Chapter 17

229 20 3
                                    

Chapter 17


Natulala lang ang dalaga. Hindi alam kung anong isasagot. Her heart was beating fast. Pakiramdam nga nya ay lalabas na iyon mula sa ribcage nya.

Nagtaka na lang sya ng biglang humalakhak si Theo. Nakahawak pa ito sa tiyan habang tumatawa.

"You should have seen your face. It was priceless! Why do I always forget to film you whenever you do that?" sabi nito.

"Ha?" naguguluhang tanong ni Carson.

"I was just kidding. In case that happens, you'll do it voluntarily. Not because you have something to repay." Umangat ang kanang kamay nito ang marahang pinisil sya sa ilong. "Get some rest. I'll see you tomorrow. Goodnight!"

Iyon lang at umalis na ito.

Naiwang nakatulala pa rin ang dalaga.

Okay? So, biro lang talaga? Na-hurt siya ng very light doon ha? She should be the one doing that not the other way around.

Inis na ibinagsak ni Carson pasara ang pintuan pagkatapos ay mabilis na naglakad sa kama at dumapa doon. Nasa ganoong posisyon sya ng magring ang cellphone.

Agad na bumangon ang dalaga. Baka si Theo iyon at babawiin ang sinabi kanina lang.

Napasimangot sya ng makitang si Emma ang tumatawag. Bakit ba sya umaasa sa lalaking iyon? Nakakalimutan na yata nya na malandi ito at kayang gawin ang gestures na iyon sa kahit sinong babae.

"Hello?" bakas sa boses nya ang inis nang sinagot ang tawag.

"Ay, bad mood? Anyare?" Emma asked from the other line.

Napairap si Carson kahit alam nyang hindi naman iyon makikita ng kaibigan.

"Hay nako, ayokong pag-usapan muna." She answered. "Are you home?"

Sumigla ang boses ni Emma. "Yes! At may pasalubong ako sayo. Ihahatid ko sa bahay nyo bukas. For sure, matutuwa ka."

"Dapat lang ano? Akala mo siguro nakakalimutan ko na hindi mo ako isinama sa plano mo dyan."

Natawa ang kaibigan. "Ito naman, hanggang ngayon nagtatampo pa rin. Promise, pupunta tayo doon. This month pa kung gusto mo."

"Busy tayo this month."

"Sus, edi we'll find time. Teka, muntik ko na makalimutan yung reason bakit ako tumawag. May nakita kasi ako online."

"Ano naman 'yan?"

"Alam mo bang may Instagram si Theo?"

Muling napairap si Carson nang marinig ang pangalan ng binata.

"Eh ano naman kung may IG sya? Besides, it's not surprising na mayroon syang account dyan."

"Hindi kasi yun ang point. Matagal ko na sya pinafollow at yung huling post nya last year pa. And then he posted a photo today. Actually, 15 minutes ago lang. Kaya ako napatawag kasi parang ikaw yung babae."

Doon napakunot ang noo ni Carson.

"Ako?"

"Oo. Check mo ngayon, dali!" ibinigay ni Emma ang username. "Walang caption at hindi ka rin naman naka-tag pero sure ako na ikaw yan."

Binuksan naman ng dalaga ang laptop at agad na pumunta sa IG account nya. She typed in Theo's username that Emma gave.

Napatutop na lang sa bibig si Carson nang makita ang picture na sinasabi ni Emma.

The woman on the photo was wearing a white sundress. Nakaupo ito sa dulo ng yate habang nakatanaw sa sunset habang hawak ang wineglass. Hindi kita ang mukha nito at malayo din ang shot. But Carson was sure it was her. Naalala nya ang tagpong iniwan sya ng binata sandali para sagutin ang tumawag dito pero bumalik din agad.

Love Me AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon