4 years later...

211 8 3
                                    

(A/N: Yeehheey! Nasa second part na tayo ng story, which means malapit nang matapos! Hahahaha. Pero bago ako magdiwang ay dapat ko munang mag UD para maging mas madali ang pagtatapos :)  Pero kung gusto niyo ng season two ayyyy... pag iisipan ko muna hehehe. So yun lang muna :) Enjoy reading :D)

Mark's POV

Apat na taon na ang nakalipas... 

Apat na taon na hindi ako masaya. 

Apat na taon na hindi na ako ang dating ako.

Apat na taon akong pumipeke ng ngiti.

Apat na taon na hindi na ako nagpa-practice ng basketball.

Apat na taon na hindi na ako lumalapit sa ibang babae.

Apat na taon na nagbago na ako.

Apat na taon na... Kelan pa siya babalik? Alam kong pinakawalan ko siya pero umaasa pa rin ako, umaasa ako na papatawarin niya ako at babalik siya sakin.

Posible pa kaya yun?

Mamahalin pa kaya niya ako ulit?

Bibigyan pa ba niya ako ng pagkakataon?

Mahal na mahal na mahal ko siya. Kahit ang Diyos alam niya yun. Araw-araw na akong umaasa na babalik siya at sana, sana ako pa rin.

"Uy! Babes! Bakit nakatunganga ka diyan?" Sabi ni Babes ko habang kumakain.

"Ahh wala. Wala lang ito babes, huwag mo nalang akong pansinin." Sabi ko sabay kain.

"Inaalala mo na naman si... Bessy ano?" Sabi niya. Halos maibuga ko ang pagkain na nasa lalamunan ko pero pinigilan ko ito.

"H-Ha? Ano! Ano.. hindi! Bakit ko naman siya iisapin? He-he-he." Sabi ko sabay kain ulit.

"Alam mo pwede mo namang sabihin eh, hindi naman ako magagalit kung mahal mo pa siya. Sabihin mo na lang para malaman ko----" 

"Hindi nga! Ikaw na ang mahal ko babes. Walang iba." Sabi ko at ngumiti. Tumayo naman siya at niyakap ako. Niyakap ko din naman siya pabalik.

Oo, naging kami ni Shenaica. Pero hindi kami nung nasa bar, aksidente lang yung paghalik ko sa kanya. Akala ko kasi si Saphire yun, lasing kasi ako. Pero habang tumatagal naging close kami, hanggang sa umamin siya sakin na gusto niya ako kasi ako daw ang first kiss niya. Naawa ako sa kanya kasi palagi lang siyang nasa tabi ko. Hindi niya ako pinabayaan. Kaya pumayag ako na maging kami. 

Pero... hindi ko siya mahal. Naaawa lang talaga ako sa kanya.

Ang sama ko ano? Pero anong magagawa ko? Tanga ako eh. 

Kung tatanungin niyo ako kung nasaan si Max ay nandito na siya. Meron ding nagbago sa kanya. Medyo seryoso at focus na siya sa pag aaral, naging top 1 student na siya sa klase, at mukhang close na din sila ni Tito. Siguro two years nang nakalipas nung umuwi siya. Pag uwi ng pag uwi niya ay sinuntok niya kaagad ako sa mukha, kasi ang alam pa niya ay yung nag away kami ni Mahal ko--- este Saphire, pero nung nalaman niya na nakita ni Saphire na naghalikan kami ni Shenaica-- este babes ay binigyan ulit niya ako ng isang malakas na suntok at sinigawan din niya si Babes dahil doon. Alam kong mahal na mahal din niya si Saphire, hindi ko siya masisisi kasi ang gago ko naman talaga. Pero pareho lang din kami na mahal na mahal si Saphire.

"Halika na babes, baka mag start na ang klase." Sabi niya at pumunta na kami sa subject room namin. Actually 2nd year na kami sa college, at natapos na din kaming grumaduate ng wala siya.

"Ah, okay. Halika na." Sabi ko at tumayo na.

Pumunta na kami sa assigned rooms namin. English Lit ang subject namin ngayon at kaklase ko si Babes ngayon and also Max.

𝙵𝚛𝚒𝚎𝚗𝚍𝚜𝚑𝚒𝚙 𝚘𝚛 𝙻𝚘𝚟𝚎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon