Confrontation and Goodbye?

546 7 0
                                    

Saph's POV

Nag-iipmake na ako ngayon.

Curious ba kayo kung bakit? Well, aalis lang naman ako, non sense eh?

(A/N: Nasa heartbroken stage ka na nga nagawa mo pang magbiro! Alam namin na aalis ka, ang tanong bakit ka aalis at SAAN KA PUPUNTA? Arasso? Tsk!)

Okay. Okay. Chill. Chillax lang Author. Masyadong highblood ka Ate Author!

So ganun nga, aalis ako. Pero hindi ko pa sasabihin kung saan. Malalaman niyo din naman.

Kinuha ko ang phone ko at tinawag ang Bestfriend ko.

Dialling Bestfriend...

[Hello Saphire? Napatawag ka?]

"Hello Peter, nag-aayos lang naman ako ng gamit. Ikaw? Nag-imapke ka na ba?"

[Oo, tapos na. Ngayon pa lang.]

"Ngayon? Weee? Eh nakita ko yung bag mo kahapon eh. Handang handa na. Hahaha mas excited ka pa kesa sakin."

[T-Teka! Paano mo nakita--- Tss. Oo na. Eh ikaw? Kelan mo ba sasabihin ang teacher mo na magta-transfer ka na?]

"Kaya nga ako napatawag. Magpapasama sana ako sa iyo kasi pupunta na ako ng school. Doon ko na isa-submit ang Form of Transfer."

[Okay. What time ba?]

"This 7:30 sana. Mags-start ang class ng ganyan eh."

[Gusto mo talagang ipamukha sa kanila na aalis ka?]

"Hmm.. Yeah! I want them to face me this time. At sasabihin ko ang huling paalam sa dalawang malandi na yun."

[Okay. If that's what you want. I'll support you,]

"Thanks Pete. I love you bestfriend."

[I love you too.]

Ended call...

Yep! Si Peter na ang NEW BESTFRIEND ko. And I know this time, hindi na niya ako lolokohin like what Shenaica THE BITCH and Mark THE EX did to me. 

And yung exchange of "I love you" namin? Well, nasanayan na namin yun. And its normal for us.

Actually 3 weeks na ang nakalipas since that I go to the bar. 

And that 3 weeks, Peter didn't leave me. He cares for me so much kahit lamok ayaw niyang dinapuan ang balat ko, and I'am so much thankful for that.

And ngayon, ang last day ko na dito. At sigurado ako na pagkatapos ko doon at kapag babalik na ako dito, wala na ang innocent and golden-hearted na si Saphire. 

---------------

"Okay ka lang ba. Parang uneasy ka diyan ah. Gusto mong ako na ang maghahatid niyan sa loob?" Tanong ni Peter na nag-aalala.

"No! Kaya ko ito. I just need some air." Sabi ko at nag inhale exhale sa loob ng kotse ni Peter.

"Hay. Okay. If that's what you want. Take some time." Sabi niya.

Nag breath in, breath out ako. Nandito kami sa parking lot ng school namin. Nasa labas pa kami. I feel uneasy pero kakayanin ko. Kakayanin kong makita ang pagmumukha nila. Ang pagmumukhang ayaw na ayaw kong makita.

Pero kaya ko ito. Kakayanin ko.

"Let's go?" Tanong ko ni Peter.

"Handa ka na ba?" Tanong niya. He's always worried about me. I just smile and said.

"Yeah. Nandiyan ka naman diba? There is nothing to worry." Sabi ko.

"Yeah. I'm always here for you." Sabi niya at binigyan ako ng isang hug which makes me feel safer. I love this guy so much. I couldnt stand up without him.

𝙵𝚛𝚒𝚎𝚗𝚍𝚜𝚑𝚒𝚙 𝚘𝚛 𝙻𝚘𝚟𝚎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon