Leaving and Confession

203 8 0
                                    

Saph's POV

Days passed..

Going strong pa din kami ni Mark. Still alive and kicking! Still inlove and happy. Every day, every time our feelings for each other grows and growing stronger. 

Nandito nga pala ako sa garden, mag isa. Kakagaling ko lang kasi sa library kasi nag research ako for my project and assignments. Walang katapusan talaga ang ganito kapag third sem na. Tsk! Ang hirap! May nakahintay pa saking mga talambak na projects sa history and chemistry, tapos meron pa kaming assignments sa other subjects. 

Kaya ayun, dito talaga ako napadpad. Ang sariwa kasi ng hangin at yung mga tao dito ay nagbabasa at natutulog kaya silence is in the air kapag nandito ka. Meron namang nagta-talk pero mahina lang. Hindi naman kasi masyadong crowded dito sa garden, medyo katamtaman lang. 

Napa-higa nalang ako sa puno at tumingin sa taas. Ang saya siguro kung meron tayong pakpak ano? Makakalipad tayo. Masaya siguro kung nasa taas ka, walang problema at walang stress. Pero imposible yun, flying is as impossible as escaping you own problem. Walang problemang masosolusyunan kapag tatakasan mo ito. 

Haaay. Bakit ko ba namemention ang world na PROBLEMA? Wala naman akong problema ah? Except sa school na meron pinabigay na sandamakmak na assignments at projects. Pero feel ko may darating na problema eh. I hope not. 

"Hi Mahal ko." Sabi nitong pinakamahal kong tao na biglang sumusulpot kahit saan na nakayakap sa likod ko.

"Hello din Mahal ko." Sabi ko sabay smile. Ngumiti siya at hinalikan ako sa  pinakadulo ng ulo ko which is my hair at humarap siya sakin na nakangiti at... pawis?

"Nandito ka lang pala Mahal ko. Hinanap pa kita doon, akala ko kung ano na ang nangyari sa iyo. Nag-aalala tuloy ako." Sabi niya at nag pout. Kinurot ko naman ng mahina ang nose niya.

"Haay nako! Concerned lang mahal ko? Hmmm, nandito lang naman ako eh. Nakakastress kasi yung binibigay ng prof natin. Ang rami! Ang hirap talaga kapag third semester na." Sabi ko at napahiga nalang sa puno.

"Kawawa naman ang mahal ko. Halika nga." Sabi niya kaya lumapit naman ako.

Nabigla ako ng niyakap niya ako.

"Dapat hindi ka nasi-stress. Mag-aalala ako niyan eh." Sabi niya at hinarap ako at pinahiga sa lap niya. Geez! Bakit kinakagat na ako ng langgam dito? Ang sweet naman yata ng Mahal ko. Which is palagi naman.

"Hmm.. Sweet naman ng Mahal ko." Sabi ko habang nakahiga sa lap niya habang siya naman ay nakasandal sa puno.

"Ganyan talaga. Higa ka lang diyan mahal ko ha? Relax ka lang." Sabi niya.

"Eh ikaw? Baka mangalay itong binti mo?" Nag-aalalang tanong ko.

"Hindi no. Para sa iyo, kahit mangalay pa yan basta ang importante ikaw." Sabi niya at hinalikan ako sa buhok. 

"Salamat. I love you, Mahal ko." Sabi ko.

"Mas mahal na mahal na mahal kita, mahal ko." Sabi niya at hinahaplos haplos ang buhok ko.

Naaantok na ako. Pero bago ako makatulog ay may nakita ako... *kunot noo*

Si... si... si Max!!!

Siya nga! Pero bakit parang umi-------



ZzzzZZzzzzzZzzzzzzzz



--------



Hooooooo! Sa wakas! Nandito na ako sa bahay!

Hinatid lang ako ni Mark at umuwi na din siya. Ang saya ko kasi nasa bahay na din ako sa wakas! Hoooo! Free from projects, free from assignments and free from stress!!! 

𝙵𝚛𝚒𝚎𝚗𝚍𝚜𝚑𝚒𝚙 𝚘𝚛 𝙻𝚘𝚟𝚎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon