Epilogue

69.3K 2.5K 1.3K
                                    

Thank you at nakaabot ka hanggang dito♥️

Zoey's PoV:

Many things had happened for the past few months or years rather. Taon na pala ang nakalipas. Up until now ay hindi pa rin ako makapaniwala that Samantha's now my wife and we already had our first child. It felt so unreal.

Yup. Tama kayo nang pagkakabasa. Successful ang pagkakadeliver ni Samantha ng bata. I still remember how I felt that day. Grabeng kaba ang nararamdaman ko. Hindi ako mapakali knowing that she's at stake. Thank God at naging maayos naman ang lagay ng mag-ina ko. I really cried the first time that I held my child on my arms.

Our relationship for the past few years are getting much stronger. May times na nag-aaway kaming dalawa. Mild lang naman. May pagkaselosa pa rin si Samantha and I really understand thaat side of her. Lastly, never nawala ang lahi nyang demonyitang dragona. Natural na ata yun hahaha.

Naputol ang aking pag-iisip nang marinig kong may tumawag sa akin.

"Zoey...Love.." Napapikit ako nang mariin. Andon pa rin yung kilig. Naramdaman kong inihulig nya ang kanyang ulo sa aking balikat.

I looked at her. "What is it?" I gently kissed her head. Nakita kong sumilay ang  maliit na ngiti sa kanyang labi. Uh-oh. Mukha atang alam ko na kung anong ibig sabihin non.

"Can you buy me an Ice Cream? Yung matcha flavor sana." She asked. Aish. Sabi ko na nga ba eh. I sighed in relief. Mabuti na lang at hindi masyadong mahirap ang pinapabili nya ngayon.

After 1 year, we both decided na sundan na agad si Keziah. It's a girl. At halatang kamukhang-kamukha ni Samantha  i'm just silently praying na sana ay hindi nya mamana ang kamalditahan ng asawa ko.

Baka next year ay buntis na uli si Samantha. She wants us to have 3 kids. Mas maganda rin yun dahil hindi naman magkakalayo ang edad ng mga anak namin. Of course, payag naman ako.

She's now on her first trimester. Tapos na rin ang morning sickness nya. May times na lang na nahihilo sya sa umaga. She's now experiencing the weird cravings. May mga pagkakataon oa ngang ginigising nya ako ng madaling-araw eh.

"Yun lang ba Samantha?" I asked making it sure. She's nodded her head na para bang bata. I giggled because of that. Ang cute.

One of the great effects of her being pregnant is nakikita ko ang iba't iba nyang side.

"Okay. Wait me here. I'll be quick." She quickly gave me a kiss on the cheek. Hinalikan ko muna sa pisngi si Keziah bago tuluyang umalis. Keziah's peacefully sleeping now. And trust me, ang cute cute nya. Medyo makulit lang kapag gising.

I make my way towards the nearest grocery. Ilang sandali pa ang nakakalipas at nandito na ako agad. Mabilis na kinuha ko ang pinapabili ni Samantha. Gosh. For me, I don't really like the matcha flavor. I also bought fruits para healthy din.

I'm quite relieved nang makitang wala masyadong tao ang nasa counter.

"Miss, nakakita ka na ba ng demonyitang dragona?" Seryoso ang mukha kong tanong. Andito na ako ngayon at pinapunch na ng staff ang mga pinamili ko.

"Huh? Meron bang ganon Ma'am?" Nagtataka nitong tanong. She's clearly have no idea on what I'm talking about. Mygoodness. She's taking quite a little time.

"Oo meron. Mameet mo sya kapag hindi mo pa tinigil ang pagpapacute mo." With that, nakita ko kung paano sya nataranta bigla. I'm just saying the truth. Aba, ayaw ko kayang mapagalitan ng asawa ko.

"Ito na ang bayad. Keep the change na lang." Iniabot ko ang 5K at tuluyan nang umalis. While I'm driving back to our house, hindi ko maiwasang kabahan. I just hope na busy si Samantha para hindi nya mapansin ang oras.

Crook the HomophobicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon