AC's POV
Nabadtrip talaga ako sa pangyayari..... and I felt that only Jayda was someone I can talk to when it comes to this matter.....
Since I can tell talaga na ayaw niya kina Justin eh..... kaya inaya ko siya na samahan ako para mag-rant tungkol sa nangyari.....
At kahit papano, gumaan-gaan din loob ko....
Tas paglabas namin sa cr, natanaw nalang namin si Ken na naglalakad sa harapan namin hanggang sa nagkita kami.
"Oh Ken!" pagbati ni Jayda.
"Andito ka pa pala, AC?" tanong ni Ken sakin kaya napatulala nalang ako ng wala sa oras.
At maya-maya, napangiti nalang ako.....
Tas ngumiti narin siya bigla.....
Jusmi naman! Wag kang ganyan!
Natutunaw kasi ako sa ngiti mo ehhhh!
Pero nang dahil sa nakita ko siya ulit...... nawala pagka-----
"Oh ano? Magtititigan nalang kayong dalawa diyan?" biglang ginising kami ng realidad nang nagsalita si Jayda na ikinalingon namin sa kanya.
"Oh Jayda! Andito ka pala?" tanong ni Ken na ikinairap ni Jayda kaya ako naman, nagpipigil ng tawa.
Nyahahahahhaahha can't blame her though.... siya kase bumati kanina nung nakasalubong namin pero di sya pinansin.....
"Ay hindi! Impostor ni AC! Kaya nga di mo na napansing andito ako katabi nya, diba?" pagpilosopo ni Jayda bago umirap kaya binigyan siya ng peace sign ni Ken.
"Pero ano? Tutunganga nalang kayo diyan??" tanong ni Jayda na ikinatingin namin ni Ken sa isa't isa.
"Mukhang kailangan ko nang umalis, mhie! May itatanong ako sa research groupmate ko eh!" sambit ni Jayda na nakangiti na ikinalaki ng mata ko.
Kaya nang paalis na si Jayda, bigla ko siyang pinigilan.
"Mhie, sandali!" sambit ko na ikinalingon niya..... pero ngumiti lang siya sakin.....
"Siya nga pala, thank you kasi may mapagsasabihan din ako tungkol sa kinaiinisan ko!" sambit niya sakin bago lumapit sakin at bumulong.
"It's payback time!" bulong niya sakin bago ako ngitian na ikinatingin ko sa kanya ng masama.
Narealize ko nalang kasi bigla na balak niya kong iwan kay Ken just like how Chin, Blythe and I did nung nakita namin si Darren....
Hanggang sa umatras na siya at kumaway bago mag-flying kiss sa akin tas tuluyan na siyang naglakad palayo samin.
Paglayo nya samin, bigla nalang kaming tumingin ulit sa isa't isa bago ngumiti.
OMG Ken! Weg mesyedeng genyern!
Kinikilig lang ako!
At tsaka bigla nalang nawala yung pagka-badtrip ko just because I saw you!
"Pagpasensyahan mo na yung kaibigan ko.... sadyang baliw lang talaga yun...." pagbasag ko ng katahimikan na natatawa na ikinangiti niya.
"Don't worry..... sanay na kami ni Darren dun.... Actually mas sanay si Darren kasi mas matagal silang nagkikita eh...." sambit ni Ken na ikinangiti ko lang.
"Nababagayan ka ba sa kanila?" tanong ko na ikina-ngisi niya.
"Naman! Inaasar ko nga sila eh! Kung nakikita mo lang silang dalawa na magkasama, talagang iisipin mong mang-asar...." sambit niya na ikinatuwa ko.
BINABASA MO ANG
Unanswered Questions
FanfictionCountless questions that are still unanswered which always come in my mind, keep bothering me.... and until now.... I'm dying to know those certain answers....