Zoey's PoV:
Mabilis na nagmaneho ako papunta sa bahay ni Dad. Abot-abot na kaba ang nararamdaman ko ngayon. I'm really nervous. Minsan nya lang ako gustong kausapin, and worse, it's something that I should be ready for.
I heaved a sigh. Sana naman ay makayanan ko ang gusto nyang sabihin. Today's too much. Ayoko nang madagdagan pa ang iisipin ko. Tama na munang si Samantha lang.
God knows how much I love her. How I wish that this day is just a dream. My heart's keeps on hurting whenever I'm thinking of her.
Ilang minuto lang ang nakalipas at narito na rin ako. Nakasunod lang sa likuran ko si Francine kaya halos magkasabay lang kaming dumating dito sa bahay ni Dad.
"Hey, don't worry. It's gonna be fine Zoey. I'm here." She said. Mukhang naramdaman nya ata na kinakabahan ako.
I smiled at her. "Thank you Francine." Parang gumaan ng kaunti ang pakiramdam ko. I'm really grateful na nandito sya ngayon.
I composed myself first at nagsimulang maglakad papasok sa loob ng bahay ni Dad. Nothing much changed on it through the years. Mas lalo lang nag-improve ang interior at furniture.
Binabati rin kami ni Francine ng mga maid na nakakasalubong namin. I just nodded my head as a sign of appreciation.
"Ma'am Zoey, nasa library na po ang Daddy nyo. Kanina nya pa po kayo inaantay." It was his assistant.
"Thank you po Kuya for informing me." After I said that, we quickly made our way to the place kung saan naroroon ang Dad ko. Sabay na nagkatinginan kami ni Francine nang nasa harapan na kami ng pintuan.
This is it. I need to be brave. I need to prepare myself.
Isang malalim na buntong-hininga muna ang aking pinakalawan bago napagdesisyunang pumasok sa loob.
"You're already here, my child." Ang unang bati sa akin ni Dad. Agad na sumalubong sa akin ang seryoso nyang mukha.
I almost cringed when I heard what he called me. O baka, hindi lang talaga ako sanay.
"Take a sit. Isama mo na rin si Francine sayo." Tahimik na sinunod ko ang sinabi nya. Me and Francine sat on the couch across his table.
I started to scanned the surroundings when something— I mean someone took my attention. Hindi ko maiwasang magtaka nang mapansin kong narito si Chelsey. Anong ginagawa nya rito?
She's in the second floor of the library at kausap nya ang asawa ni Dad. You can't deny na may similarities talaga ang features naming dalawa. When suddenly, I realized something. Automatic na nanlaki ang aking mata.
Oh shoot! Is there a chance na alam na ni Dad na anak ko si Chelsey? Kaya ba pinapunta nya ako rito?
Ramdam na ramdam ko ang panlalamig ng buo kong katawan sa ideyang yun. I'm doomed.
"Mukhang may alam ka na siguro kung bakit kita pinatawag dito." Naputol ang aking pag-iisip nang marinig kong nagsalita si Dad. Wala akong nakikitang emosyon sa kanyang mukha.
"Hanggang kailan mo balak itago sa akin to Zoey?"
I gulped. I'm starting to get anxious. Gusto kong malaman kung paano nya nalaman. "D-Dad, I can explain. Lately ko lang naman nalam——"
"O baka naman kasi gusto mong lumaking bastardo katulad mo ang bata." Her wife interrupted what I should say. Dahan-dahan syang bumaba ng hagdanan kasama si Chelsey.
BINABASA MO ANG
Crook the Homophobic
RomanceSamantha Laurent, a homophobic bitch. 33 years old. She owns various business. Malaki ang galit nya sa mga babaeng pumapatol din sa kanyang kapwa. A gorgeous woman and a body to fantisize for. It's been a while since nakipaghiwalay si Alexander Del...