Saph's POV
“Max…”
Nanghihina na ako. Parang any minute pwede na akong babagsak gaya ng pagbagsak ng mga luha ko.
Unti unti siyang lumapit sakin, ako naman nag step backward tapos siya naman forward. Ganun lang ginagawa naming hanggang sa hinawakn niya ang dalawang balikat ko at bigla niya akong niyakap.
“M-Miss na k-kita.. S-Sorry Saph. S-Sorry.” Bagsak na boses ang lumabas sa bibig niya habang niyakap ako. Mas lalo naman akong naiyak.
“M-Mark… B-Bakit? B-Bakit ka bumalik?! BAKIT KA PA BUMALIK!” Sigaw ko sa kanya at tinulak siya palayo.
Nakita ko sa mga mata niya ang mga bumaksak din na mga luha.
“Sorry Saph. Ang g*go ko kasi sinaktan kita. Sinaktan ko ang babaeg mahal na mahal ko. Sinaktan ko ang Phire ko.” Sabi niya at lumakad ulit palapit sakin. Siguro 1 inch nalang ang pagitan namin.
“M-Mahal? Huh? Mahal ba ang tawag mo dun? Pinagpustahan niyo ako! Sinabi mo pa sa harapan ko na niloko mo ako tapos yan ang sasabihin mo?! Yan pa ang pagmamahal huh? Mark?!” Galit na sabi ko sakanya habang sinuntok suntok ko siya sa dibdib niya.
“Hindi ko sinasadya yun. Oo, totoo na pinagpustahan ka naming pero hindi ko ine-expect namahuhulog ako sa iyo Phire. Ang g*go ko kasi iniwan kita. Na realize ko na mahal nap ala kita nung umiyak ka. Nasasaktan din ako nun, pilit kong pagaanin ang loob ko na hindi totoo ang nararamdaman ko para sa iyo kaya lumayo ako. Pero alam mo ba kung ano ang resulta? Palagi nalang ikaw ang nandito *turo niya sa ulo niya* at dito *turo niya sa puso niya* Araw araw palagi kitang iniisip. Yung mga tawa mo, yung mga kulitan natin, yung mga iyak mo pero kahit ganun maganda ka pa rin, yung magandang boses mo palagi kong naririnig kahit saan man ako mapadpad. Mahal na mahal kita Phire. Mahal na mahal kita mahal ko. S-Sana, p-patawrin mo ako.” Sabi niya na umiyak at yumuko.
Bakit ganun? Bakit parang naawa ako? Bakit ang lakas ng pintig nitong puso ko? Bakit?!
Bakit nasasaktan pa din ako?!
“E-Ewan ko Mark. Ewan ko. Sinaktan mo ako ng sobra. Do you think I will forgive you that easily? Alam mo ba kung gaano ako naghirap noong iniwan mo ako? Halos hindi na ako makakain, halos hindi na ako lumalabas ng kwarta at doon buong araw umiiyak. Alam mo ba kung gaano ako kahina nung mga panahon na iyon? Alam mo ba iyon ha?! Alam mo bang ang sakit sakit nun?! Nadamay pa nga si Bessiiee at ang pamilya ko kasi nag-aalala sila para sakin! Pati sila nadamay dahil sa katangahan ko! Katangahan kong mahalin ang isang katulad mo na ginawa akong tanga at parang ginawang basura na basta bastang tinapon. Do you know how I suffered that time huh!? Parang pinatay mo ako Mark! Pinatay mo ako that time! Tapos ngayon na naka-move on na ako, ipaparamdam mo ulit ito sakin?! Bakit ba ang selfish mo! At bakit ka pa kasi bumalik huh!? Gusto mo ba ulit akong masaktan!!!” Sigaw ko sakanya at napaupo nalang ako sa sahig at umiyak.
“S-Sorry. Alam kong hindi sapat ang sorry na iyon dahil sa ginawa ko sa iyo. Ang g*go ko! Mahal na mahal kita Phire! Kahit anong mangyari ikaw pa din! Sorry kung sinaktan kita. Sorry kung ginawa kitang tanga! Sorry kung ginago kita noon! Pero sinasabi ko sa iyo ito kasi alam ko, mahal kita! Mahal na mahal na mahal na mahal kita! Kahit ipagtabuyan mo pa ako, hinding hindi ako titigil para mapasakin ka muli. Gusto kong bumawi sa iyo Phire. I want us to forget what happened in the past. *Itinayo niya si Saph at hinawakan sa kamay* I want us to start a new relationship between us. Kahit friends lang muna, basta nandito pa rin ako for you.” Sabi niya at umiyak at niyakap ako.
Naiiyak na din ako! Bakit parang gumaan ang nararamdaman ko?
Bakit parang binunutan ng milyong milyong tinik dito sa puso ko at pinalitan ng ligaya at pagmamahal?
BINABASA MO ANG
𝙵𝚛𝚒𝚎𝚗𝚍𝚜𝚑𝚒𝚙 𝚘𝚛 𝙻𝚘𝚟𝚎
Teen FictionMost people get confused about the difference between Friendship and Love. Minsan nahihirapan tayong alamin kung ano ba talaga ang isang tao para sa atin. Kaibigan mo lang ba o mahal mo na? Mahal mo ba talaga o kaibigan lang? May iba din na akala mo...