Mine ALONE

294 10 0
                                    

(Author's Note: Nasa media poa ang pic ni Max na naka-pout! Ang cute niya diba? hihihi! And by the way, meron bang mga silent readers dito? Please naman, mag ingay kayo kahit konti lang. Please ^_^ Kahit ngayon lang. Nawalan na kasi ako ng ideas eh kaya kailangan ko ng inspirasyon.)


Max’s POV

Haaay. Ang tagal naman ni Sapiro! Nasa classroom na kasi ako at hinihintay siya.

Pansin ko lang na simula nung dumating si Mark ay hindi na ako pinapansin ni Sapiro *pout*  akala ko mag-bestfriends kami. Bakit niya ako pinagpalit sa Ex niya? Bakit ba kasi ang martyr ni bestfriend eh.

Nag aabang ako sa pintuan ng classroom naming at nakita ko si Aica na pumasok. Tinignan niya ako at pinuntahan.

“Oh? Hinahanap mo si Bessiie no?” Tanong niya.

“Oo. Ang tagal eh.” Sabi ko.

“Ahh. My advice. Huwag ka nang maghintay, may kasama yun kaya baka ma OP ka na naman.” Sabi niya kaya napa kunot naman ang noo ko.

“Ha? Bakit naman?” Tanong ko.

“Just see.” Sabi niya at ngumiti. Jeez! Nakaka-curious naman.

Bigla nalang bumukas ang pinto kaya napatingin naman ako. Pagtingin ko nakita ko ang hindi inaasahan na makikita ko. Magka-holding hands sila at nagtatawanan. I don’t know pero parang may masakit, masakit ang dibdib ko. Ang sakit. I can’t describe it pero I know that I never felt this way before.

“You see. Kaya huwag mo na silang hintayin pa. Pero my advice ulit, kung gusto mo talaga ang isang tao, kunin mo habang may pag asa ka pa, kasi kung huli ka na, baka hindi mo na siya makukuha.” Biglang sabi ni Aica at umalis na.

Bigla nalang akong napa isip…

“kung gusto mo talaga ang isang tao, kunin mo habang may pag asa ka pa, kasi kung huli ka na, baka hindi mo na siya makukuha.”

“kung gusto mo talaga ang isang tao, kunin mo habang may pag asa ka pa, kasi kung huli ka na, baka hindi mo na siya makukuha.”

“kasi kung huli ka na, baka hindi mo na siya makukuha.”

“kasi kung huli ka na, baka hindi mo na siya makukuha.”

“baka hindi mo na siya makukuha.”

“baka hindi mo na siya makukuha.”

“baka hindi mo na siya makukuha.”

Baka hindi ko na siya makuha? Sino? Bakit ang sakit? Bakit biglang kumirot itong puso ko?

Napatingin naman ako sa katabi ko na hindi ko namalayan na nandito nap ala, pero hindi man lang ako binati.

Noon nga, kung dadating siya dito, palagi niya akong iniistorbo sa tulog ko para lang mag good morning pero ngayon, kahit isang smile lang, wala.

Bakla man sabihin pero parang anytime babagsak na ako, babagsak na din ang mga luha ko. Mahal ko na ba siya? Mahal ko na ba si Saphire? Ah baka naman may sinat ako, hindi ako inlove ni Sapiro no! Bestfriend ko yan! Hindi ko siya mahal, siguro mahal as bestfriends, Oo! Mahal ko siya kasi kaibigan ko siya, at galit lang ako sa kanya dahil hindi niya ako pinapansin. Oo, tama!

----------

Natapos na ang klase naming, and I can’t believe na kahit ni isa hindi niya man lang ako kinausap, ni hindi niya ako tinignan.

Multo na ba ako? Invisible na ba ako? Arrggh! Its killing me! Bakit ba kasi bumalik yang Mark na yan eh! Oo! Galit ako kaya hindi ko na siya tinatawag na Pare.

𝙵𝚛𝚒𝚎𝚗𝚍𝚜𝚑𝚒𝚙 𝚘𝚛 𝙻𝚘𝚟𝚎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon