!?!?!" singhal niya na ikinangiti ko bago lumingon sa kanya.

"Oo busy ako..... kasi may gusto akong i-clarify sa kanya na work-related...." sagot ko na nakangiti sa kanya.

"Work-related mo toh! Sana kanina mo pa ginawa pero sinabi mo lang bigla pagkatapos ko yun i-kwento sayo...." singhal niya na ikinatuwa ko.

"Galawan mo talaga, Espanto eh! Bigla-bigla kang mang-aatake kaya hindi siya maka-palag sayo eh.....

Bumalik ka na nga talaga.... Yan yung insan ko na kilala ko, lalo na pagdating kay cousin-in-law....." dagdag niya na natutuwa bago ako akbayan na ikinatuwa ko.

Unanswered QuestionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon