Saph's POV
One week na ang nakalipas nung aksidenteng iyon.
Naging mas close na kami ni Max tulad ng dati.
Kami lang kasi ang nag-uusap kasi nga iniiwasan ko si Mark.
Si Bessy naman iniiwasan ko din kapag magkasama sila ni Mark, mahirap na kaya ako umiiwas pero hindi naman palagi, miss ko na din kasi si Bessy.
Nasa canteen kami ngayon, nag offer si Max na siya nalang ang bibili ng food.
Ang tagal naman ni Max! Kanina pa ako naghihintay eh!
Gutom na akooo~
Waah! Puntahan ko nalang kaya siya.
Tumayo na ako at tumalikod kasi nakatalikod ako sa counter.
Pero wrong move kasi pagkatalikod ko I saw them. Mark and Bessy.
Nakita pa ako ni bessy kaya patay talaga ako. Papunta na sana ako sa ibang daan pero tinawag naman ako ni bessy. Oh noesss!
"Bessy!"
Tumingin naman ako kay bessy na parang sinasabi na, 'Oh, nandiyan ka pala.' ganun.
"Hi." Bati ko nang nasa harap ko na sila, siguro 1 meter away from me.
"Bessy, sabay na kami sa iyo. Ikaw lang ba ang kakain mag isa?" Tanong ni bessy sakin.
"Ah... no. K-Kasama ko si Max, umorder ng pagkain namin." Sabi ko sabay awkward na ngiti.
"Oooh. Pwede kami pasabay?" Pleading eyes pa niya while na sinabi yan.
"A-Ah, oo naman. Ha-ha-ha." Sabi ko sabay upo at ganun din naman sila.
"Bessy, miss na kita! Busy ka nalang these past few days. Anong pinagkaka-abalahan mo bessy?" Tanong naman niya, napatingin naman ako kay Mark na mukhang gusto ding malaman kung bakit ako umaalis at hindi nagpapakita sa kanilang dalawa.
Nako. Anong ira-rason ko sa kanila?
"A-Ah.. eh ano... Ahmm. Yung---"
"Nagde-date kami."
Napatingin naman kami sa nagsalita sa likod ko.
Si Max.
Nagulat naman ng bongga sina Bessy at Mark doon, lalong lalo na ako!
"What?!"
Napatingin naman sa akin ang tatlo kasi nakisabay din ako sa pagsabi ng, 'What?!' like bessy and Mark.
"Ahh, ehh..."
Nabigla na naman ako kasi umupo si Max sa tabi ko tapos inakbayan niya ako.
"Huwag ka nang mahiya sa kanila Saph. Tell them that we're currently dating these past few days." Sabi niya sabay smirk.
Tinignan ko naman si Max sa mata na nagsasabing, 'Anong ka echosan ito ha Max?!!!'
Pero alam niyo kung ano ang sinagot niya sakin?
Nag smirk LANG naman siya AT nag wink PA!
Nako... Nako... Nako!!! Sana naman po wala itong gawing kalokohan!!!
Oh well, kalokohan din naman itong ginagawa niya eh!
"WHAT?! OMG! Congrats bessy!!!" Tuwang tuwa na sabi ni bessy habang patalon talon pa at hinug pa ako sabay upo ulit.
Ngumiti lang ako sa kanya bilang sagot.
Napatingin naman kaming tatlo kay Mark na tahimik lang sa isang tabi. Napatingin naman siya samin at yung dalawa na si Bessy at Max ay hinihintay ang sasabihin niya.
BINABASA MO ANG
𝙵𝚛𝚒𝚎𝚗𝚍𝚜𝚑𝚒𝚙 𝚘𝚛 𝙻𝚘𝚟𝚎
Teen FictionMost people get confused about the difference between Friendship and Love. Minsan nahihirapan tayong alamin kung ano ba talaga ang isang tao para sa atin. Kaibigan mo lang ba o mahal mo na? Mahal mo ba talaga o kaibigan lang? May iba din na akala mo...