Saph’s POV
OMG! OMG! OMG!
Ano ang gagawin ko?!
Ngayon na ang meet up namin ni Mr. Secret Admirer! Ano ang gagawin ko?!
Nasa classroom pala ako. Maaga kasi akong pumunta rito para paghandaan ang meet up namin kaya walang masyadong tao ngayon.
Ngayong lunch na kami magkikita. Hindi ko keri!!!
Ewan ko ba sakin kung bakit parang may something sa meet up namin. Parang may mangyari.
Butterflies are all over in my stomach. Parang gusto kong maihi sa sobrang kaba na nararamdaman ko ngayon.
Sino ba kasi siya? Tsk! Malalaman ko din yun mamaya.
---------------------------
Buong klase ay hindi kami nagkikibuan ni Max.
Siguro about yun sa sagutan naming kahapon. Nakakakonsensya talaga. Nagpromise paman kami sa isa’t isa na hindi kami maghihiwalay. Pero anong ginagawa naming ngayon? Nagaaway. *sigh*
Hindi ko mapigilang mapatingin sa kanya.
God knows how I miss him.
“M-Max…” Tawag ko sa kanya at lumingon naman siya with his cold face.
“What?” Cold niyang sabi. Gosh! I’m not used him being like this.
“I’m sorry. I’m sorry kung nasigawan kita kahapon. Sorry kung hindi ko naramdaman yung pag aalala mo sakin. And I appreciate it, very. I’m so sorry bestfriend, hindi na iyon mauulit. Promise.” Sabi ko sa kanya with promise sign pa yan ah.
Pero imbis na sagutin niya ako, sinubsob niya ang mukha niya sa table.
“Huy! Sorry na Max.” Sabi ko at tiunapik tapik siya.
“Huy! Max naman eh! Sagutin mo na-----“ Napahinto ako sa narinig ko.
*sniff* *sniff*
U-Umiiyak ba s-siya?
Hindi ko alam kung matatawa ba ako kasi umiyak siya o maaawa dahil alam kong ako ang dahilan?
“U-Umiiyak ka ba? Max?” Tanong ko.
“Uy~ Sagutin mo naman ako bestfriend.” Paglalambing ko sa kanya habang niyakap siya sa likod.
“Bestfriend naman eh~ Sorry na kasi~ Nadala lang naman kasi ako sa sinabi mo eh~ Akala ko sinusumbatan mo lang ako, hindi ko naman kasi alam na pinoprotektahan mo lang ako sa Secret Admirer ko eh~ Atsaka gusto ko naman din Makita yung Secret Admirer ko.” Sabi ko. Nakita ko naman na bahagya siyang napa angat ng ulo. Nakita ko naman sa mukha niya—sa pisngi na umiyak nga siya.
Ang OA pala niya…
“Bakit? Bakit mo ba kasi gusto Makita yung Secret admirer mo nay un? Huh? Hindi pa ba ako sapat para hindi mo na siya dapat Makita pa? May kulang pa bas akin Saphire? Huh? Sabihin mo!” Pagdadrama niya.
*Poker Face* Ang OA niya huh? Grabe naman ito makapag react! Parang boyfriend ko. Tsk!
“OA mo bestfriend! Syempre ikaw lang no! Ikaw lang ang nag iisang lalaking bestfriend ko kaya huwag ka nang magdrama diyan! Hindi bagay!” Sabi ko habang pinunasan ang luha niya pero bigla niya akong hinawakan sa kamay.
“Saph, sorry. Akala ko kasi kapag nakita mo na yung Secret Admirer mo ay hindi mo na ako papansinin, diba? Kasi kapag nagkita kayo, may posibilidad na maging kayo at hindi mo na ako papansinin. Ayoko lang na malimutan mo yung promise natin Saph. Selfish na kung selfish pero yun ang nararamdaman ko eh, ayokong mawala ang kaisa-isang bestfriend ko. *sigh* Simula kasi nung namat ang kapatid kong babae ay wala nang saysay ang buhay ko pero nung dumating ka parang naalala ko yung kapatid ko sayo. Ayokong iwan mo din ako katulad ng ginawa niya. H-Hindi ko kaya.” Pagkwento niya at parang basag na basag ang boses niya kaya niyakap ko naman siya.
BINABASA MO ANG
𝙵𝚛𝚒𝚎𝚗𝚍𝚜𝚑𝚒𝚙 𝚘𝚛 𝙻𝚘𝚟𝚎
Teen FictionMost people get confused about the difference between Friendship and Love. Minsan nahihirapan tayong alamin kung ano ba talaga ang isang tao para sa atin. Kaibigan mo lang ba o mahal mo na? Mahal mo ba talaga o kaibigan lang? May iba din na akala mo...