Saphire's POV
Days, Weeks and Months. Ang mga panahon na ayaw kong bumilis at lumipas.
After that day when Max said those words na aalis na siya, we've been spending time each other. We cherish the days na nandito pa siya.
I'm not sad, in fact I'm happy for him. Gusto niyang tumulong sa Dad niya and be part of their business. Instead of being a distraction, I will support him in every seconds of his life.
I guess that's just how love works, kahit masakit, kahit gusto ko siyang makasama, kaysa maging pabigat I will stand strong for the both of us and be his number one fan.
Nag bonding kami sa mga natitira naming araw. I honestly say na medyo hindi pa namin alam lahat sa isa't isa kaya yung mga natitirang araw ay parang 24/7 kami ang magkasama, well na intindihan naman nila Mom at Dad yun. Support naman sila sakin but syempre bawal pa rin yung SPG scenes! Hahaha no no no pa yun! Gwardyang-gwardya pa si Dad sakin.
We went to Amusement Park. We tried almost all the rides. Halos masuka na nga siya. Hindi naman siya nahiya. 'Yan ang nalaman ko sa kanya... Hindi siya nahihiya na ipakita ang totoo niyang kulay, kung ano siya yun siya. Ayaw niya daw kasi na magustuhan siya ng mga tao kung magpepeke siya. Ahh, I can't help to fall in love with him more and more.
Tapos pumunta kami sa Horror Booth! At doon na ako natakot! Fish tea! Siya tawa nang tawa, edi wow! Hindi ko siya pinagtawanan nung sumuka siya ah! Thanks talaga sa kanya! Hindi naman daw siya takot sa mga multo at monsters, kasi hindi naman daw yun totoo, mas matatakot pa daw siya sa tao na pumapatay.
Pagkatapos, pumunta kami sa MUTW Bar. Hindi po Bar na party-party ah! Ang meaning kasi ng MUTW ay 'Music Unites The World' so we watched the MUTE Orchestra. Ang ganda ng show! Si Max halos matulog na doon! Dahil sa super lamig at sa music.
Minsan kasi pure instrumental lang at minsan ay meron ding kakanta ng ballad pero bihira lang, mas focus kasi sila sa instruments.
So ayun, super refreshing sa hearing yung show nila. Makakatulog ka talaga, pero dahil sa paghanga ko sa kanila, hindi talaga ako natulog at mas piniling tignan sila.
Nalaman ko na every night ay dapat meron siyang lullaby. Ganun daw siya nung kasama pa niya ang Mommy niya. Nalaman ko na din tungkol sa Mommy niya, alam niyo na naman siguro yun diba?
At naisipan namin na magdonate ng Canned Goods and clothes sa mga nasalanta ng bagyo and mga street children. Gustong-gusto ko talaga gawin ito with the one I love. Gusto ko kasi kapag may gagawin akong gustong-gusto ko, kasama ko ang taong gusto ko rin.
Nagustuhan din niya ang plano na iyon, noon pa lang daw ay gustong-gusto na din talaga niyang tumulong kaya kapag may nakita siya bibigyan niya lang ng pera kasi wala pa talaga siyang alam kung ano ang dapat gawin kasi akala din niya na masama ang pakay ng iba, ganun takot siya.
Pero ngayon disidido na siyang tumulong... with me.
Pagkatapos, we do what normal couple do. Hatid sundo niya ako sa school, palagi niya akong binibili ng ice cream (yieeee), and etchetera! He makes me happy but even though wala siyang ginawa na special, with him by my side is already enough.
"Huy bessy! Tulala much?! Last subject na natin ngayon! Huwag kang sobrang excited na makita si Max at baka mabaliw ka!" At eto na naman ang super duper ultra mega giga maldita na bessy ko.
"Okay lang mabaliw bessy kasi dahil lang naman iyon kay Max. Ay charrowt!" Hahaha edi ako na ang in love.
"Fish tea! Edi ikaw na ang love struck! Pero bessy... Ano ang gagawin mo when the time comes na aalis na si Max? 3 weeks to go at tapos na ang school year na natin, aalis na si Max."
BINABASA MO ANG
𝙵𝚛𝚒𝚎𝚗𝚍𝚜𝚑𝚒𝚙 𝚘𝚛 𝙻𝚘𝚟𝚎
Teen FictionMost people get confused about the difference between Friendship and Love. Minsan nahihirapan tayong alamin kung ano ba talaga ang isang tao para sa atin. Kaibigan mo lang ba o mahal mo na? Mahal mo ba talaga o kaibigan lang? May iba din na akala mo...