Pain

336 11 1
                                    

Saphire's POV

"O sige. Doon tayo sa Garden.." Sabi niya at sumunod lang ako.

Waaaah~~~ Eto na ba ang mangyayari, like nasa movies. Na magco-confess ang lalaki sa babae  ^//////^  Weeee~~~ Kilig ako!!!

Tahimik lang kami papunta sa garden pero ako, deep inside kinakabahan, parang kumakarera itong puso ko. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin niya, magco-confess ba siya?? Kung oo, hindi pa ako ready. OMG! Pinagpapawisan na ako nang nakarating na kami sa Garden.

"Saph..." Sabi niya at dahan dahang humarap sakin.

"A-ano y-yun??" Tanong ko. Takte! Bakit nauutal ka Saph??

"May s-sasabihin sana ako sayo.." Sabi niya at nakita ko naman na kinakabahan siya. Maco-confess na talaga siya!!! Uwaaaaah~~

"A-ano ang s-sasabihin mo??" Tanong ko pabalik sa kanya.

"Ahmmm.. ano kasi...aaahmm.. kasi.. Putcha naman oh! Bakit ba ako nauutal!!" Sabi niya.

"A-ano ba kasi ang sasabihin mo??" Takang tanong ko.

"Kasi..." 

"Ano??"

"Kasi..ano.."

"Ano nga??"

"Kasi...ano..kasi.."

"SABIHIN MO NA NGA!!" Ayan. Nagalit tuloy ako.

"Oo na. Oo na." Sabi niya at nag buntong hininga.

"O?? Ano na??" Tanong ko.

"Kasiiiiiiiii.."

"ANO NA NGA!!!!"

"MAHAL KO SI SHENAICA"  O___________O A-ano??

"You l-love w-who??" Tanong ko.

"Mahal ko si Shenaica. Gusto ko siya simula pa nung una. Hindi ko lang talaga alam kung paano ko siya liligawan. Nung una ko palang siyang nakita, naging duwag na ako at ang bilis ng tibok nitong puso ko. Hindi ko alam kung paano ko aaminin sa kanya kasi duwag ako pag nasa harap ko na siya." Sabi niya at yumuko.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o masasaktan. Matutuwa ako kasi sa wakas magkakaroon na ng kaligayahan si Shenaica, O masasaktan dahil si Max ang nagkagusto sa kanya. 

Pero feel ko mas malala ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Bakit ba ang malas malas ko sa pag-ibig?? Bakit hindi ako pwedeng maging masaya?? Bakit palagi nalang akong nasasaktan?? Ganun na ba ako kasama at pinaparusahan ako ng Diyos ngayon??  Masama na bang maging maligaya ang katulad ko?? At bestfriend ko pa talaga ang nagustuhan niya??

Litong-lito na ako. Nasasaktan na ako. Parang gusto ko nang mamatay dahil wala naman talaga akong kwentang tao dahil napakamalas ko. Kung sabagay, pinatay naman nila ako emotionally, bakit hindi pa nila ako pinatay physically?? Talagang gusto nila akong pahirapan?? So Unfair!!

"Saph?? Okay ka lang ba?? Bakit ka umiyak?? May sinabi ba akong masama??" Na taohan naman ako sa sinabi ni Max. Nag-aalala siya. Bakit ba siya ganyan?? Hindi ba niya alam ang posibilidad na ma inlove ako sa kanya because of his sweet attitude??

"O-Okay lang ako. At tsaka hindi ako umiyak no." Sabi ko at binigyan siya ng pilit na tawa.

"S-So?? Tutulungan mo ba ako??" Tanong niya na parang nahihiya. 

Ilang sandali parang any second babagsak na itong kumakawalang mga luha ko.

"E-Excuse me lang Max.." Sabi ko at tumalikod habang tinakpan ang bibig ko para mapigilan ko ang sarili ko na humikbi.

𝙵𝚛𝚒𝚎𝚗𝚍𝚜𝚑𝚒𝚙 𝚘𝚛 𝙻𝚘𝚟𝚎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon