Meeting Peter

217 9 2
                                    

Saph's POV

Haay. I feel bad for Max. Iniwan ko siya doon. Pero sabi kasi ni Mark na babawi daw siya eh. Masisisi niyo ba ako kung miss ko ang boyfriend ko? Diba?  

Pumunta kaagad ako sa bahay kasi nandoon daw siya kaya nga ako nagmamadali kasi nasa bahay na pala siya. Nyeta! Bakit ba kasi ngayon pa siya nagyaya? Nahirapan tuloy ako pumili sa kanila ni Max.  

-------

Pumasok na ako sa bahay at nakita ko doon si Mark na kampanteng naka-upo sa sofa habang nanood ng TV sa sala. Hala! Feel at home lang? Tss, sabagay, close naman sila ni Mommy pero kay Daddy? Neh! Hindi! Pero hindi naman sa tutol si Daddy sa amin. Talagang ayaw niya lang kay Mark, pero hindi naman niya ako pipigilan kasi doon ako sasaya. Ang sweet ng Dad ko no? Hehhehe. 

"Hoy Mark! Bahay mo 'to? Bahay mo?" Mataray na sabi ko sabay pamewang. 

"Hey Phire." Sabi niya at nanonood pa din ng TV.

"Ahh ganun? Hindi mo na ako pinapansin? Okay sige! Magsama kayo ng TV mo!" Sabi ko sabay pabagsak na umupo sa isang sofa na nasa gilid ng inupuan niyang sofa.

"Okay." Dedma niya which caused me na magalit.

"Arrgghh! MARK NAMAN EHH! KAPAG HINDI MO AKO PINANSIN BREAK NA TAYO!" Sigaw ko kaya bigla naman siyang napatingin sakin at nanlaki ang mga mata. Bigla siyang umupo sa tabi ko at niyakap ako.

"Eto naman si Phire. Nagjo-joke lang eh. Miss ko na kasi ang masungit na Saphire. I love you." Sabi niya habang nakayakap sa bewang ko na parang bata na hindi gustong makawala sa mama niya. *face palm* Nakaka-highblood naman itong si Mark.

"Tss... Pasalamat ka at mahal na mahal na mahal kita." Sabi ko at niyakap siya.

"Hmmm.. I love you more Phire, more than my life, more than myself because you are my world, my heart." Sabi niya at hinalikan ako sa noo.

Nagyakapan na lang kami for how long. Miss na miss ko na siya ehhh.

-------

Pagkatapos ng yakapan session namin kanina ay nandito na kami sa mall. 

"Saan mo gustong pumunta Phire?" Sabi niya using his sweet voice.

"Hmm.. Let's see. Libutin nalang natin ang mall." Nakangiting sabi ko at tumango lang siya at hinalikan ang noo ko.

Habang tumitingin tingin kami, bigla akong napatingin kay Mark na nakatingin doon sa babae. Yung babae din nakatingin kay Mark. Arrghh! Hello? Girlfriend here?! Tss... Mas maganda kaya ako doon. Pero inaamin ko, sexy din siya pero MAS SEXY AKO, at inaamin ko rin na maganda siya, PERO MAS MAGANDA AKO. 

"YAH! Saan ka nakatingin huh!?" Pasigaw kong sabi ni Mark.

Napatingin naman siya sakin, " Huh? Ahh doon sa isang shop." Sabi niya at ngumiti. 

The heck! Nagsisinungaling siya!!! Arrghh! Playboy pa rin itong lalaking ito! But pasalamat siya at kaya ko pang kontrolin ang patience ko. 

"Are you sure?" Mahinhin na sabi ko pero medyo madiin. Just this last question, sana maging honest siya kasi kung hindi... magwawala akooo! 

"Y-Yes! I'm sure." Sabi niya at hindi tumingin sakin. HE IS LYING! 

"Okay then." Sabi ko at naglakad palayo sa kanya.

Nakakainis! Nagsisinungaling siya para sa babaeng yun?! Sino ba yun?! Arrgh! 

Hindi ko namanalayan na tumulo na pala ang luha ko. Ang sakit! Naloko na naman ako! Ang sakit sakit! Napakasakit! Hu hu hu! Bessy~ Max~ Where na you? I need you~ 

𝙵𝚛𝚒𝚎𝚗𝚍𝚜𝚑𝚒𝚙 𝚘𝚛 𝙻𝚘𝚟𝚎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon