Chapter 5

320 19 1
                                    

Chapter 5

It was raining hard. Pahirapan na naman tuloy sumakay.

Coding ang sasakyan ni Carson at ang walanghiya nyang kapatid na si Cocoy na dapat ay maghahatid sa kanya sa opisina, hindi nya macontact kanina pa. Umalis daw ito sabi ng kasambahay nila at babalik din. Pero inabot na ang dalaga ng alas sais ng umaga, hindi pa rin umuuwi ang kapatid. So instead, she decided to hail a cab going to work. Pero kahit iyon ay nahirapan din sya. Even Grab is not available. Ganoon naman kasi talaga, nagkakaroon ng magic kapag umuulan. So, her last option? Jeepney. Sanay naman syang magcommute kaya hindi iyon problema.

Alas otso na ng umaga nang mababa si Carson sa jeep. Mas lalo lang lumakas ang ulan and she still must walk ten minutes more bago makarating sa opisina. Wala kasing malapit na drop-off point sa building nila. Good thing, nagdala sya ng payong. Kaso lang, bago pa man sya makarating sa office, basang basa na ang lower body nya dahil may kasama pang hangin ang ulan.

Mas binilisan na lang ng dalaga ang paglalakad nang makitang ilang segundo na lang ay tatakbo na ang mga sasakyan. Pero hindi pa rin sya umabot.

The lights turned red and the timer started.

40 seconds.

Matiyagang naghintay doon ang dalaga nang biglang umihip ng malakas ang hangin kasabay ang malakas na buhos ng ulan. Hindi na nya nagawang magmura ng malakas dahil nagawa na iyon ng mga katabi nya. Inayos na lang nya ang payong habang pinupunasan ang nabasa na braso at mukha. Wala pa naman syang dalang jacket dahil meron naman sya sa opisina.

Umayos na ng tayo si Carson but they guy beside her caught her eyes. Bakit ba hindi? He was dripping wet. Nakataklob sa ulo nito ang hoodie pero since tela iyon, hindi rin nakatulong na isalba ang lalake sa ulan. Automatic na gumana ang pagiging soft-hearted ng dalaga. Sabi naman sa inyo, may mabuti talaga syang kalooban.

Without second thoughts, Carson extended her arms so she could share her umbrella with the stranger. Hindi lang naman lalake ang pwedeng magpayong sa babae. So, she thought why not? Siguradong napansin ng lalake ang ginawa nya dahil napatingala ito sa payong nya at saka sya nilingon. Dahan dahan nitong ibinaba ang basang hoodie at nagtama ang mga mata nila.

Medyo madilim dahil malakas ang ulan and his hair was a mess that it almost covered his face, but Carson was sure that he has the most beautiful pair of eyes she ever laid her eyes on.

Finally, the lights turned green. And before she could even stare at him more, she heard him muttered a silent 'thank you' and walked away. He half-walk-half-run habang nakapandong pa rin dito ang hoodie.

PANAY ANG singhot ni Carson habang nakatitig sa laptop at pinapasadahan ang email na ipinadala ng isang kliyente nila. Mabuti na lang at nakasanayan nan yang mag-iwan ng spare clothes sa office nya. In times like this, mayroon syang pampalit. She also has her own bathroom inside the office so she can take a shower any time she wants.

"Are you crying again? Atsaka bakit ang init dito sa opisina mo?"

Nag-angat ng tingin si Carson kay Emma.

She shook her head.

Bakit pa sya iiyak? Eh yung damuho nya ngang ex ni hindi na sya nagawang tawagan. Inaasahan nya pa naman na susuyuin sya nito at hihingi ng tawad dahil akala nya, ayaw din naman nitong magpakasal doon sa babae. Kung ganoon ang ginawa nito, baka nagbago pa ang isip nya at patawarin ang binata. Pero taliwas sa inaasahan ni Carson, dahil isang buwan na ang lumipas, ni isang text o tawag, walang itong paramdam.

"Sinisipon ako, gaga! Tapos na ang 'crying season' ko," she threw the crumpled tissue in the bin. "Pinahinaan ko kay Beth. Nabasa ako ng ulan kanina, malamig."

Love Me AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon