Saph's POV
Pumunta ako sa bar.
I know I'm not a typical girl who goes on a bar like this pero ewan ko kung bakit ko naisip na pumunta dito. I'm broke, and I feel that I need some alcohol to drink. Sabi kasi nila makakalimot daw ang tao sa pamamagitan ng pag inom.
Why not try diba? I just want to forget, kahit ngayon lang.
Pumasok ako sa loob ng random bar na ito. Sa labas palang ang ingay na at amoy na amoy mo talaga yung alak na galing sa loob.
Pagkapasok na pagkapasok ko ay nakita ko kaagad ang lugar na over crowded. Meron disco lights at maraming nagsasayaw. Ang wa-wild nila. May nagme-making out pero agad kong iniwas ang tingin sa kanila kasi I remember him sa kanila.
Oh and by the way ang background music pala dito ay On the Floor.
Pumunta ako sa stool bar at umupo doon. May lumapit sa akin na bartender. Cute at gwapo siya pero ewan, bakit ko ba sinasabi yan? Tsk!
"Anong drinks po Maam?" Tanong niya at nag smile. Cute.
"Ahmm.. Kahit ano basta hard drink." Sabi ko. Hindi ko naman kasi alam kung ano ang liquors nila eh. First time ko pa nga diba?
"Ahh Maam. Mukhang minor pa po kayo eh." Sabi ni Bartender na Cute. Haay. Kailangan ko pa ba nag mag acting dito?
"Mukha ba akong minor? Well, thanks. Pero hey! Hindi ako minor, pero kung hindi ka maniniwala, I will talk to your manager at isusumbong kita about interviewing me some non-sense questions instead of following my order. Alam mo namang Costumers is Always Right diba?" Sabi ko at nag-akto na tatayo pero agad niya akong pinigilan.
"A-Ah O-Opo, Maam. Hindi na po." Sabi niya.
"Good. Susundin naman pala ako eh, pinahaba pa." Sabi ko sabay roll eyes.
"O-Opo. K-Kukuha na po ako ng hard liquor." Sabi niya at dali daling umalis sa harapan ko.
Tsk! Kailangan ko pa talaga umakto para sumunod siya? Tss. Such a pathetic bartender.
Maya-maya ay dumating na din ang bartender dala dala ang isang alak. I dont know what's this is pero I dont care. Tinungga ko ang isang shot. Medyo mapakla pero kinaya ko pa rin.
"Hey! Get me more." Utos ko.
"Yes Maam." Sabi nung bartender at lumayas na.
Medyo sumakit yung ulo ko siguro epekto ito ng alak. I feel dizzy. Bigla akong nalinawan dahil sa nakita. Wait! That person is familiar? ----- Yes! Siya nga!
"Peter! Peter!" Tawag ko sa di kalayuan na si Peter na kakapasok lang sa bar.
Nagulat siya nung napatingin siya sakin. He looked at me worriedly pero I just reply with a smile. Lumapit siya sakin at umupo sa tabi ko.
"Why are you here Saphire?" Tanong ni Peter.
"Oh? Naalala mo pa pala ako Peter? Hahaha." Sabi ko at tumawa.
"Wait? You drink? May problema ka ba?" Nag-aalalang tanong niya pero ngumiti lang ako at hindi pinansin ang tanong niya.
"Alam mo, mabuti ka pa. Kahit isang beses lang tayo nagkita, naaalala mo pa ako hanggang ngayon. Pero bakit ganun? Bakit si Mahal ko hindi niya ako inaalala. Bakit siya wala dito? Hahaha ang saya diba?" Tanong ko at ngumiti ng malapad. Hahahaha.
Peter's POV
"Alam mo, mabuti ka pa. Kahit isang beses lang tayo nagkita, naaalala mo pa ako hanggang ngayon. Pero bakit ganun? Bakit si Mahal ko hindi niya ako inaalala. Bakit siya wala dito? Hahaha ang saya diba?" Tanong niya at ngumiti ng malapad.
BINABASA MO ANG
𝙵𝚛𝚒𝚎𝚗𝚍𝚜𝚑𝚒𝚙 𝚘𝚛 𝙻𝚘𝚟𝚎
Teen FictionMost people get confused about the difference between Friendship and Love. Minsan nahihirapan tayong alamin kung ano ba talaga ang isang tao para sa atin. Kaibigan mo lang ba o mahal mo na? Mahal mo ba talaga o kaibigan lang? May iba din na akala mo...