Chapter 9
"Is that all? Are you sure?"
"Yes. Nakakahiya naman kasi sa'yo. Treat mo pala ang lunch na ito."
"Kunwari lang nahihiya si Carson. Alam naman nya ang ibig sabihin ni Tupe. Good for 3-4 persons na kasi ang na-order nya and Tupe is paying for the food.
Natawa lang ang dalawang kasama nya.
"How about you, Emma?"
"Okay lang. Hindi ako kasing gana ni Carson kung kumain. Ewan ko ba dyan, parang may dragon sa loob ng tyan."
Natawa si Tupe.
"I agree. Even before, she eats like a horse."
"Baka nakakalimutan ninyong dalawa na kasama nyo ang pinag-uusapan nyong tao."
Muling natawa si Emma at Tupe.
The next minutes were filled with laughter as they exchange stories. Mabilis na nagkasundo si Emma at Tupe at madalas pa syang asarin. Nabaliktad bigla ang mundo dahil usually, si Carson ang gumagawa noon. Natahimik lang ang mesa nila nang dumating na ang pagkain. Akala mo ay may dumaang anghel dahil hindi sila kumikibo. Si Tupe ay natatawang nakamasid lang sa dalawang babaeng kaharap nya.
"How long are you planning to stay?" Carson asked.
It was 2PM. Napapagitnaan nilang dalawa ni Emma ang binata at marahan lang silang tatlo na naglalakad pabalik sa opisina. Natatakpan ng makakapal na puno ang sidewalk kaya presko pa rin maglakad kahit na ganoong oras.
"The original plan was two months. It depends on how quick the business will turn out. But mom and dad might go back sooner, though." Sagot ni Tupe.
Nagulat si Carson nang hawakan nito ang braso nya at pagpalitin sila ng pwesto.
"Danger side." He said.
Napangiti ang dalaga sa gesture na iyon. Ganoon pa rin pala ang kaibigan. Kahit kasi noong mga bata pa sila, ayaw nitong sa may gilid ng kalsada sya naglalakad kung saan mas malapit sa mga sasakyan. Palagi nitong pinagpapalit ang pwesto nila.
"Kung ganoon, mas matagal ka pa pala dito. Sumama ka din sa amin kapag may gimik." Sabi ni Emma na parang wala namang kakaibang napansin.
"Sure! That would be fun. Kayo lang din naman ang makakasama ko dito. Most of my friends are out of the country."
"We still have our grade school friends," Carson said. Nilingon nya ang binata nang may maalala. "And speaking of grade school, did you get the invitation for the alumni homecoming?"
Tupe nodded. "Yes. But I haven't responded yet."
Napasimangot si Carson. "Why?"
"I'm not sure if I'm still here by that time. Kapag naayos na ang negosyo ni daddy, I will be busier than the usual."
Napabuntong hininga na lang ang dalaga.
"Bakit? Kelan ba ang homecoming nyo?" tanong ni Emma.
"Four months from now."
"Medyo matagal pa naman pala. Pwede naman gawan ng paraan yan."
Napatango si Carson bilang pagsang-ayon. "I'll confirm your attendance to the committee. Para in case na matuloy ka, may seat ka na."
"I'll do my best to be there then."
Sumaya ang puso ng dalaga dahil sa narinig. Nagpatuloy lang sila sa paglalakad habang nagkukwentuhan.
BINABASA MO ANG
Love Me Again
Romance"Napakaunfair mo." Sabi ni Carson. "You asked me to marry you. Kaya nga tinanong kita noon kung sigurado ka ba. I've been there, Theo. Alam mo iyon. I've been left behind. I trusted you when you said you will not do the same thing. You just asked me...
