Saph's POV
"Pete!"
Tumakbo ako papunta kay Pete at niyakap siya.
"Woah! Miss na miss mo talaga ako ano? Grabe ka makayakap eh. Chansing na yun Sasa." Sabi niya sabay gulo ng buhok ko.
Kumalas naman ako sa yakap at nag pout sa harap niya.
"Ayan na naman ang Sasa mo kuya Pete eh! Ang pangit ng nickname na yan." Sabi ko. Talagang pangit naman ang Sasa eh.
"Hindi naman yun pangit ah. Cute naman yung Sasa." Sabi niya sabay pisil ng ilong ko.
Napasimangot naman ako sa sinabi niya, "Ang weird talaga ng taste mo kuya Pete!"
Tumawa lang si Kuya Pete sa sinabi mo.
"Ah, nakalimutan ko palang sabihin na pinapatawag ka na naman ng CC Entertainment dahil may photoshoot ka daw sa Fashion Vogue Magazine." Sabi niya.
"Here in Pinas?" Tanong ko. Sa Paris kasi yang CC Entertainment.
"No. They visit here in the Philippines for the photoshoot." Sabi niya at pumunta sa kusina kaya sumunod lang ako.
"When ba yan Kuya? Para masabi ko kay Max." Tanong ko.
"Next week, I guess--- teka?! Sino yang Max? Yung best friend mo? Close kayo?" Sunod sunod na tanong niya habang umupo sa upuan ng dining room kaya umupo rin ako.
"Yep. Close kami. He saved me nung muntik na akong mabangga ng sasakyan." Sabi ko sabay inom ng milk na binigay ni Kuya Pete.
Bigla nalang napasamid si Kuya kasi umiinom siya ng milk katulad ko. Nagulat ako ng tumayo siya.
"MUNTIK KA NG MABANGGA?!!! NG SASAKYAN!!?" Over react niya.
"Kuya! Chill. Chill. Muntik nga lang eh. MUNTIK lang. Kaya nga sinagip niya ako eh. I owe him alot." Sabi ko sabay patahan kay kuya.
Mabuti naman at tumahan na siya at umupo ulit.
"May sugat ka ba? Nasaktan ka ba?" Nag-aalalang tanong niya.
"Wala kuya. Na shock lang ako pero hindi naman ako nasaktan. Si Max kuya... Siya ang nasaktan sa pagligtas sakin." Sabi ko. Nagui-guilty tuloy ako ng maalala ko yun.
"Salamat naman--- ah! Teka. Yung muntik ng makabangga sa iyo, nasaan siya? Ipapulis natin!!!" Ayan na naman si Kuya.
"KUYA!!! CHILL KA NGA! Hindi namin nakita ang plate number ng sasakyan kasi umuulan nung time na iyon kaya hindi ko napapulis yung driver." Sabi ko.
Nakita kong napasapo nalang sa noo si Kuya.
"Hayy... Ewan ko lang kung tama ba na umuwi ka dito sa Pilipinas eh. The Philippines is too dangerous country. You should always be careful huh?"
"Yes, kuya." Sagot ko naman sa tanong niya.
Bigla naman siyang tumayo at tumingin sa paligid ng condo ko.
"Nasaan ang guest room mo rito?" Tanong niya.
Napalaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya.
"Dito ka titira kuya? What about your house? Hindi mo ba bibisitahin sina Tita at Tito sa inyo?" Tanong ko.
"Delikado kapag mag isa ka, baka ano pa ang mangyari sa iyo. Bibisitahin ko na lang sina Mama at Papa kapag may free time ako or every weekends. Bakit? Ayaw mo bang dito ako tumira?" Nakataas na kilay ang mukha ni Kuya ng tinanong niya yun.
Tumawa naman ako sabay hindi hand sign.
"Psh! Hindi kuya no. Syempre gusto kong makasama ka, miss na kita eh. Pero hindi naman ako bata kuya eh!!! Malaki na ako oh! Tapos kung may makakita sa iyo na press? Ma rumor pa tayo nito." Pagsasabi ko.
BINABASA MO ANG
𝙵𝚛𝚒𝚎𝚗𝚍𝚜𝚑𝚒𝚙 𝚘𝚛 𝙻𝚘𝚟𝚎
Teen FictionMost people get confused about the difference between Friendship and Love. Minsan nahihirapan tayong alamin kung ano ba talaga ang isang tao para sa atin. Kaibigan mo lang ba o mahal mo na? Mahal mo ba talaga o kaibigan lang? May iba din na akala mo...