Saph's POV
M-Mahal niya ako? Kelan? B-Bakit hindi ko alam? B-Bakit hindi ko napapansin?
"M-Mahal niya ako?" Tanong ko sa sarili ko.
"WHAT??! Alam mo??!!" Napatingin ako kay bessy na nagulat.
"O-Oo, sinulat niya dito." Mahinang sabi ko.
"Oh emmgeee! Bakit sa sulat niya sinabi!? Takte naman si Max oh! Ang torpe!" Sabi niya sabay sabunot sa buhok.
"Teka?! Alam mo?" Tanong ko.
"Eh? Hhehehe.. Oo." Sabi niya sabay kamot sa ulo.
"Kailan? Bakit? Diba ikaw ang gusto niya? Diba ikaw ang nililigawan niya?" Tanong ko.
"Wait! Wait! WAIT! Mahina ang kalaban okay? *sigh* Kailan? Noong una ka niyang nakilala, na love at first sight yata sa iyo kaya lang ang manhid niya at hindi niya iyon nalaman kaagad. Bakit? Kasi... EWAN KO! Hindi ko alam kung bakit ka niya mahal, dahil may puso siya? Basta! Mahal ka niya! Kaya nga siya nasasaktan eh, pero hinayaan ka pa rin niya at sinacrifice at binigay kay Mark dahil alam niya na mas masaya ka kay Mark. Diba ako ang gusto niya? NO! Nagagandahan lang daw siya sakin kaya akala niya ako na yun *flip hair* hindi naman parehas ang admiration at love diba? Ang ganda ko talaga. Diba ako ang nililigawan niya? NO! na NO! Una, hindi ko siya pinagbigyan at pangalawa, mahal ka niya so hindi natuloy yun. Okay? Nasagot ko na lahat." Sabi niya-- este speech pala. Ang rami eh.
"WHAT!!! So ibig sabihin, noong gusto ko siya, ehem! NOON huh! Noong gusto ko siya ay GUSTO NIYA RIN AKO? Ganun?" Tanong ko.
"Ahmm Oo? Pero manhid siya eh. Doon niya na-realize nung bumalik si Mark." Sabi niya at nag shrug.
"Ahhh..." Patango-tango kong sabi.
"Pero for example lang bessy, noong wala pa si Mark, at umamin si Max sayo ng mas maaga. Ano ang gagawin mo?" Tanong niya.
"Ahhmmm.. Ewan." Sabi ko.
"Ewan? Tsk! Nice answer!" Sacastic niyang sabi.
"Ewan. Ewan. Ewan. Ewan talaga! Hindi ko alam!" Sabi ko sabay iling iling.
"Naguguluhan ka ba?" Tanong niya. Medyo napatagalan naman ang sagot ko. Actually, Oo. Honestly, kung mas maaga kong nalaman na may gusto pala sa akin si Max ay hindi ko alam ang gagawin.
"Oo." Sabi ko.
"Haaay. Sige, uwi na ako ah. Good luck nalang sa thinking mo about sa kanila. Try to think kung sino ang mas lamang at alam mong mas mahalaga sa iyo, at tandaan mo, sa bawat maling desisyon may masasaktan or worst may mawawala. Think wisely bessy." Sabi niya at tuluyan ng umalis.
Mas matimbang?
Mas lamang?
Mas mahalaga?
Sino nga ba? Wala akong mapili sa kanila. Parehas silang importante at mahalaga para sa akin. Hindi ko kayang mawala ni isa sa kanila. Hindi ba pwedeng silang dalawa nalang? Hindi ba pwedeng hindi nalang ako pipili?
Pero kung mas sinabi ni Max ng maaga yung nararamdaman niya, anong gagawin ko? I liked Max before, (like nga lang ba?) and he likes me too. Anong gagawin ko kapag nalaman ko yun ng mas maaga? Siya ba ang pipiliin ko over Mark?
Haaay!!! Nakaka stress! Akala ko hindi na ako masestress ngayon dahil wala na ako sa school! Free from assingments, free from projects and free from school PERO hindi pala! Mas lalo pa akong masistress ngayon! Hu hu hu! *SUPER sad face*
BINABASA MO ANG
𝙵𝚛𝚒𝚎𝚗𝚍𝚜𝚑𝚒𝚙 𝚘𝚛 𝙻𝚘𝚟𝚎
Teen FictionMost people get confused about the difference between Friendship and Love. Minsan nahihirapan tayong alamin kung ano ba talaga ang isang tao para sa atin. Kaibigan mo lang ba o mahal mo na? Mahal mo ba talaga o kaibigan lang? May iba din na akala mo...