Saph's POV
Wooo! Tapos na akong magbihis!
Well simple lang naman ang suot ko. I straighten my hair. Nag dress lang ako, black siya tapos stripes naman yung dulo, yung dress ay makikita yung curve ng katawan ko, pero dahil alam niyo naman ako, hindi ako mahilig na ilantad yung kurba o kahit anong parte ng katawan ko ay nagsuot ako ng blazer na medyo loose. Kinuha ko lang ang handbag ko. Well, nag slippers lang ako, hindi yung slippers na pang bahay ah! Yung slippers na parang sandal, eyyt! Ewan! Hindi naman kasi ako mahilig sa mga sapatos.
Nagpulbo ako at nag lip balm lang. At VIOLA! Tapos na ako!
Ganyan lang kasimple ang sinusuot ko.
Umalis na ako sa Hotel na pinapasokan ko, syempre ni-lock ko yung condo ko no.
Pumunta ako sa parking lot at sumakay na sa Car ko. Porsche 911 ang car ko ngayon, hahaha mayaman ba? Hindi naman. Pinaghirapan ko lang talaga ang mga bagay na meron ako ngayon. This money, I gain it from my modeling career.
So ayun, pumunta ako sa Horse Riding Place. Oh god! How I miss that place!
---------------
Pagpunta ko doon, pumasok ka agad ako. Excited ako eh? Pakialam niyo ba? Hihihi.
Hinanap ko si Coach Fred! Naalala niyo po ba siya? Well, he's the one sa chapter one. He's my coach when I was in here and taught me Horse Riding Lessons. Miss ko na siya!
Pumunta ako sa office niya! Of course kabisado ko.
Nung nasa tapat na ako ng pintuan ni Coach Fred ay wala akong katok-katok at pumasok kaagad ako.
Nakita kong naka-ub-ob si Coach Fred sa mesa niya. Owww. Kawawa si Coach. Siguro sobrang busy niya na ngayon.
Pero sorry ka nalang Coach Fred! Nandito na ang makulit mong studyante! Hahahhaa *Evil Smile*
Pumwesto ako sa harap ng tenga niya. Ooooh! Ganyan ako ka harsh! Father SLASH Kuya ko na ito eh.
1...
2...
3...
"COACH FRED!!!! YUHOOOO! COACH FRED!!!! GISING!!! BIRDS ARE FLYING!!! SKIES ARE SMILING!!!!" Sigaw ko kaya agad siya napatalon sa gulat kaya tumawa naman ako ng malakas.
"Saan? Saan? Saan? Naganap ang sunog? Saan?" Natarantang sabi ni Coach at tumawa naman ako ng sobra sobra.
Napatingin siya sakin at nagulat pero agad niya itong pinalitan ng inis na mukha. O-Ohh!
"SAPHIRE!!!" Sabi niya at agad tumayo kaya tumakbo na ako palabas ng office niya.
"Waaaaa! Sorry naaaaaa!" Sabi ko pero dahil sa mas matanda pa siya sakin ay nahabol niya ako at kiniliti habang yakap yakap niya ang ulo ko.
"Ikaw talagang bata ka! Napaka... Napaka.." Hindi ko siya pinatapos.
"Ganda?" Sabi ko at nagpacute pero tumawa lang siya.
"Asa! Sabi ko napakakulit mo!" Sabi niya sabay gulo ng buhok ko kaya napa-pout naman ako.
"Eeeeh! Coach naman eh. Pasalamat ka nga at nadalaw pa ako dito eh. Na-miss kaya kita. Eh ikaw di mo ako namiss. Hmp! Bad." Sabi ko sabay pout na naka cross arms.
"Nadalaw ka diyan! Muntik mo na akong mapatay kanina!" Sabi niya.
"Ehhh sorry na. Peace?" Sabi ko sabay peace sign. Ngumiti naman siya. Yun oh!
"Sus! Pasalamat ka at hindi kita matiis. Nako! Namiss na kitaaaa!" Sabi niya sabay yakap sakin tapos hinarap niya ako tsaka pinisil ang pisnge ko.
BINABASA MO ANG
𝙵𝚛𝚒𝚎𝚗𝚍𝚜𝚑𝚒𝚙 𝚘𝚛 𝙻𝚘𝚟𝚎
Teen FictionMost people get confused about the difference between Friendship and Love. Minsan nahihirapan tayong alamin kung ano ba talaga ang isang tao para sa atin. Kaibigan mo lang ba o mahal mo na? Mahal mo ba talaga o kaibigan lang? May iba din na akala mo...