My best friend, My Rival

334 11 0
                                    

Max’s POV

Nasa parking lot ako ngayon, at kapag minamalas ka nga naman! Nandito din silang dalawa! Si Saph ay kakalabas lang sa kotse ni Mark! T*kte! Kailan ba ako papahirapan ng tadhana? Kahit isang oras lang! Sana hindi ko sila Makita! Haaaiisst!

“Ako na ang magdadala sa bag mo, Phire.” Sabi ni Mark.

“Ahh, huwag na. Nakakahiya naman sa iyo, ako na lang. Kaya ko naman.” Sabi ni Saph at ngumiti pero hindi parin ito tinantanan ni Mark kasi kinuha niya ang bag ni Saph at binitbit ito.

“Ako na. Huwag kang mahiya. Parang hindi tayo mag bestfriends eh.” Sabi ni Mark. At WHAAAAT??! Bestfriend niya si Saph KO??! Ako ang bestfriend ni Saph at hindi siya! Arrghhh!

Sumugod kaagad ako sa kanila pero ngumiti ako ng peke.

“Hi BESTFRIEND!” Bati ko kay Saph at napatingin naman si Saph sakin at ngumiti.

“Oh? Max! Hindi na kita nakita ah! Kamusta ka na?” Tanong niya. Hindi niya ako nakita?! T*kte! Ang sakit nun! Ang sakit sa ego yun dude!

“A-Ahh okay lang naman. Ikaw ha! Hindi mo na ako pinapansin *pout* pinalitan mo na ako kay Mark.” Sabi ko PLUS pa cute pa yan ah.

“Awww. Sorry Bestfriend. Promise! Babawi ako.” Sabi niya at niyakap ako pagkatapos nag promise sign pa.

“Promise yan ah.” Sabi ko sabay lahad sa kanya ng pinky finger ko para mag pinky promise. Nung nakita niya ang pinky finger ko ay bahagya siyang tumawa.

“Promise!” Sabi niya at nag pinky swear kami.

“*EHEM* Halika na Phire.” Panira ni Mark  *angry*

“*EHEM* Diba sabi mo babawi ka Saph *pout* Huwag mong sabihin hindi mo ito tutuparin?” Pagpapa-cute ko sa kanya and mukhang effective naman! Kasi parang nacu-cutan na siya.

“Ahh-eeh.. Mark. Pwede sumabay muna satin si Max? Bestfriend ko din kasi siya eh. Diba mag-bestfriends din kayo?” Tanong niya. Napatingin naman sakin si Mark at nagbuntong hininga.

“O sige na nga! Para sa prinsesa ko. Gagawin ko.” Sabi niya at kumindat pa kay Saph. Tapakan ko yang mata mo eh!

“Okay lang ba yun sa iyo, Max?” Tanong ni Saph sakin.

Ngumiti naman ako, pero hindi na pilit kasi siya ang kausap ko eh, at sabi ko, “Of course, I will do anything for my lovely bestfriend.” At pagkatapos nakita ko siyang nag blush! Ohaaa! Nag blush siya eh! Woooo~

“Che! Ang korni mo!” Sabi niya.

“What? I’m just saying the truth.” Pa-inosenteng  sabi ko at ngumiti pa, let’s just say, killer smile.

“Geez! Anong kinain mo? Bakit ang sweet mo yata ngayon?” Tanong niya.

“Bakit? Sweet naman ako dati ah.” Sabi ko.

“Oo nga. Pero hindi naman--- aissh. Huwag na nga.” Sabi niya at naglakad nalang.

“Ano nga?” Tanong ko.

“Wala. Wala.”Sabi niya at pa iling iling pa. Cute!

“Weh? Sige na! Ano nga ang ngayon at dati?” Pagpipilit ko sa kanya.

“Wala nga. Huwag ka nang makulit, please.” Sabi niya.

“Okay.” Sabi ko at nag pout.

Tinignan naman niya ako, “Oh? Ayan ka na naman sa kaka-pout mo eh.” Sabi niya.

“Kasi hindi mo na ako love.” Drama ko at bigla naman niya akong binatukan.

“Tae ka talaga!” Sabi niya.

𝙵𝚛𝚒𝚎𝚗𝚍𝚜𝚑𝚒𝚙 𝚘𝚛 𝙻𝚘𝚟𝚎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon