Chapter 23: Surprise Visit

49.8K 1.9K 388
                                    

Zoey's PoV:


"Kakaunti lang ang supply. Bababa ba ang price ng product kapag tumaas ang demand nito?" I asked my students. It's our lesson for today. Actually, pinasadahan lang namin ang topic na to since I know that it was already tackled to them.


Someone raised her hand. "Yes Miss Roxas?"


"No Ma'am. Tataas po ang price ng isang product since mag-uunahan po silang bilhin yun dahil kailangan nila. Idagdag pang, paubos na rin ang supply non." She answered.


Napatango-tango ako. Hindi ko maiwasang mapangiti. "Nice answer Miss. Good job." Maganda ang pagkaka-explain nya. Malinaw na malinaw at madaling intindihin.


I gave her a nice score. Actually, considerate teacher naman ako. Alam kong may mga students ako na alam ang sagot pero nahihiya lang silang magsalita. I want to encourage them to speak for themselves.


"Next group please." I said. Well, umextra lang talaga ako sa pagdidiscuss. Group reporting ngayon.


Tumayo na ang susunod na grupo while I'm here, attentively listening to them. I'm using this way dahil mas napapractice nila ang communication skills nila. Mas napapa-improve pa nila ito.


After a while, tapos na rin ang lahat. Ibinigay ko na rin ang scores nila and I can say na masaya ang mga students ko.


"Ididismiss ko na kayo class. Goodbye and see you tomorrow. You may now take your break." Pagpapaalam ko. I started to gathered up my things.


"Goodbye and see you tomorrow Miss Moretti." Isang ngiti ang ibinigay ko bago tuluyang lumabas na ng classroom nila. Of course, ayaw kong magover-time lalo na't break time na nila.


Nagsimula akong maglakad papunta sa aking office. Hindi naman iyon kalayuan dito eh. Hindi pa man ako nakakalayo ay may narinig akong tumawag ng aking pangalan.


"Miss Moretti..." Mabilis na nagbaling ako sa nagsalita. At ang isang pamilyar na estudyante ang sumalubong sa akin.


"Oh Miss Roxas it's you. What can I do for you sweetheart?" Magiliw na saad ko sa kanya. She's one of my outstanding student.


Nakita kong napakagat-labi sya bigla. I can feel that she's somewhat tensed up. "A-Ano po... Pwede po bang ako na lang ang magdala nyan Ma'am? Tulungan na po kita."


"I can handle this Miss. Hindi naman ito masyadong mabigat. You should take your foods na since it's already your break time." I said to her.


Atsaka, baka kung ano pang sabihin ng iba. Alam nyo naman ang chismis, madaling kumalat. Baka mamaya ay makaabot pa yun sa asawa kong dragona.


"If that's the case Ma'am, can I just accompany you to your office?" She said shyly and tucked a strand of hair on her ears.


I giggled. Ang cute naman ng gesture na yun. I wonder kung gagawing yun ni Samantha, ano kayang itsura nya? Hahaha. "Of course, pwedeng pwede."


Nagsimula kaming maglakad papunta sa aking office. Through the whole walk ay busy kami sa pag-uusap. Hindi kami nawawalan ng topic and we shares the same interest. Nakakatuwa lang.


We stopped when we already reached our destination. "Oh, nandito na pala tayo. Thank you for accompanying me Miss Roxas." I said while gently patting her head.


Nakita ko kung paano namula bigla ang kanyang mukha. At hindi ko maiwasang magtaka. What's wrong with her? Naiinitan ba sya?


"Anong ibig sabihin nito huh?" Boses pa lang ay kilalang-kilala ko na kung sino yun.


Crook the HomophobicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon