Chapter 68

34 2 26
                                    

Third Person's POV

Pumunta sa department store sina Seth, Blythe at Joseph para mamili ng damit ni Joseph na pang-alis.

Habang naglalakad sila, napatingin nalang sina Seth at Blythe sa isa't isa nung may napili na si Joseph by his own.

Pinatong ni Joseph sa katawan nya yung damit na pinili niya na naka-hanger at lumingon sa mag-asawa na naeexcite na ikinatuwa nilang dalawa.

"OMG Seph! Bagay yan sayooooo!" natutuwang sambit ni Blythe na ikinatuwa ni Joseph.

"Hanap pa tayo bago ka mag-fitting room." sambit ni Seth na ikinatango ni Joseph.

"Okay po, Daddy!" sambit ni Joseph na naeexcite bago maglakad para tumingin-tingin sa bawat area na ikinasunod lang ng mag-Ali.

Habang pinagmamasdan nina Seth at Blythe si Joseph na marami nang napiling damit na bagay sa kanya, napalingon si Seth sa kanya.

"Ali...... nakakatuwa noh?????" tanong ni Seth na pabulong na ikinalingon sa kanya ni Blythe.

"Na alin???" tanong ni Blythe na ikinangiti ni Seth.

"Kaya na niyang pumili ng para sa kanya..... eh samantalang ako..... nung nasa edad niya ako.... ang alam ko lang, kung pano ko mapapa-andar yung laruan na tren sa tuluy-tuloy....." sambit ni Seth na ikinangiti ni Blythe.

"Ako nga nanonood lang ng Dora tas Winx Club eh!" sambit ni Blythe na ikinatawa nilang dalawa bago lumingon ulit kay Joseph na masyado nang maraming napili.

Nilapitan nila ito para sabihan na mag-fitting room na siya kasama si Seth para i-assist siya.

Bawat sukat ni Joseph ng damit na pinili niya, kinuhanan siya ng picture ni Seth kaya nagpose si Joseph sa every picture kaya tinuro siya ni Seth ng iba't ibang pose.

Nang nasukat na ni Joseph lahat-lahat, sinuot na niya ulit yung pang-alis na at nakalabas na ng fitting room, seeing Blythe waiting for them.

"Mustaaa???" tanong ni Blythe na ikinangiti ni Seth.

"Ali..... parang model anak naten oh....." sambit ni Seth bago ipakita kay Blythe yung mga pictures ni Joseph na nakaporma sa bawat picture na ikinatuwa ni Blythe.

"Parang gusto talagang mag-artista Joseph namin haaaa????" sambit ni Blythe pagkatapos tignan pictures ni Joseph na ikinatuwa ng mag-ama at nagbend para mapantayan yung height niya tas inayos buhok ni Joseph.

"May gusto ka bang bilhin sa mga pinili mong damit, anak????" tanong ni Blythe na ikinatango ni Joseph na naeexcite.

"Opo, Mommy! Etong damit po pinakagusto ko!" sambit ni Joseph bago kunin kay Seth yung pinili niyang damit para sa sarili niya na ikinatingin ulit ng mag-asawa sa isa't isa.

"Seph! Very good ka talagaaaa! Pinakabagay sayo yan!!!!! Ang bango-bangong tignan tas ang gwapo pa!!!!!!" sambit ni Blyrhe na natutuwa na ikinatuwa ni Joseph.

"Syempre nagmana sa pogi niyang Daddy eh! Gwapo na nga, maganda pang pumorma!" pagyabang ni Seth na ikinatingin sa kanya ni Blythe ng masama.

"Sa akin kaya nagmana si Joseph!!!" singhal ni Blythe bago umirap.

"Maganda akong pumorma!" pagsabat ni Seth.

"Eh ako rin, maganda rin akong pumorma!" pagsabat ni Blythe na ikinachuckle ni Seth.

"Parehas nalang tayo maganda pumorma kaya satin nagmana si Joseph..... kaya nga iisa utak nating tatlo eh!" sambit ni Seth na ikinakunot ng noo ni Blythe.

"Ano kinukunot na noo mo diyan?" natatawang tanong ni Seth.

"Dito lang halos iisa utak naten.... pero pagdating sa ibang bagay, hindi noh! Lalo na sa kamanyakan mo! Hmph!" singhal ni Blythe bago umirap na naging sanhi ng pagtawa ni Seth.

Unanswered QuestionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon