Chapter 36: Fashion Show Event

45.2K 1.7K 1.2K
                                    

Zoey's PoV:


I looked at my wristwatch. It's already quarter to 5pm. I think kailangan ko nang mag-ayos. I stood up and took a bath. Ang sarap talaga sa feeling. Ang refreshing.


After that ay dumiretso na ako sa aking walk-in closet. Ilang minuto ang nakalipas at nakapili na rin ako ng aking susuotin. Of course, it's a fashion show kaya kailangang hindi rin ako magpahuli noh.


Now, I'm busy staring myself at the mirror. I applied a light make-up to myself. My outfit today really suits me. Oh well, ganyan talaga siguro kapag maganda.


Ilang minuto muna ako naglagi sa harap ng salamin bago mapagdesisyunan na umalis na. I took my Chanel Flap Bag na naglalaman ng mahahalaga kong bagay tulad ng wallet at cellphone.


Sinigurado ko munang nakalock ang pintuan ng bahay namin bago ako tuluyang umalis.


I think, mga hatinggabi pa naman uuwi si Samantha. She'll probably stay at her office. At ang ending, hindi na naman kami magkikita. Hayst. Namimiss ko na sya.


Mabilis na sumakay ako sa aking sasakyan at nagsimula nang magmaneho papunta kay Abby. I'm just gonna fetch her now. Sinend nya na rin naman na sa akin ang kanyang address kaya hindi na ako mahihirapan pa.


Minutes later, I'm already here infront of her house. It's a 3-storey house. At napaka-modern ng style.


Lumabas ako ng aking sasakyan at nagdoor-bell sa kanila.


Maya-maya pa ay lumabas na rin si Abby ng pintuan. Hindi ko maiwasang pasadahan sya ng tingin. She's really gorgeous, no doubt about thay. Pwedeng-pwede na syang pumasa bilang isang model.


"Wow, you look stunning." Wala sa sarili kong saad. Hindi ko man lang namalayan na nasa harapan ko na pala sya.


I heard she giggled. "Ingat, bawal kang ma-fall sa akin. Aba, baka masampal na naman ako ng girlfriend mo." Natatawa nitong saad. She even playfully winked at me.


Napakamot naman ako sa aking batok. Aish. I still remember that day. Hindi pa pala ako nakakapagsorry sa kanya.


"Ako na ang humihingi ng pasensya kay Samantha. Mahirap talaga syang galitin. Lumalabas ang pagka-dragona nya." I said in a low tone.


Nahihiya talaga ako kay Abby. Imagine, ang dami nyang inabot na sampal. At sinabunutan pa sya ni Samantha nung last silang nagkita. Paniguradong masakit yun noh.


"Ano ka ba, wala yun. Okay lang." She said and while patting my shoulder. Parang nakahinga naman ako nang naluwag dahil don. I just hope na hindi na maulit ang nangyari sa restaurant.


"Atsaka, atleast may napatunayan na talaga tayo. Samantha's really not straight. And of infact, nakakatakot nga syang magalit at magselos." Dagdag pa nya.


My eyes widen in shock and my mout gaped with that. What the? Hindi ko yun ineexpect ah.


"How did you know that?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Gosh. Abby's really unpredictable. Ang dami nyang alam.


"Secret." She said while smirking peacefully. "We should get going. Sige ka, baka mamaya makasalubong natin si Samantha."


Mabilis na napaayos ako ng tayo at pinagbuksan sya ng pinto. Sana naman ay hindi magkatotoo yung sinabi nya. Nako, lagot na naman kami nito kapag nagkataon.


Our roadtrip went well. Panay kasi ang kwentuhan namin ni Abby ng kung ano-ano. Ilang minuto ang lumipas at narito na rin kami sa venue ng Fashion Show.


Crook the HomophobicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon