Saph's POV
Ayun nga sumakay na kami sa iisang kabayo. Well, hindi ko naman ito first time. Alam ko din kung paano iha-handle ang pagsakay ng kabayo.
Siya yung naghandle ng kabayo ngayon tapos ako ang nasa likod niya.
"Kumapit ka, baka mahulog ka diyan." Sabi niya.
"No. I can handle it." Pagtatanggi ko. Kaya ko ito! Aja!
"Okay, your choice." Sabi niya at nagulat ako ng bigla niyang pinabilis yung kabayo kaya wala sa oras ay kumapit ako sa waist niya ng maigi.
Dinig ko naman siyang nag chuckle. Arrghhh! Chansing yun ah! Tss! MaxCandy talagaaaa!!!
Pasalamat siya at hindi ako makasigaw sa kanya ngayon kasi ang bilis niyang magpatakbo. Grabe siya ah! Gusto ba niya na patayin ako.
Hindi ko nalang siya binigyan ng pansin at tumingin ako sa paligid. Ohh, nasa forest na pala kami. Hala! Hindi ko naman kabisado dito eh.
"Huy! MaxCandy! Do you know where this place is?" I asked. Tinignan naman niya ako pero saglit lang yun kasi baka mabangga kami.
"Oo, naman! Dito ako tumatambay noong wala ka." Sabi niya.
"Really? Why?" Tanong ko.
"Namiss kita eh. Itong lugar na ito ang nagpapa-alala ko sa iyo." Sabi niya.
"R-Really? A-Ahh, o-okay." Sabi ko.
"Bakit ka nauutal? Masama ba ang pakiramdam mo?" Nag-aalalang tanong niya.
Agad naman akong nag-panick (for unknown reason) tapos pinagpawisan ako ng sobra, salamat lang talaga at nasa back niya ako, kasi hindi niya ako nakikita.
"Ahh w-wala! Wala no! Wala talaga! Promise! Hindi ako nagsisinungaling! Wala akong sakit! Wala! Maniwala ka ha! Wala talaga! Promise! Walang wala!" Sabi ko sabay promise sign. Pinagpawisan pa din ako.
"Pfft. Alam mo, ang weird mo ngayon. Iyan na ba ang nagbago sa iyo? Naging weird? Hahaha." Sabi niya. Namula naman ako sa kahihiyan. Pero pinili ko pa ding umakto na normal kaya hinampas ko siya sa balikat.
"Weird ka diyan! Ipakain kita sa aso namin eh! Weird? Mas weird ka pa nga eh! Naka-eye glasses, ang weird kaya nun!" Sabi ko. Hohoho! Ano ba itong pinagsasabi ko? Bahala na si Batman, Superman, Ironman at Wonderwoman.
"Intelligence was never been called weird." Sabi niya at tumingin sakin saglit na naka-smirk.
Okay! Ako na ang talo! Ako na ang talunan! Ako na talaga! Ako na!!!
"Tss. Okay, you win. Whatever." Sabi ko sabay irap.
"Tampo ka na niyan?" Tanong niya na medyo may lambing.
"Hmp!" Sabi ko sabay roll eyes. Ano tingin niya sakin? Bobo? Tss.
Nagulat ako nung bigla nalang nagstop ang kabayo kaya napayakap na naman ako sa kanya.
"Ano ba?! Gusto mo ba akong patayin?!" Napasigaw ako ng di oras sa kanya. Paano ba naman, kung hindi mabilis yung galaw ko para yakapin siya, nahulog na ako.
"Bakit? Hindi ka naman nahulog ah?" Tanong niya sabay kunot noo. Ahhhh!!!! Ang slow nitong lalaking ito!
"Muntik na akong mahulog kanina alam mo ba iyon?!!!" Sigaw ko sabay baba ng kabayo kaya bumaba din siya at nakita ko ang mukha niyang nagtataka pa din.
"Muntik lang naman yun diba? Hindi ka naman na hulog eh." Sabi niya.
"Arrrghhh! Naturingan pa naman kang Top 1 sa klase pero ang bobo mo! Mas bobo ka pa kesa sakin alam mo yun?!" Sabi ko sabay walk out.
BINABASA MO ANG
𝙵𝚛𝚒𝚎𝚗𝚍𝚜𝚑𝚒𝚙 𝚘𝚛 𝙻𝚘𝚟𝚎
Teen FictionMost people get confused about the difference between Friendship and Love. Minsan nahihirapan tayong alamin kung ano ba talaga ang isang tao para sa atin. Kaibigan mo lang ba o mahal mo na? Mahal mo ba talaga o kaibigan lang? May iba din na akala mo...