Chapter 38

238 14 1
                                        


Chapter 38

SA NAKALIPAS na dalawang buwan, marami na agad ang nangyari. Carson became even busier with her training in Agriq. Kahit paano ay nakuha na rin naman nya ang kiliti ni Ms. Macaspac. Nakakabisado na rin nya ng paunti-unti ang routine sa opisina. From time to time, Ms. Macaspac gives her task na wala sa trabaho nya bilang assistant secretary. But it was fine with her. Pabor pa nga iyon dahil nagkakaron sya ng panibagong information sa mga processes. Isang buwan na lang ang itatagal nya kay Ms. Macaspac at malilipat na sya sa ibang department para iyon naman ang aralin.

Just like Carson, naging abala din si Theo sa trabaho. Nagkaroon ng bagong projects ang Lucent Int'l and Theo had to attend to a couple of business conferences abroad. Dahil doon, sa loob ng dalawang buwan, hindi sila halos nagkikita. Bilang lang sa daliri ang dates nila kaya madalas, sa telepono na lang sila nag-uusap. Mahirap iyon sa dalawa but they know their responsibilities. Sa paglipas ng mga araw, nakasanayan na nila ang bagong setup.

IPINAPATAWAG daw si Carson ni Ms. Macaspac sa opisina nito. For what reason, hindi nya alam. Habang naglalakad ay pilit inaalala ng dalaga kung may nagawa na naman ba syang mali. But she failed to recall. After the last incident, she made sure not to disappoint the old woman again. Hindi dahil takot sya sa sermon ng ama, but the fact that she'll be the next face of Agriq, she must act accordingly.

She made three knocks before twisting the knob and push the door open.

"Good morning, ma'am. You're looking for me?"

Nag-angat ng mukha ang matandang babae para tingnan sya pero agad ding ibinalik sa pinipirmahan ang atensyon.

"Come in."

Carson did what she told.

Maingat na isinara nya ang pintuan at naglakad palapit sa mesa nito. Tumayo lang sya doon habang hinihintay na matapos ang babae sa pinipirmahan. For two months of being her assistant secretary, nakuha na ni Carson ang mga ayaw at gusto ng boss nila. Isa na doon ang umupo nang hindi sinasabi.

She watches the woman as she closed the folder and put it aside. Nag-angat ito ng tingin sa kanya.

"Sit down." Utos nito na ginawa din ng dalaga. "How are you coming with your job here?"

"I am learning the day to day process, Ma'am."

"But not enough to understand each and every detail." Supladang sagot nito. Kung dati, nagngingitngit sa inis si Carson sa tuwing makikita ang gannong reaction dito, ngayon balewala na iyon sa dalaga. Sanay na sya. "From now on, you'll be coming with me to every meeting I have. It is very important for you to learn how to handle such things. Once you become the head of this company, you'll do more things than this."

Tumango ang dalaga. "I understand, ma'am. But what about Janine?"

Si Janine kasi ang talagang secretary ng babae kaya iyon ang palagi nitong kasama sa mga meeting.

"She will be handling your work for now."

Ganoon nga ang nangyari. O mas magandang sabihing 'Secretary with a twist' ang job title nya. Dahil mas marami syang kailangang gawing trabaho kumpara sa normal na ginagawa ng isang secretary. Not that she's complaining, handa naman si Carson sa workload dahil rin biro ang mundong pinasok nya. She's just struggling with her freedom to get her 'me time'. Noon kasi ay hawak nya ang oras nya, she still has the time to enjoy and do whatever she wants. Ngayon, weekend na lang ang pahinga nya at sa halip na lumabas para mag-unwind, she'd rather stay in bed and get some sleep.

Kaya naman isang Sabado, it was already 9am pero nakahilata pa rin sya. Nainis pa sya nang may kumatok sa pintuan. It was the second time, dahil kanina pa sya ipinapatawag ng mommy nya para sumabay sa almusal.

Love Me AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon