Saph’s POV
*Chirping of Birds*
*wake up*
Ohh. Umaga na pala. Tumingin ako sa Cellphone ko at nakita ko na 6:00 AM na pala, 7:30 kasi ang start ng klase namin.
Tinignan ko na naman ang phone ko at himala! Hindi nag text si Mark sakin, ni ‘Good Morning’ ay wala. Tsk! How sweet of my suitor. Tsk! *Sarcastic*
Tumayo na ako at ginawa ang morning rituals ko. Pagkatapos ay tumingin ulit ako sa phone ko. Wala pa din siyang text? Haaay. Nakakapanibago naman.
Bumaba ako at nakita ko si Mama.
“Hello Mom! Good Morning!” Masayang bati ko sa kanya.
“Oh. Hi princess.” Sabi ni Mom at humalik naman ako sa pisnge niya.
“Nasaan si Dad, Mom?” Tanong ko.
“Nasa taas pa. Natutulog. Tawagin mo princess, please.” Sabi ni Mom at tumango lang ako.
Pumunta ako sa kwarto ni Mom and Dad. Nakita ko si Dad na ang himbing ng tulog, at niyakap pa ang unan gamit ang kamay at paa. Tsk! Alam niyo, minsan parang bata ito si Dad eh. Tulog mantika at parang bata kung matulog. Tss.
Tumayo ako sa kama niya at tumatalon-talon.
“Daaadddyyyy~ Gising naaaa!” Sigaw ko habang tumatalon.
Medyo napa-dilat naman si Dad pero pumikit ulit.
“Daddy naman eh!~ Gising na sabi! Tulog mantika ka talaga.” Sabi ko at umupo na sa kama at tinapik tapik ang pisnge niya.
“Kapag hindi ka bumangon diyan Dad. Bubuhusan talaga kita ng tubig!” Pagbabanta ko sa kanya pero dumilat lang ang isa niyang mata at pumikit ulit.
“DADDY! KAPAG HINDI KA BUMANGON DIYAN IHA-HACK KO TALAGA ANG ACCOUNT MO SA WORLD OF TANKS!” Pagbabanta ko.
“Hindi mo maha-hack yun kasi iniba ko na ang password.” Sabi ni Dad na parang antok na antok habang naka-pikit.
“Grrr! Sige ka! Kung hindi ka babangon isusumbong kita kay Mom at hihiwala---“ Hindi ko naman natapos ang sasabihin ko kasi napa-balikwas siya ng tayo. Hahahhaa, takot kay Mom.
“Huwag naman Princess. Hindi ko kaya kapag nawala ang Mommy mo.” Pagmama-kaawa niya sakin. Ahhhh. Love na love niya talaga si Mom.
“Hmmp *pout* Ako Dad. Hindi mo din kaya kapag nawala ako?” Tanong ko at nagpa-cute kay Dad. Bigla naman niya akong inakbayan at piningot sa ilong.
“Of course naman, Baby Princess. Kayong dalawa ng mommy niyo, mahalaga sa akin.” Sabi ni Dad at hinalikan ako sa buhok.
“I love you, Dad.” Sabi ko at niyakap si Daddy.
“I love you more, Baby Princess.” Sabi ni Dad. Ayokong tawagin ako ni Dad na Baby Princess pero okay na din, minsan lang naman kami maglambingan eh.
“Uyyy~ Sali akooo.” Parang bata si Mommy na nasa pintuan habang naka-pout.
“Of course Love, come here.” Nakangiting sabi ni Dad at lumapit naman si Mom.
“GROUP HUG!” Sigaw ko at nag-group hug kami.
“O siya, kumain na po tayo, gutom na po kasi ako.” Sabi ko at ginulo naman ni Dad ang buhok ko.
“Haaay. Kaya ka tumataba eh. Tignan mo Love oh, ang laki na ng baby princess natin. Noon, buhat-buhat ko pa siya at kinakantahan ng ‘Edelweiss’ hanggang sa makatulog siya. Haaay.” Drama ni Daddy na nakayakap ni mommy.
BINABASA MO ANG
𝙵𝚛𝚒𝚎𝚗𝚍𝚜𝚑𝚒𝚙 𝚘𝚛 𝙻𝚘𝚟𝚎
Teen FictionMost people get confused about the difference between Friendship and Love. Minsan nahihirapan tayong alamin kung ano ba talaga ang isang tao para sa atin. Kaibigan mo lang ba o mahal mo na? Mahal mo ba talaga o kaibigan lang? May iba din na akala mo...