Max’s POV
Ilang araw na din ang nag daan at ayun, laban pa din ako ng laban. Palagi nalang akong nakadikit kay Saph lalo na kapag wala si Mark sa tabi niya kasi busy sa basketball niya, siya kasi ang captain.
Masama ba ang ginagawa ko? Hindi naman diba? Nagmamahal naman ako diba? Pero kahit magkasala man ako dahil sa ginagawa ko, sabihin nalang natin na ‘my love for Saph is the sweetest sin’ oh diba!
Kahit magkasala man si Saph naman din ang kapalit, itutuloy na lang.
Nga pala nandito kami ni Saph KO sa canteen, kaka-recess lang naming eh.
Nasa counter ako at binilhan ko siya ng Ice Cream yung vanilla at may chocolate na toppings sa taas. Ito kasi ang favorite niya --- este lahat pala favorite niya, basta ice cream. Tsk.
Papunta na ako sa table namin ni Saph at nakita ko siyang nakatuon ang tingin sa cellphone niya. For sure si Mark ang hinihintay niya. Paano ba naman, simula noong sumali yung Mark na yun sa basketball, hindi na niya masyadong nakikita si Saph kasi hindi na siya doon sa classroom namin. Trinansfer na kasi siya.
Kapag athlete kasi iba ang kanilang classroom kasi busy sila masyado sa laro kaya lahat ng athletes ay ibang classroom from ours.
Kaya ayan, nagmumok mok si Saph KO sa Cellphone at hinihintay ang tawag ng MAGALING niyang boyfriend na kulang nalang hindi na niya nakikita.
Pumunta ako sa kanya at nilapag ang tray.
“Hinihintay mo na naman?” Tanong ko kay Saph at napatingin naman siya sakin na nakasimangot.
“Oo eh. Hindi nga niya ako tinext kaninang umaga tapos ngayon wala pa din? Eeeeh. Nakakairita.” Sabi niya at nag pout. Bakit ba kasi sa kanya pa siya? Nandito naman ako ah.
“Hmmm… Huwag ka na ngang malungkot. Oh ito oh, kainin mo.” Sabi ko at sinubuan siya ng Ice cream na binili ko. At syempre, kinain niya. Ice cream lover siya eh!
“Hayy… Alam mo talaga ang favorite ko… Ang sarap ng buhay kapag may ice cream.” Sabi niya at nagpatuloy sa pag-nguya ng ice cream na nakangiti.
“Masarap?” Tanong ko.
“Of course! Para akong nasa cloud nine. Hahahhaa.” Sabi niya at tumawa.
“Sa wakas! Tumawa ka na rin. Palagi ka kasing nakasimangot diyan eh.” Sabi ko at kinain na din ang ice cream na binili ko for me.
“Tss… Hayaan mo na. Siguro naman babawi siya diba? Kasalanan ko din naman eh.” Sabi niya habang kumakain.
“Bakit mo naman kasalanan?” Tanong ko.
“Ako kasi ang nag-pumilit sa kanya na sumali ng basketball. Hindi ko naman inaakala na maging ganito na kami. Noon kasi hindi naman ganito ka strict ang school namin. Kapag break time na, hindi sila magpa-practice hindi katulad ditto, ang higpit.” Sabi niya sabay iling.
“Gusto mo na talaga siyang makasama?” Tanong ko.
“OO!” Sabi niya.
“Ayyy… Hindi mo ako gusto makasama? Ganun?” Sabi ko sabay pout at nagcross arms na parang babae.
Tinignan niya ako at, “Oyy~ Hindi naman sa ganun.” Sabi niya habang kinikilabit ako pero hindi ako lumingon.
“Max naman eh! Sige naaaa~ Huwag ka nang magalit! Hindi naman ganun ang ibig sabihin nun eh!” Sabi niya sabay upo sa tabi ko habang niyuyugyog ang balikat ko.
“Ewan ko sa iyo.” Sabi ko at umirap. I know it sounds gay pero binibiro ko lang siya, gusto kong Makita kung anong gagawin niya *evil smirk*
“Max naman eh! Huwag ka naman ganyan! Ikaw na nga lang ang nandyan para sa akin eh, huwag ka naman maging ganyan sakin. Please.” Sabi niya.
BINABASA MO ANG
𝙵𝚛𝚒𝚎𝚗𝚍𝚜𝚑𝚒𝚙 𝚘𝚛 𝙻𝚘𝚟𝚎
Teen FictionMost people get confused about the difference between Friendship and Love. Minsan nahihirapan tayong alamin kung ano ba talaga ang isang tao para sa atin. Kaibigan mo lang ba o mahal mo na? Mahal mo ba talaga o kaibigan lang? May iba din na akala mo...