Chapter 52: Revelations

51.7K 1.9K 3.1K
                                    

Zoey's PoV:


"Ano ba! Get off me nga!" Maririnig ang malakas na halinghing ni Francine sa byong cathedral. Pinipilit nya pa ring makaalis sa pagkakahawak ni Samantha.


"Okay fine, sabi mo eh. May kunting awa pa naman ako sayo bitch." After Samantha said that, mabilis na binitawan nya si Francine at itinulak sya.  Now, Francine's on the floor.


Halos lahat ng mga mata ng mga tao ay nakatutok sa kanilang dalawa. I gulped. Ang intense ng sagupaan nila ngayon. Para kong nanonood ng live movie at silang dalawa ang bida.


"You're really a gate crasher. Ang lakas ng loob mong sirain ang kasal namin ni Zoey." Mariing saad ni Francine. Dahan-dahan syang tumayo. Now, they're facing each other at nasa gitna silang dalawa.


"Sinusundo ko lang kung sino ba ang akin. Tapos na ang free trial mo sa kanya." Samantha said in a duh tone. She even flipped her hair. 


Napasimangot naman ako dahil don. Ano ako? Skin sa ML na free trial lang? Hmp. Pero kung si Samantha ang nagsabi, sige na nga.


With that, I saw the latter shooked her head na para bang nang-aasar pa. "You look like the insane ex na hindi makaget-over sa past lover nya. Sinong mas despereda sa ating dalawa? Isn't you who put an end on your relationship?"


"Shut the fuck up Francine! Hindi valid ang opinyon mo dahil papansin ka." My wife said. She rolled her eyes. Dahan-dahan syang naglakad papalapit kay Francine. Kakaunti na lang ang distansya nilang dalawa sa isa't-isa.


"Baka isampal ko sayo ang marriage certificate namin ni Zoey." Mapanghamong saad ni Samantha. Narinig kong napasinghap ang ilan dahil sa sinabi nya. Well, me too. My mouth parted a little. I didn't expect na sasabihin nya yun sa public.


Napalinga-linga sya sa paligid. "Yes, what you've heard is the truth. Infact, ito pa nga ang singsing naming dalawa oh." She raised her finger. At nandoon nga ang engagement ring namin.


To be honest, hindi ko naman tinapon ang ring namin. I used it as a pendant of my necklace.


Nagbaling muli ng tingin si Samantha kay Francine. "You know, hindi na talaga pwedeng ikasal ang taong may asawa na. Pinapatunayan mo lang na desperada ka Francine. Never kang mananalo sa akin."


I was expecting that she's gonna back out now. "Really? Si Zoey kasal? Sinong niloko mo?" Nakita kong sumilay ang mapaglarong ngisi sa labi ni Francine. She laughed devilishly.


Hindi ko maiwasang mapakagat-labi. Is there a chance na alam nyang hindi totoo ang kasal namin ni Samantha? Kung oo man, paano? If I know, 3 lang kaming nakakaalam non. Yung isa ay yung judge na binayaran ni Samantha.


"Alam kong peke lang ang kasal nyong dalawa." Francine said. I mentally groaned. Fuck. Alam nya nga. "Hindi ba't binayaran mo ang judge para hindi iregister ang kasal nyong dalawa?"


Nakita ko kung paano nagtangis ang panga ni Samantha. Nakakuyom ang kanyang kamao na para bang anytime ay pwedeng-pwede na syang manuntok. Parang may nakikita akong imaginary dark aura na nakapalibot sa kanya ngayon.


"I feel pity for you Francine. Kukuha ka na nga lang ng impormasyon, mali-mali pa." Samantha's Dad suddenly interrupted. Umiling-iling pa sya na para bang nadidismaya. Lahat ng atensyon namin ngayo'y nasa kanya nya.


Napakunot-noo ako dahil don. What does he mean by that? I'm eager to know the truth.


"I know from the start na gagawin yun ng anak ko. So I paid the judge much bigger to make sure na nakaregister ang kasal nila." Seryoso nitong saad. Automatic na nanlaki ang aking mata sa gulat. Fuck. Is that for r-real? I hope that this is not a dream.


Crook the HomophobicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon