Max’s POV
Ang sakit. Ang sakit sakit na nakikita mo ang mahal mo sa malayo na may kayakap at may iba na.
*Sarcastic Laugh* Bakit pa ba kasi ako umasa diba? Ang tingin lang naman niya sakin ay isang bestfriend. Isa lamang hamak na bestfriend na nagmamahal sa kanya ng patago at napaka-torpe.
Sabagay. Wala naman talaga akong pag-asa nung una pa lang. Sino ba naman ako kumpara kay Mark hindi ba? Palagi nalang siya. Nung elementary nga crush siya ng crush ko. Si Mark na talaga. Alam ko naman yun eh. Sana hindi ko nalang siya kinalaban. Masasaktan lang naman ako, palagi nalang.
Siya yung hinahangaan.
Siya yung gwapo.
Siya yung magaling mag-basketball.
Siya yung matalino lagi.
Siya yung perpekto.
Pati si Dad. Palagi nalang kaming kinukumpara sa kanya. Aand that’s the reason kung bakit ako nawala these past few weeks.
FLASHBACK
Pumunta na ako diretso sa bahay ko pagkatapos naming mag-usap ni Mark.
Basta kahit anong mangyari, aagawin ko si Saph sa kanya. Akin lang siya. Ako ang nasa tabi niya nung umiyak siya ng dahil kay Mark. Ako ang nasa tabi niya para siya ngumiti kahit nasasaktan siya. Ako ang karamay at kandungan niya sa lahat kaya may karapatan ako.
Tama! Ganyan dapat ang iisipin ko palagi.
“Maximo..” Salubong sa akin ni Daddy.
“What Dad?” Bagot kong sabi.
“Ano na naman ba ang kalokohan ang ginawa mo?!” Galit na sigaw ni Daddy sakin.
“What again?!” Galit kong sabi. Hindi kami masyado nag-uusap ni Dad, kakausapin niya lang ako kapag may ginawa akong kalokohan o hindi niya gusto na hindi naman totoo.
“How dare you?! Ganyan ba ang pagpapalaki ko sa iyo?! Ganyan ba ang influence ng school at nagkaganyan ka?! You should respect me because I’m you’re father!” Sigaw niya.
Napa-smirk naman ako. “Bakit Dad?! Ako ba ang may kasalanan at naging ganito ako?! Ikaw Dad! Ikaw! Walang iba! Sino pa ba ang tao dito sa bahay diba?! Wala na si Mommy! Kung hindi dahil sa iyo hindi sana umalis si Mommy at nag-asawa ng iba! Ikaw ang may kasalanan ng laha----“
*PPPAAAAKK* (sampal)
Napahawak nalang ako pisngi dahil sa sakit ng sampal ni Dad.
“You have no respect!” Sigaw din niya.
“Bakit?! Karespe-respeto ba kayong tao Dad?! Hindi diba?!” Sabi ko at lumayas na sa harap pero bago ako lumayo, may sinabi siya.
“Ewan ko kung ano nalang ang gagawin ko sa iyo bata ka! At huwag ka ng umasa na hindi ka mamahalin pabalik nung babaeng pinag-awayin niyo ni Mark ngayon, kasi sigurado akong si Mark ang pipiliin niya! Mas lamang pa si Mark sa iyo!” Pahabol niya.
Oh diba? Ang supportive ng Daddy ko. Tsk! *Sarcastic* Bigla bigla nalang tumulo ang mga luha ko pero agad ko itong pinahid.
Ganito nalang kami palagi, palagi kaming nag-aaway because of non-sense things. Nagsimula ito ng umalis si Mommy sa bahay 9 years ago. Lumayas si Mom dahil nambabae si Dad, at nakita ni Mom na nasa kwarto nito silang dalawa kaya ayun, lumayas si Mommy.
BINABASA MO ANG
𝙵𝚛𝚒𝚎𝚗𝚍𝚜𝚑𝚒𝚙 𝚘𝚛 𝙻𝚘𝚟𝚎
Teen FictionMost people get confused about the difference between Friendship and Love. Minsan nahihirapan tayong alamin kung ano ba talaga ang isang tao para sa atin. Kaibigan mo lang ba o mahal mo na? Mahal mo ba talaga o kaibigan lang? May iba din na akala mo...