Sacrifice

306 10 0
                                    

Saph's POV

Dalawang araw na akong hindi pumapasok sa school.

Hindi pa ako handa na makita si Max. And I'm sure na tatanungin niya ako kung tutulungan ko ba siya na liligawan si Bessiie. 

Ayoko muna. Ayoko munang makita siya kasi nasasaktan lang ako. Ewan ko ba kung bakit ako nagkakaganito. Akala ko crush ko lang si Max --- este almost mahal ko na pala. Pero malas nga naman, hindi pa nga ako umabot sa stage na inlove na ako sa kanya, sinaktan na niya ako :( 

BUT-- but-- But paano ang bestfriend ko?? Paano ang lovelife niya?? Paano na ang pangarap ko para sa kanya?? Chance na niya ito para makalove life. Pero ako naman ang masasaktan :( 

Oh god! Anong gagawin ko?? Nasasaktan na ako. Magpaparaya na ba ako?? Kailangan ko ng kausap ngayon. Pero sino?? Hindi naman pwede si Bessiiiee kasi baka malaman pa niya at mag alala pa, baka maabala ko pa siya.

Hahahaha.. Sarap magpakamatay sa lagay ko na ito *painful laugh*  Sino ba ang mapupuntahan ko?? 


*tok* *tok*

Agad kong pinunasan ang luha ko. "Sino po yan??" Tanong ko.

"Mommy mo ito, anak!" Sabi ni Mom.

"Pasok po kayo." Sabi ko at pumasok din si Mommy.

"Anak, kain na ta----- anak! Bakit namamaga yang mga mata mo??" Tanong ni Mommy na nag-aalala.

"A-aahh wala po ito Mommy." Sabi ko at ngumiti ng pilit.

"Anak naman! Mommy mo ako at alam kong may problema ka. Mind if you tell me?? I'm always here for you." Sabi ni Mommy at umupo sa tabi ko.

Napaiyak nalang ako at niyakap si Mom. "Masakit Mom! Ang sakit sakit!" Sabi ko habang umiiyak.

"Sssshhh.. Ano ba kasing nangyari??" Tanong ni Mom kaya humarap ako sa kanya. Kinuwento ko sa kaya lahat ng nangyari, simula nung una kaming nagkita ni Max hanggang sa nagtapat siya na gusto niya si Bessiiiee.

"Ang sakit mom! Para akong pinatay niya! Parang gusto kong magwala! Akala ko siya na mom! Pero hindi pala! Masakit kasi I've suffered TWICE because of Love! Ang sakit!" Sabi ko at umiyak ulit at niyakap si Mommy.

"Hay nako baby.. Alam mo, natural lang yan sa mga kabataan ang masaktan. Nasa life na yan eeh. Pero kung ako sayo baby, choose wisely. Kung pipiliin mo si Max, mas magiging magulo lang. Baby, accept the fact that he loves your bestfriend at dapat maging masaya ka sa kanya, sa kanila. Kapag pinili mo si Shenaica, magiging masaya siya pero ikaw hindi, pero someday mawawala din yang sakit na yan. For me, mas pipiliin ko ang bestfriend ko. Because, ang boyfriend mapapalitan yan pero ang bestfriend, NEVER yan mapapalitan. Tandaan mo, your BESTFRIEND never leave you behind, but BOYFRIEND lasts and ends. But para lang naman sakin yun anak. Its your choice. Piliin mo ang tama anak huh??" Sabi ng Mommy ko.

"Opo Mom. Thanks po Mommy kasi nandiyan  ka po. Hindi ko na po kasi alam kung ano ang gagawin ko kung wala akong karamay eh. Salamat po talaga Mom. You are always my hero." Sabi ko at umiyak. I love my Mom so much!

"Haaay! Nambola ka pa anak! Pero, of course. Mahal na mahal din kita no! Ikaw kaya ang one and only beautiful princess namin ng daddy mo. We are always here for you baby huh?? Tandaan mo yan." Sabi ni Mommy at kiniss ako sa forehead.

"I love you Mommy.." Sabi ko.

"I love you din anak! Oh? Una na ako aah. Nagluluto pa kasi ako baka masunog yun  *laugh*  If you need anything just call me okay?? Baba kana kapag tinawag kita." Sabi ni Mommy at umalis na.

"Haaaay" Buntong hininga ko.


Mommy is right! Dapat mas uunahin ko si Bessiie.

She's always there for me. She always cares for me. She value our friendship more than anything. I love my bestfriend at hinding hindi ko siya ipagpapalit kahit kailan. She's like a family to me, she always treated me like a sister since I was born in this crazy world.

I want her to be happy. I want her to experience how to be treated like a princesses to others. I want her to feel what love does to us. I want her to see how life can be very beautiful with love. 

I will do everything to make her happy. I will do anything to see her smile and giggling because of M-Max. I will sacrifice my happiness for Shenaica. 

And for M-Max.

Alam kong sasaya siya sa piling ni Bessiie. Alam kong mamahalin niya si Bessiie ng higit pa sa buhay niya. Alam kong pasasayahin niya si Bessiie at ang sarili niya kapag magkatuluyan sila. 

Ano pa ba ang role ko sa storya nila diba?? Siguro isang extra lang o kung hindi kupido lang sa kanilang dalawa.  *fake laugh*  Bagay sakin ang role ano?? 

Haaaaay. Ang buhay parang LIFE.  TT____TT

Kinuha ko ang Cell Phone ko mula sa bag ko.

Haaaaaay. Siguro tama itong gagawin ko. Para din ito sa kanilang dalawa. Para na din ito sakin. Alam kong sasaya sila kaya magiging masaya na din ako.

I dialled Max's number....

*Tttrrriiiing* *Ttttrrriiiinnngg*

[ Hello?? Saph?? ] 

*sigh*

"M-Max.."

[ Ano yun?? ]

"Nakapag desisyon na ako.."

[ Ng ano?? ]

"T-Tungkol sa inyo ni B-Bessiie.."

[ A-A-Anong d-d-desisyon?? ]

*sigh*

"Tu-Tutulungan na kita.."

*SILENCE*

[ T-Talaga!!?? ]

"O-Oo.."  TT____TT

[ T-Totoo?? ]

"Oo.."

[ P-Promise?? ]

"OO NGA!!" Kulit eh!

[ YES!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! THANK YOU SAPH!! THANK YOU!! ]  *sigh* Ang saya niya  TT___TT

"Ha-Ha-Ha  *fake laugh*  W-Walang ano man.. I-Ikaw pa.."  Haaaay. Sinungaling.

[ SALAMAT TALAGA SAPH!! I LOVE YOU ]  O_____O --->  TT_____TT As a friend lang pala.

"Ha-Ha-Ha.. O sige.. Baba ko na to.." Sabi ko at dali daling binaba ang phone.



Ang hirap palang magpanggap.  Ang hirap magpanggap na okay ka lang, na masaya ka, na gusto mo iyon, at higit sa lahat, mahirap magpanggap na hindi ka nasasaktan.

Pero nag desisyon na ako. At yun ay pagpaparaya. Mas gusto kong makitang masaya silang dalawa. Mas gusto kong makita silang masaya kesa maging malungkot sa piling ko.

Kasi, sometimes in life you need to be selfless and think of others before yours.

Kahit masakit...


********************************************************

Sorry kung maliit lang ang UD ko ngayon. Ngayon lang kasi ang free time ko because whole day akong nag s-study kasi bukas na ang exam namin. So pasensya na po, I hope you all understand. :D


𝙵𝚛𝚒𝚎𝚗𝚍𝚜𝚑𝚒𝚙 𝚘𝚛 𝙻𝚘𝚟𝚎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon