Love Quarrel (Part 1)

197 7 0
                                    

Author's POV

Nasa klase sina Saph at Mark. Tatlong araw na ang lumipas noong nabasa ni Saph ang letter na galing kay Max. 

Hanggang ngayon hindi pa din makapaniwala si Saph sa pag-aamin ni Max. Hindi niya alam ang gagawin. Hindi din niya alam ang nararamdaman niya. 

Palaging tulala at wala sa isipan si Saph. Hindi siya nakikinig sa guro nito. Kaya napansin naman siya ni Mark at agad kinublit pero hindi pa din lumingon.

"Psst." Sabi ni Mark ng pabulong.

"Psst. Mahal ko." - Mark.

Huminto si Mark sa pagtawag kay Saph dahil humarap sa kanila ang guro. 

"Anong binulong bulong mo diyan Mr. Chan?" Sabi ng guro.

Yumuko lang si Mark at napatingin kay Saph na wala na naman sa tamang pag iisipan at nagmuni muni lang sa harap. Hindi niya alam kung ano ang meron kay Saph at nagkaganon siya.

Umalis na din ang guro at nagpatuloy sa pagdi-discuss.

Kinulbit na naman niya si Saph ng medyo malakas kaya napatingin naman si Saph dahil doon.

"B-Bakit mo ako kinulbit? May kailangan ka?" Sabi ni Saph. Napakunot noo naman si Mark kasi parang kakagising lang ni Saph.

"Anong nangyayari sa iyo? May problema ka ba?" Nag-aalalang tanong ni Mark.

"Ahhh wala. Wala." Sabi ni Saph at umiiling.

"Alam kong may problema ka, sabihin mo na?" Sabi ni Mark. Ngumiti lang si Saph (peke) at tinap ang balikat ni Mark.

"I'm fine. No need to worry, Mahal ko." Sabi ni Saph habang nakangiti. Napangiti nalang din si Mark dahil doon.



------------



*TTTTTRRRIIIING* (Bell)


"Halika na Mahal ko." Sabi ni Mark kaya bigla nalang napalingon si Saph sa kanya.

"A-Ahh saan?" Tanong ni Saph kaya napakunot na naman ang noo nito.

"Hindi mo ba narinig mahal ko? Bell na. Meaning lunch break na." Sabi ni Mark kaya bigla nalang nagulat si Saph.

"Talaga? Eh ang aga pa ah." Sabi niya sabay time check at nakita niyang 12:00 na pala kaya napa "Ahh. Oo nga." nalang siya at tumayo.

"Bakit lutang ka these days? May sakit ka ba?" Nag-aalalang tanong ni Mark.

"Wala nga. Halika na. Gutom na ako." Sabi ni Saph at nauna nang lumakad papuntang canteen.

Naghanap silang dalawa ng mauupuan at nahanap naman kaagad nila yun. Umupo kaagad silang dalawa pero tumayo din si Mark at humarap kay Saph.

"Anong gusto mong kainin?" Tanong ni Mark.

"Ahmm, ikaw na lang ang pumili." Sabi ni Saph.

"Okay." Sabi ni Mark kaya pumunta na siya sa bilihan.


Pagkatapos bumili ni Mark ay pumunta kaagad siya sa pwesto ni Saph pero naabutan niya itong tulog. 

Nilapag niya ang  tray ng foods na binili niya sa table nila ng dahan dahan. 

Hinaplos niya ang mukha ni Saph kasi may buhok  niya. Nakita niya ang mga mata ni Saph na magang maga.

"Wala ba siyang tulog? May problema kaya siya?" Nag-aalalang tanong niya sa kaniyang sarili habang nakatingin sa mahimbing na natutulog na Saph.

Hindi kasi nakatulog siya Saph dahil sa kakaisip kay Max. 2 hours lang ata ang tulog niya simula nung last 3 days eh.

"Hmmmm.." Ungol ni Saph na unti uting nagigising. 

Gumising naman si Saph at nagulat na nasa harap na pala niya si Mark.

"Ahh kanina ka pa ba diyan?" Tanong ni Saph.

"Ahh hindi pa naman. Kakadating ko lang." Pagsisinungaling ni Mark.

"Ahh. Okay." Sabi niya at nilamon kaagad ang pagkain na nasa harap niya. 

Pinagmasdan ni Mark ng mabuti si Saph. Namamaga ang mga mata nito at halatang gutom na gutom based on what he just saw now, lamon lang kasi ng lamon si Saph na parang a year nang walang kain.

"These days Saphire, may problema ka ba na hindi mo sinasabi sakin? Palagi ka nalang lutang at namamaga pa ang mga mata mo, at halata namang gutom na gutom ka. Based on my observations, may problema ka kasi palagi kang lutang, namamaga ang mga mata mo kasi wala kang tulog at gutom na gutom ka kasi hindi ka kumakain. Now I'm asking you AGAIN. May problema ka ba na hindi mo sinasabi sakin?" Tanong niya habang naka-cross arms.

"Ang taray ah. May pa observations-observations ka pang nalalaman. Hahahah." Sabi ni Saph at tumawa pero halatang pilit lang.

"Don't change the topic here young lady. Now answer my question." Demanding na sabi ni Mark.

"Hay! Oo na nga! My answer is... WALA! Wala akong problema okay?" Sabi ni Saph na nakangiti pero pilit.

"Damn Saphire! Sa tingin mo maniniwala ako diyan sa kasinungalingan mo?!" Sabi ni Mark na napatayo.

"W-Wala nga akong p-problema." Sabi ni Saph.

"Sa tingin mo maniniwala ako sayo?! ANO BA KASI ANG PROBLEMA MO?! BAKIT MO BA YAN TINATAGO HA! ANO BA KASI YAN! NAG-AALALA NA AKO SA IYO EH! ALAM MO BA YON! SANA MAPANSIN MO NAMAN NA NANDITO AKO NAG-AALALA SAYO. SANA NAMAN TINGNAN MO AKO KUNG ANO ANG NARARAMDAMAN KO NGAYON! BOYFRIEND MO AKO SAPH! MAY KARAPATAN AKONG MALAMAN KUNG ANO ANG PROBLEMA MO! ANO BA ANG SILBI KO SA BUHAY MO KUNG HINDI MO NAMAN AKO SASABIHAN NG MGA PROBLEMA MO HA?! ANO BA AKO SAYO SAPH! SH*T! Nag-aalala lang naman ako ehh, NAINTINDIHAM MO YUN?!" Sigaw ni Mark na may tumulong isang luha galing sa kanyang mga mata at umalis na pagkatapos nito.


Iyak lang ng iyak si Saph. Hindi naman niya kasi alam na ganon pala ang nararamdaman ni Mark.



---------------------------------------

"M-M-Max??"

[ Ahmm Saph?? ]

"A-A-anong k-kailangan mo??"

[ Nasabi kasi ni Shenaica sakin na kinwento na naman niya sayo yung tungkol sa gag*ng Ex mo ]

"O-Oo bakit??"

[ I just want to know if your alright? ]


"O-Okay lang ako Max :)"

[ Sure ka Saph?? Gusto mo pumunta ako diyan?? ]

"Wag na!! Okay lang talaga ako Max.. Promise."

[ Hmmmm.. *sigh*  Okay... Basta sabihin mo lang aah kung may problema ka at darating ako diyan ]   (>////<)

------------------




"Bakit ko naalala si Max? Arghh." Sabi ni Saph sa kanyang sarili na naalala ang sabi ni Max sa kanya kapag may problema siya kay Mark. Ginulo ni Saph ang buhok niya at napabuntong hininga.


































"I miss you, Max." Sabi niya ng mahina.




------------------










𝙵𝚛𝚒𝚎𝚗𝚍𝚜𝚑𝚒𝚙 𝚘𝚛 𝙻𝚘𝚟𝚎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon