(A/N: Nasa media po ang song ng chapter na ito kaya paki play po para mas madrama. XD)
Saph's POV~~
Alam kong mamahalin at mamahalin din ni Bessiiee si Max...
And I'm happy for them :))
Kahit masakit, I will do my very best to support them.
Nandito nga pala ako sa bahay, naglilinis. Wala kasing magawa kaya naglinis na lang ako ng kwarto ko.
Naglilinis ako ng buong kwarto at kinuha ko na ang box na nilagyan ko ng hindi na kailangan na mga damit ko.
Pumunta ako sa atique o bodega para ilagay ito doon.
Pagpasok ko, nilagay ko ang box sa ilalaim sa mesa. Sa di inaasahan nakita ko ang isang box, isang box na may nakalagay na "Mark <3 Saph Memories"
Hindi ko alam ang ginagawa ko kasi dinala ako ng mga paa ko papunta palapit sa box na iyon.
Hinawakan ko ito at dinala sa kwarto ko. Napaupo nalang ako sa kama habang buhat buhat ang box.
Binuksan ko ito at hindi ko na napigilan ang pag agos ng mga luha ko.
Nakita ko ang teddy bear na binigay niya sakin nung first day ng panliligaw niya sakin.
****FLASHBACK****
Saan na ba yung lalaking yun!
First day na first day sa panliligaw, pinaghintay ako! At inuna pa ang basketball =____=
Haaay. Mauna na nga ako. Pa promise promise pa siyang ihatid ako hindi naman pala kayang gawin.
Aalis na sana ako ng may yumakap sa likod ko. Ramdam ko yung init at pawis ng katawan niya at ang hininga niya na parang kakagaling sa pagtakbo.
"S-Sorry a-at l-late a-ako.." Bulong niya habang hingal ng hingal.
Kumalas ako sa yakap at humarap sa kanya. Kita ko ang isang napakagwapong lalaki na pawis na pawis habang nakajersey pa din at tama nga ang hinala ko na galing sa sa kakatakbo.
"Bakit ang pawis pawis mo?? Halika nga.." Sabi ko at kinuha ang panyo ko at pinunasan ang mukha na puno ng pawis.
"Naalala ko kasi na ihahatid pala kita. Mahirap na baka bustedin mo na ako, kabago bago ko palang at first day pa akong nanligaw sayo, late na agad." Sabi niya.
"Tssss... Sa susunod sabihin mo na lang sakin ah kung malalate ka para naman ako nalang ang pupunta sayo sa Basketball Court." Sabi ko.
"May pasalubong pala ako sa iyo.." mahinang sabi niya at yumuko.
"Ano naman yun??" Tanong ko.
May hinawakan siya mula sa likod at iniharap sakin isang.......... Teddy Bear???
"Eto.. S-Sorry kung y-yan l-lang ang maibigay ko.. B-Busy k-kasi.. Sorry.." Sabi niya at yumuko.
Napangiti naman ako sa gawi niya. Kahit sobrang busy niya nag abala talaga siyang bigyan ako niyan.
Basketball player kasi siya at siya ang team captain tapos isa pa siya sa mga Student Council dito at President pa siya sa room namin. Gwapo at Matalino kasi itong si Mark at hindi din mapigilan na maraming umaaligid sa kanya na babae. Nakakainis din yun.
"Ano ka ba! Okay lang no. Basta para sayo, iingatan ko ito." Sabi ko at ngumiti kaya napangiti na din siya.
"Kaya nga mahal kita eh!" Sabi niya at niyakap ako.
BINABASA MO ANG
𝙵𝚛𝚒𝚎𝚗𝚍𝚜𝚑𝚒𝚙 𝚘𝚛 𝙻𝚘𝚟𝚎
Teen FictionMost people get confused about the difference between Friendship and Love. Minsan nahihirapan tayong alamin kung ano ba talaga ang isang tao para sa atin. Kaibigan mo lang ba o mahal mo na? Mahal mo ba talaga o kaibigan lang? May iba din na akala mo...