Making New Good Memories

289 8 0
                                    

Max’s POV

“Kyaaaaaaaaaaaaaaah!!!” Yan ang  mga naririnig ko ngayon paglabas ng bestfriend ko.

Yup! Bestfriend ko si Mark Chan. Since elementary magkabarkada na kami niyan.  Mabait yan at gentleman, kahit anong gusto mo sa boyfriend ay nasa kanya na lahat, kaya nga boyfriend-material yang lalaking yan pero syempre mas naman ako no!

“Hello everyone!  Ako nga pala si Mark Chan. Sana maging kaibigan tayo.” Sabi ni bro Mark kaya tili naman ng tili ang mga babae.

Tumingin naman siya sa direksyon ko at napangiti pero parang hindi naman sakin eh… parang kay… Saph? Nagkangitian silang dalawa. Anong meron sa kanila? Magkakilala ba sila?

“Okay Mr. Chan, you can sit doon sa may vacant.” Sabi ni Maam.

“Ahh.. Maam? Pwede po ba akong umupo sa tabi ni Ms. Hermosa?” Nahihiyang sabi ni Bro Mark. At ano?! Dito siya katabi ni Saph?! Tumingin naman ako kay Saph na namumula. Ano ba ang meron sa kanila!?

“Okay Mr.  Chan. You are free to sit there.” Sabi ni Maam kaya umupo siya dala-dala ang bangko at umupo sa tabi ni Saph.

Ako-Saph-Mark  <<<  Ganyan ang posisyon namin.

“Pare!” Bati ko sa kanya.

“Max? Dito ka pala?” Tanong niya.

“T*kte! Pre naman! Hindi mo pala ako napansin!” Pagtatampo ko sa kanya.

“Hahahahha. Sorry pre! Teka? Ikaw yung Maximo Torres na kaibigan ni Phire? Siya ba yun Phire?” Tanong ni Mark samin ni Saph. Phire? Phire ang tawag niya kay Saph?

“Ako nga / Siya nga.” Sabay naming sabi ni Saph.

“Aaahh.. Mas mabuti! Akala ko ibang tao pero ikaw naman pala Pare! Hahaha” Sabi niya.

“Huh?” Naguguluhang tanong namin ni Saph.

“Ahh, nothing.” Sabi niya at ngumiti kaya nakita ko naman na ngumiti si Saph.

“Magkakakilala pala kayo?” Tanong ko. Kanina pa kasi ako curious eh.

“Oo!” Masiglang sabi nilang dalawa. Nagkatinginan sila at, “Hahahahaha” ayun tumawa. Close nila ah?  *Sarcastic*

“Paano?” Tanong ko.

“Secret!!!” Sabay nilang sabi.

“Tsss.. Bahala na nga kayo.” Sabi ko.

Hanggang sa nag bell na. Balak ko sana na sumabay kay Saph kaya lumapit ako sa kanya. Magsasalita na sana ako pero biglang dumating si Mark.

“Phire! Sabay tayo mag lunch.” Nakangiting sabi ni Mark.

“O sige!” Sagot naman ni Saph.

Haaay. May nauna na sakin. Medyo disappointed ako kasi naman diba?! Ako naman talaga ang palaging kasabay ni Saph pag lunch. Tapos ako naman ang kakulitan niya every class hours, ako lang naman diba? Ako lang! Pero bakit ngayon? Bakit parang may pumalit sakin? Okay ako na ang madrama. *facepalm*

“HOY!”

“Ay nakakabanas! Bakit ba naman Aica?” Tanong ko at nag pout. Bigla bigla kasi siyang nanggugulat.

“Tss.. Nothing. Gusto ko lang takutin ka. Anong nakakabanas? Bakit ka ba patingin tingin kay Bessiie? Huh?” Tanong niya at nagtaas pa ng kilay. Pero ang ganda pa din niya no.

“A-Ah. Wala. Nakaka-curious kasi, parang ang lapit na nila sa isa’t isa.” Sabi ko.

“Hindi mo pala alam?” Tanong niya.

𝙵𝚛𝚒𝚎𝚗𝚍𝚜𝚑𝚒𝚙 𝚘𝚛 𝙻𝚘𝚟𝚎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon