Birthday Gift (18 CANDLES & 18 TREASURES) [4]

535 9 1
                                    

Saph's POV

Pagkatapos ng 18 Roses ay umupo na ulit ako. 

Nag dim na naman ang ilaw tapos ang board lang yung nag-iilaw sa buong room.

Yung nasa board ay nakasulat ang "THE 18 CANDLES" 

Hmmm, ano kaya ang mangyayari?

Biglang sumipot na spot light... kay...

Teacher Deavon? (Naalala niyo pa yung adviser namin? Siya yan!)

Pati si Maam kasali din sa debut ko? Woah. 

"Hi Saphie Darling. 18 ka na pala, kala ko kasi 80 eh! Hahaha jokiee! So ayun, woman ka na, hindi ka na girlie. So ito ang advice ko galing sa maganda na may asim pa na advicer mo. I advice you to live your life to your fullest! Huwag magpa-apekto sa mga nega-nega vibes na yan! Nakaka-wrinkles, mahal ang face lotion para diyan! So ayun, dapat always wear a smile kaya dapat mag colgate ka palagi para hindi ka mapahiya kapag ngumingiti ka, joke ulit! So just live your life happily. Kahit merong problema always solve it with a smile. Hindi worth ang mga problems sa mga tears mo. Kaya mo yang solution-an kaya ngiti ka lang. Even there are millions or billions of problems, there's always one reason for you to smile. Kapag may problema ka tapos iiyak ka, anong magagawa ng iyak mo? Masoso-lution-an ba yan kaagad kapag iiyak ka? Hindi diba? That's all that I wanted to say to you Darling. Just be happy. Mas bagay sa lahat ng tao ang palaging masaya. Nakakaganda inside and out pa. Bow." Speech ni Maam with matching waving of hands and kembot kembot pa. 

Nako. Si Maam talaga. Feeling teenager. Idol!

Lumapit naman ako kay Maam at hinug ko siya. Tapos nun nakipag beso pa. 

Umupo ulit ako at may sumunod na ulit kay Maam.

Sina Tita Grace, Tito Jose, Tita Rose, Tito Roldan, Tita Jeen., Tito Fernan, Maam Lily (Grade One teacher ko), Yaya Rosa, Yaya Giselle (last yaya ko), Ate Krisa (Cous ko na malaki na mga 20's), Ate Kenny (Sis ni Ate Krisa), Ninang Betty, Ninong Ben, at si Kuya Jun. 

Marami na silang mga na advice sakin. 

Yung iba naman dinadaan sa joke pero meaningful naman yun.

Na-touch na din ako pero hindi ako naiyak. Hindi naman ako maiyakin.

Pagkatapos nila ay... si Mommy na pala. 

"Anak. Baby. Ang prinsesa ko, reyna na ngayon. Ang dali ng panahon ano? Lumaki ka na. You've grown like a beautiful lady and now you are a woman. Proud ako sa sarili ko kasi pinalaki kita ng ganyan ka ganda at kabait. Kahit sinong Ina ay maging proud kung katulad mo ang anak nila. Pero syempre sakin ka lang anak. So ang ia-advice ko lang sa iyo is, kung may problema ka, I am always here for you baby. Kahit anong oras pa yan. Ayokong makita kang umiiyak. Ayokong nakitang namro-mroblema ang anak ko. Alam mo na, mga love problems. Ilang ulit ka ng umiyak dahil diyan. Pero kahit ano pa yang mga problema na yan, may solusyon din yan. Marami pang pag-asa kasi araw araw hindi ka nag-iisa. Maraming nandiyan para damayan at tulungan ka. Huwag kang iiyak na parang wala nang bukas, just come to us, you are very welcome. Huwag mong sundin yung mga ibang tao o ibang babae na maglalas-las na kapag iniwan ng boyfriend. Huwag mong gagawin yun kasi sinasayang mo lang ang buhay mo. They are too fool and weak. They want to die because of a boy? Really? Well, that's not a valid reason. Maraming babae o lalaki sa mundo. Hindi lang yung boyfriend mo ang nag iisa. So baby anak, huwag mong gagawin yun okay? Huwag kang mababaliw sa isang lalaki. Tulad nang sinasabi namin ng daddy mo noon pa noong bata ka. Diba sabi mo hindi ka magpapa-apekto pagdating sa mga ganyan. Diba you said na baliw at duwag ang magpapakamatay dahil sa isang lalaki. Believe in what you've said and our advice. Ngayon malaki ka na, I know that you will make the right choice. Believe in your self. Believe in your heart, anak." Sabi ni Mom while hugging me.

𝙵𝚛𝚒𝚎𝚗𝚍𝚜𝚑𝚒𝚙 𝚘𝚛 𝙻𝚘𝚟𝚎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon