Saph's POV
"Hu hu hu.. Bessy!!! Hindi ko naman sinasadya yun ehh.. Ayoko lang naman siyang mag-aalala." Sabi ko at humagolhol na naman.
"Bessy naman kasi! Bakit mo pa kasi iniisip si Max? Ayan tuloy, nag away kayo ni Mark." Sabi niya habang pinapatahan ako.
"Eh sa nag-aalala ako kay Max eh. Kasalanan ko ba yun? Bestfriend ko yung tao Bessy! BESTFRIEND KO KAYA IMPORTANTE SIYA SAKIN! Natural nag-aalala ako sa kanya diba?!" Sabi ko at umiyak na naman.
"Alam ko. Pero sana aalalahanin mo din naman si Mark, Bessy. I know na alam mo na, na boto ako para kay Max pero tao din si Mark bessy. Nasasaktan din siya. He cares for you too. Hindi lang si Max ang nasasaktan, kundi pati si Mark." Sabi ni Bessy.
Oo nga. Tama si bessy. Nyeta ka Saph! Sinaktan mo ang dalawang tao na mahalaga sa iyo? Oh ayan! Dahil sa selfish ka, silang dalawa nawala sayo! Paano na yan ha! Grrrr!
"Oo na. Oo na. Tama ka na bessy. Haaay. Ang hirap na bessy. Parang.. Parang gusto kong matulog pero hindi ko magawa, kasi diba kapag natutulog ka wala kang problema, at makakapahinga ka pa. Its like ditching your own problem, pero pilit ka nitong tinutulak palapit. Pagod na ako, pagod na pagod na akong umiyak. Palagi nalang akong nasasaktan, pero mas malala pa ang ngayon. Ganito na ba talaga ako ka-malas pagdating sa lovelife? Wala naman akong balat sa pwet ah. Wala naman akong kaaway para sumpain ako. Wala naman akong ginawang masama sa diyos para ganito kalala ang ibigay sakin na problema. Ano na ang gagawin ko bessy. Pagod na kasi akong umiyak eh." Sabi ko habang parang gripo naman itong mata ko kasi iyak lang ako ng iyak.
"Alam mo bessy, naniniwala ako na 'Every downfall has a lesson that we have to learn' and 'Every problem has a solution'. Hindi naman kasi binigay ng Diyos ang ganyang problema kung wala kang matututunan. Ano pa ang silbi ng word na 'EXPERIENCE'? diba? Hindi lang naman ikaw ang may problema sa lovelife-lovelife na yan. Lahat tayo iiyak din dahil diyan. Lahat tayo makaka-experience ng ganyang downfall. Siguro binigyan ka ng Diyos ng ganyang problema para maging mas malakas ka pa at magawa mo ang tama. Haaay. Huwag kang mawalan ng pag-asa bessy. All you have to do is, open your eyes and accept what is reality and what is right. Don't be blind in something that doesn't exist anymore, and just open your heart and mind to something that is loving you truly." Sabi ni Bessy at ngumiti.
"Thank you bessy *sniff* palagi nalang ikaw ang tinatakbuhan ko kapag may problema ako. Kahit ngayon 12 ng gabi ay pumunta ka parin. True bestfriend talaga kita, forever." Sabi ko at umiyak habang yakap siya but this time, hindi na siya iyak tungkol sa kanilang Max and Mark, this time it;s for bessy. I love this girl so much!
"What friends are for right? Basta ikaw bessy." Sabi niya.
"Thank you. Thank you." Sabi ko ng nanghina.
Then everything turned black.
--------------
Shenaica's POV
Haay. Salamat at binigyan din ako ng POV ni Author.
"Thank you. Thank you." Sabi ni Bessy na nanghihina na. Maya-maya ay natumba nalang siya bigla. Tsk! Wala kasing kain at tulog eh. Haay.
Do you know what readers? Nag-aalala na ako ng sobra for bessy. Ewan ko kung bakit may bessy ako na may balat yata sa pwet at ganito siya ka malas. Pero kahit na ganito siya, never ever in my whole life na pinagsisihan ko na nakilala ko ang pinaka-perfect na tao sa balat ng lupa na bessy ko ngayon. Proud pa nga ako kasi nakilala ko siya.
"Hmmm... Mark. Max." Ungol niya. Haaay. Matawagan nga si Max.
Kinuha ko ang cellphone ko sa bag at dinial ang number ni Max.
BINABASA MO ANG
𝙵𝚛𝚒𝚎𝚗𝚍𝚜𝚑𝚒𝚙 𝚘𝚛 𝙻𝚘𝚟𝚎
Teen FictionMost people get confused about the difference between Friendship and Love. Minsan nahihirapan tayong alamin kung ano ba talaga ang isang tao para sa atin. Kaibigan mo lang ba o mahal mo na? Mahal mo ba talaga o kaibigan lang? May iba din na akala mo...