Say you love me

282 8 0
                                    

Saph's POV~~

"Eto kayang black??" Tanong niya habang tinuro ang damit na kulay black.

"Wag yan!!!" Sabi ko sabay tapik sa kamay niya.

"Hindi ba siya mahilig sa black??" Tanong ni Max.

"Sa tingin mo?? Ganong babae mahilig sa black??" Tanong ko at tinaasan ko siya ng kilay.

"Tsss.. Pasensya na tao lang.." Sabi niya sabay kamot sa batok.

Kung nagtatanong kayo kung ano ang ginagawa namin ni Max, well nandito kami sa mall bumibili ng something para kay Bessiie kasi part ito sa panliligaw niya.

Kung nagtatanong din kayo kung nasasaktan ako ngayon, ang isasagot ko lang diyan ay... Ewan ko. But for now, nag eenjoy akong tulungan siya sa panliligaw :))

"Wag nalang kaya dito. Doon nalang tayo sa mga accessories." Sabi ko sabay hila kay Max.

"Mahilig ba iyon sa accessories?? Parang hindi naman eh! Hindi ko siya nakikita nagsusuot ng ganyan.." Takang tanong niya kaya bahagya ko siyang binatukan.

"Ano ka ba naman Max! Lahat ng babae gusto ng accessories, pero syempre iba iba ang theme ng design.." Sabi ko sabay roll eyes.

"Sorry naman! Tao lang eh!" Sabi niya.

"Tsss.. Sige na nga pili na tayo.." Sabi ko.

"Yan oh!" Sabi niya habang tinuro yung heart shape na kwintas.

"Huwag yan! Masyadong girlie.." Sabi ko sabay iling.

"Ay! Bakit?? Boyish ba si Aica KO??" Sabi niya.

"Wow! Kung maka 'KO' ka naman ah! Sayo na ba si Bessiie??" Tanong ko habang nakapamewang.

"Magiging akin pa lang.." Sabi niya sabay kindat.

"Tsss..." Okay! Ako na bitter!  =____=

"Oh? Bakit busangot yang mukha mo?" Tanong niya habang tinititigan ang mukha ko (>/////<)

"Tsss walaaaaaa!" Sabi ko sabay layo sa kanya pero naramdaman ko na hinawakan niya ang kamay ko.

"Hoy! Huwag mo naman akong iwan Bestfriend." Sabi niya sabay pout.

"TSss.. Hindi kita iiwan.. Pupunta lang ako dun para mamili.." Sabi ko.

"Eeeeeeeh!!! Basta!! Huwag kang lalayo!! Dito ka lang!!" Sabi niya sabay hawak sa kamay ko ng mahigpit.

"Wow!!!  Nanay mo ko??" Tanong ko habang nakataas ang kilay.

"Hindi..." Sabi niya.

"Eh?? Bakit parang ayaw mo akong humiwalay sayo??" Tanong ko.

"Ang magkakaibigan dapat hindi naghihiwalay.. dapat forever yun.." Sabi niya sabay ngiti kaya ngumiti na rin ako.

Ewan ko ba kung masaya ba ako o malungkot. 

Masaya ako kasi hindi niya ako kayang iwan, kasi mahalaga ako sa kanya.

Malungkot ako kasi bilang kaibigan lang ako sa kanya.

"Huwag mong kalimutan ang promise natin ah!" Biglang sabi niya.

"Bakit ko naman kakalimutan??" Tanong ko.

"Wala lang. Gusto ko lang makasigurado." Sabi niya at ngumiti.

"Bakit importante sayo yung ganito?? yung promise natin?? at a-ako??" Tanong ko.

𝙵𝚛𝚒𝚎𝚗𝚍𝚜𝚑𝚒𝚙 𝚘𝚛 𝙻𝚘𝚟𝚎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon